Chapter 9

1 1 0
                                    

Hailey's POV

"Haileeeyyyyy!!!" isang malakas na sigaw ang gumising sa'kin.

Napabalikwas ako at hinanap kung saan nanggaling ang sigaw na iyon. Ngunit nawala ang kaba ko, sa halip ay napalitan ng pag-kainis.

Sino ba naman ang hindi maiinis kung mahimbing kang natutulog tapos bigla kang sisigawan? Nakakainis. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Ano problema niyo?" iritadong tanong ko.

Lumapit sa akin si Alexis na sumigaw kanina, sumunod naman si Sharelane at humiga sa tabi ko.

"Wala lang. Gusto kasi naman na dito na magpalipas ng oras bago dumating yung party." sabi ni Alexis habang nilalaro ang mga kuko niya.


Ha? Mga abnormal. Saan sila magbibihis? Sinong mang-aayos sa kanila. Hays. Etong mga babaeng 'to.


"Dinala na namin dito yung susuotin namin at mamaya pupunta dito yung mag-aayos sa atin." nakangiting sabi ni Sharelane.

Tumango naman ako at bumalik sa pagkakahiga. Ngunit 'di pa man ako nakakabalik sa pagtulog ay yumakap na sa akin si Sharelane at si Alexis naman ay humiga sa hita ko.

"May kailangan kayo, no?" tanong ko. Ganyan kasi sila sa tuwing may kailangan, nanlalambing.

Agad naman na tumayo si Alexis at tumaas ang kilay. Babaeng 'to, kahit kailan mataray.

"Porket nanlalambing may kailangan na? Tsk, nagbago na kami, no." mataray na sabi niya.


"Ayaw mo na ba na nilalambing ka namin? sabi ni Sharelane na umaaktong nasasaktan. Napailing-iling nalang ako dahil sa kaartehan nila.

"Sino kaya makakabunot sa'kin mamaya?" nakangiting sabi ni Sharelane at nakatingin sa itaas na animo'y nag-iimagine. Abnormal.

"Tangek, walang makakabunot sa'yo dai." natatawang sabi ni Alexis. Isa pang abnormal.

"Para kayong sila kuya, mga abnormal. Si Ethan nalang ata matino----" napahinto ako ng unti-unti ko ng mapansin ang mga sinasabi ko.

Ang dalawa naman ay parang mga ulol na may mapanuksong mga tingin. Halos natakpan ko ang tenga ko dahil sa sigaw nila. Sabay pa nga.

"Ikaw ha, may something na inyo, no?" nang-aasar na sabi ni Sharelane.


"May jugjugan na bang magaganap?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.

Tinulak ko siya at ayun... nahulog sa kama.

"Bwiset ka, Hailey. Nagtatanong lang ako ha, ang sakit na tuloy ng matambok kong pwet." naiinis na sabi niya. Eww.

"Para ka kasing gago, anong jugjugan pinagsasabi mo?"sabi ko. Namula ang pisngi ko dahil doon. Humiga ako ulit at umaktong natutulog pero sa totoo lang... naiilang ako dahil sa sinabi ng bruha na 'yon. Mas lalong namula ang pisngi ko ng ma-imagine kong ginagawa namin 'yon. aahhh ano ba 'toooo?

Napailing-iling ako at pupunta na sana sa cr ng magsalita nanaman ang bruha. "Ano, Hailey? Basa na ba ang mahiwagang panty?" natatawang sabi niya at sinabayan ng tawa ni Sharelane. Ayoko sa lahat ay kapag nagkaka-sabwatan sila dahil ikaw nalang ang maiilang sa mga gagawin nila at sasabihin. Binato ko sila ng unan na nahawakan ko. Mga bruha.


Dumiretso ako sa cr dahil hindi ko na matiis ang mga kalokohan nila. Grr.

Alexis's POV

Tawa kami ng tawa dahil sa naging reakyon ni Hailey. Grabe siya mamula kanina. Hmm.

"Hoy, feeling ko may something sila ni Ethan." naniningkit ang mga mata ko habang sinasabi 'yon.

"Gaga ka talaga, pero napapansin ko din 'yan." pagsang-ayon niya.

