Chapter 4

3 2 0
                                    

"Kamusta nama ang paglilibot mo, anak?" tanong ni Papa nang makarating ako sa bahay.


"Ayos naman, Pa." nakangiting sabi ko. "May nakita akong park na medyo malapit lang dito, doon ako tumambay." dagdag kom


Sa susunod ko nalang sasabihin kay Papa na kasama ko doon si Hailey dahil sigurado akonga aasarin nanaman niya ako.


Naalala ko si Hailey. Sana maging maayos na siya, ngayon ko lang nalaman ganon pala ang pinagdadaanan niya.


Pagkatapos naming mag usap ni Papa ay napagdesisyonan naming kumain na.


"Pa, bukas ako nalang ang pupunta mag isa sa school. Alam ko na din naman tsaka nakakahiya na hatid sundo ako." natatawa kong sabi. Tumango naman si Papa bilang pagsagot.

Pagkatapos kumain ay ginawa ko na ang dapat kong gawin at natulog.



Paggising ko ay alas singko trenta na ng umaga. Naligo muna ako bago kumain at nakita kong may iniwan na sulat si Papa.


Ethan, maaga akong umalis dahil may aasikasuhin pa ako. Mag-iingat ka sa pagpasok mo at hindi ko pa alam kung anong oras ako makakauwi.

     -Papa


Pagkatapos 'yon basahin ay nagtungo ako sa aking sasakyan. Habang nasa biyahe ay napapangiti ako...dahil makikita ko nanaman si Hailey, sana maayos na siya.


Maaga akong nakarating sa school at konti palang akong tao sa classroom. Nakita ko sina Kenjie, Zachary, Alexis, Sharelane at Hailey na kumakaway sa'kin.


"Oh, ang aga mo pumasok ngayon ah." nakangiting sabi sa'kin ni Kenjie.


"Nakakahiya naman kasi kung mal-late ako." tugon ko. Umupo na ako sa aking upuan at humarap sa kanila, nakapabilog kasi ang mga upuan nila para maayos silang makapagkwentuhan.


"Ayos kasali ka na sa grupo namin, Ethan." sabi ni Zachary.

"Grupo?" naguguluhang tanong ko.

"Hay nako, yang mga abnormal na yan ang naka isip na gumawa ng grupo." sabi ni Hailey.


"Dahil nga abnormal sila, matatawa ka sa ginawa nilang name ng group namin." mataray na sabi ni Alexis.


"Sus, pumayag naman kayo." nang aasar na sabi ni Kenjie.


"Paanong 'di kami papayag e tinakot niyo kami. Sinabi niyo na hindi kayo papasok kung di kami papayag e sa may konsensya naman kami edi pumayag nalang." naaasar na sabi ni Sharelane.


"Pero ikaw unang pumayag kasi nag aalala ka sa grades ni Zachary, uyy..." natatawang sabi ni Hailey. Ngumuso naman si Sharelane at nakita ko na namumula siya. Si Zachary naman ay nag iwas ng tingin.


"Ikaw Alexis, kaya ka ba pumayag kasi nag aalala ka din sa'kin?" nang aasar na sabi ni Kenjie.


"M-manahimik ka nga. Ang kapal ng mukha mo noh." sabi ni Alexis at makikita mo rin ang pamumula.


"Manahimik nga kayo. Nakakahiya kay Ethan ang iingay niyo." nananaway na sabi ni Hailey.


"Hey, it's okay." nakangiting sabi ko. "Ikaw Hailey bakit ka pumayag?" tanong ko.


"Pumayag naman din sila edi papayag na din ako, tsaka wala akong laban kung pag- ibig ang pag-uusapan." nang aasar na sabi ni Hailey kila Alexis at Sharelane.


"Ay sus, ngayon na nandyan na si Ethan, makaka relate ka na." sagot naman ni Sharelane.


"A-ano bang pinagsasasabi mo?" nauutal na tanong ni Hailey.


"Ibig sabihin ba niyan ay may gusto ka sa'kin?" tanong ni Zachary kay Sharelane.


Natawa naman ako sa kakulitan nila. "Kanina pa kayo nag aasaran pero 'di niyo pa sinasabi sa'kin kung anong pangalan ng grupo niyo." natatawa kong sabi.


"Y-yun nga ahm... The Unknown yung naisip ng mga abnormal na yan." sabi ni Hailey.


"Ayos naman ah. 'Di ba, Zachary?" natatawang tanong ni Kenjie.

"Bakit niyo naman naisipan 'yon?" tanong ko.


Sabay naman na natawa sina Kenjie at Zachary. "Kasi naman nahihirapan kaming mag-isip kung anong pangalan ng grupo namin that time, kaya ayon The Unknown nalang." sagot ni Zachary.


"Mga abnormal talaga." bulong ni Hailey.


"Baby Sharelane, 'di mo pa sinasagot yung tanong ko." tanong ni Zachary pero bago pa man makasagot si Sharelane ay dumating na si ma'am. Dahil sa pagkkwentuhan ay 'di na namin namalayan na marami na pala kaming kaklase na dumating na.


Inayos na namin ang kanya-kanyang upuan at nakinig na kay ma'am. Matapos ang ilang oras ay lunch time na. Naisipan ko na sa kanila nalang sumama dahil mapilit sila at welcome at ako sa grupo nila. Nakakataba ng puso dahil kahit bago pa lamang ako dito ay nadyan sila na pinaparamdam sa'kin na 'di ako nag-iisa.


Dito namin naisipang kumain sa wala masyadong tao. Puro puno at mga bulaklak ang makikita, may nakalaan na mga upuan at lamesa para sa mga gustong tumambay dito.


Pagkatapos kumain ay napag-isipan naming tumambay muna dito dahil maaga pa naman. May dumaan na mga babae at masasama ang tingin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ito pero sa akin sila nakatingin. Nang makaalis sila ay nagsalita si Hailey.


"Hoy, napansin niyo ba yon? Kay Ethan sila nakatingin tapos ang sasama ng tingin." sabi ni Hailey.

"Napaka inosente mo talaga Hailey. 'Di mo parin alam kung ano yung usap-usapan?" tanong ni Alexis. Nakita ko naman na naguguluhan si Hailey.


"Sa ating lima, ikaw lang ang hindi nakakaalam." sabi ni Kenjie. "Yung grupo ng mga babae na nakita niyo mga bully yon. Ang sabi nila may galit daw sila sa lahat ng mga lalaki. Kaya kung bago ka lang dito at 'di mo sila kilala, kawawa ka. Bakit? Kasi isa ka sa mapapagtripan nila. Anong gagawin nila sayo? Ipapahiya ka nila at ang mas malala don ay sasaktan ka pa nila." dagdag niya pa.


Kinabahan ako sa mga narinig ko.


"Ingat ka sa kanila, pre." nag aalalang sabi ni Zachary.


Nakita ko naman na nanahimik si Hailey. Pero agad din 'yong nawala nang magsalita si Sharelane.



"Panira naman oh, wag niyo na isipin 'yon." sabi ni Sharelane.



Pagkatapos magkwentuhan ay bumalik na kami sa room dahil ilang minuto nalang ay darating na ang next teacher. Makalipas ang ilang oras ay uwian na.


"Halos lahat ng teacher natin sa panghapon ay nagbigay ng assignment, arghhh..." sabi ni Alexis.


"Ang masakit pa don, sabay-sabay pa silang ipapasa bukas." nakayukong sabi ni Sharelane.


"Nagrereklamo kayo sa ganito, paano pa kaya kung nag college na tayo." natatawang sabi ko. Sabay naman silang napa buntong hininga.


Pagkatapos non ay napagdesisyonan na naming umuwi na, nauna na sila dahil may kukunin pa ako sa locker.


Pagbukas ko sa locker ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko. Isang patay na puting pusa na napakaraming dugo, nakalagay ito sa isang kahon. Agad-agad ko itong tinapon sa malapit na basurahan at may nahulog na papel, binasa ko iyon.

Sigurado ako na sinabi na nila sayo kung anong meron samin. You're our next target.


Walang nakalagay kung kanino galing 'yon pero isa lang ang sigurado ako... natatakot ako sa pwedeng mangyari sa'kin at kailangan kong mag-ingat.














I'm afraid of you, my love.Where stories live. Discover now