Lagi ko kasing nakikita na nakatingin si Ethan kay Hailey at sa tuwing may lalaking lumalapit at kumakausap sa bruha na 'yon ay nag iiba ang hitsura niya. Nagseselos? Naiintindihan ko na wala siya sa lugar para magselos kaya pinili niyang manahimik.

"I like him---" hindi na naituloy ni Sharelane ang sasabihin niya dahil sumingit ako.

"Hoy bruha ka, anong 'I like him' ha?" sabi ko.

"Gaga, I like him FOR HER. 'yan dapat yung sasabihin ko pero sumingit ka." natatawang sabi nya. Napa 'ahh' nalang ako.

"We're same. Gusto ko din siya para kay Hailey. Gwapo siya, nakita ko silang nag basketball no'n magaling din siya, matangkad at syempre soft boy siya." sabi ko. Napatango-tango naman siya.

"Hala oo nga pala, 'di ko pa pala nasasabi sa'yo to. Nung isang araw kasi dapat pupunta ako sa library tapos may narinig ako na pinag-uusapan si Ethan..." tumigil siya sa pagsasalita at pansin ko na hininaan niya ang boses niya.

Pabitin ampota. "Anong pinag-uusapan?" tanong ko.

"Ang sabi nila ay hahanap sila ng tamang time para magawa nila 'yung balak nila kay Ethan. Kinabahan ako no'n syempre pero hindi naman ako sure kung yung tinutukoy ba nila ay yung kaibigan natin. Tapos sinilip ko kung sino, ayun, yung mga bitchesa na galit sa mga lalaki---" pinutol ko ang sasabihin nya.


"Pero yung nga kinakagalitan nila ay pinagnanasahan din nila. Mga abnormal." sabi ko at napairap. Ganon talaga ang mga bitchesa na 'yon, galit sila sa mga lalaki tapos biglang pagnanasaan.

"I'm pretty sure na hindi talaga sila galit sa mga lalaki, ginagamit lang nila 'yon para masabi na ayaw nila sa lalaki tapos malalaman mo na pinagnanasaan pala nila." naiinis na sabi ko. Napatango-tango naman siya.









Ethan's POV

Nagising ako dahil sa tawanan na naririnig ko sa ibaba. Tumayo ako at sumilip kung sino ang mga 'yon.

Nabigla ako ng makita ko sina Zachary at Kenjie, nagluluto sila at nagtatawanan. Anong ginagawa nila dito? Bumaba ako at pinuntahan sila.

Tumikhim ako at natigil sila sa ginagawa nila. "Oh, gising na pala ang hari." natatawang sabi ni Zachary. Napailing-iling nalang ako at umupo sa upuan.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko at uminom ng ice coffee na gawa nila.

"Pumunta kasi kanina nina Alexis sa bahay, doon daw muna sila habang hinihintay yung party. Kaya naisipan ko na pumunta dito kasama si Zachary, ang awkward kaya sa bahay puro mga babae." sabi niya habang nilalagay sa lamesa ang mga niluto nila.

"Baka naman dahil kay Alexis." nang-aasar na sabi ko. Tumawa naman si Zachary.


Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyonan naming mag basketball. Nauna na sila doon sa may likod ng bahay dahil may basketball court do'n, yun nga lang hindi pa tapos dahil last month pa naumpisahan.

Pagkatapos mag-ayos ay sumunod na ako sa kanila. Nag-uusap sila nung dumating ako.

"Kampi daw kami ni Zachary." nanghahamon na sabi nila.

Napailing nalang ako at inaagaw ang bola. 3 points.

Nag-umpisa na ang laro at lamang ang score ko sa kanila.

Nakikita ko na medyo naiinis na si Zachary. "Ang daya mo naman, tol." natawa naman ako at hindi siya pinansin.

Natapos ang laro at ang ang nanalo. Kasalukuyan kaming nagpapahinga dito sa sala. "4:30 na maya-maya mag ayos na tayo." sabi ni Kenjie.

Napatingin ako sa wrist watch ko at 4:30 na nga. Mamayang 6 yung umpisa ng party. "Nasan nga pala yung mga susuotin niyo?" tanong ko at sinabi naman nila na nandoon sa kwarto ko. Hindi ko siguro nakita kanina.

-----

Next chapter pa pala yung party hihi sorry!!





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm afraid of you, my love.Where stories live. Discover now