Chapter 8

1 0 0
                                    

Hailey's POV

Nang makaalis si Ethan ay agad akong pumasok sa loob. Nakita ko sina Mommy't Daddy na seryosong nag-uusap.

"It's been a years since nawala si Hanna." naabutan kong sabi ni Daddy.

Nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata nila, lalo na kay Mommy. "Sana ay nasa maayos na kalagayan siya." nag-aalalang sabi ni Mommy.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanila. Humalik ako sa kanilang pisngi at nagmano pagkatapos at umakyat na sa aking kwarto.

'Di ko kayang tumagal kung si Hanna ang pinag-uusapan dahil hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako. Bilang kanyang ate ay nasasaktan ako dahil wala manlang akong magawa para mahanap siya. Miss na miss ko na si Hanna.

Nang makaakyat sa aking kwarto at nagbihis na ako, hihiga na sana ako sa kama ng makita mo ang picture namin ni Hanna nung nasa park kami, nakuha 'yon ng nandyan pa si Hanna at masaya kaming naglalaro pero bigla na lang siyang nawala.

Kinuha ko ang picture namin at sumandal sa kama. Habang nakatingin ako sa picture ay nag-uumpisa ng tumulo ang aking luha dahil sa nakikita kong ngiti nya sa larawan ay napakasaya niya at dahil do'n ay naalala ko ang mga masasayang araw na magkasama kami.

"Ate, tingnan mo 'yung ginawa ko kay kuya." masiglang sabi ni Hanna.

Nilalaro ko ang alagang pusa ko na si miming ng sanabi 'yon ni Hanna. Lumingon ako sa kanya at nagulat ako ng makita ko si kuya na kalalabas lamang ng kwarto.

Ang gulat ko ay napalitan ng napakalakas na tawa at ang mga kasambahay ay nagtatakbuhan pati sina Lolo't Lola, Mommy't Daddy dahil sa tawa ko dahil ang tawa ko ay may kasamang sigaw.

"Apo, anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?" nag-aalalang tanong ni Lola. Halos hindi ako makasagot dahil sa katatawa kaya tinuro ko na lamang si kuya.

Tumingin sila kay kuya at gaya ko ay napalitan ng tawa ang kanilang gulat. Halos lahat ng tao dito sa mansyon at tawa ng tawa dahil sa hitsura ni kuya.

Ang muka niya ay napaka-puti na animo'y pinaligo ang pulbos, ang kanyang kilay ay napaka-kapal, ang kanyang labi na sobrang pula, may nakalawit pa na hikaw sa kanyang tenga, ang daming hair clip na nakalagay sa kanyang ulo at higit sa lahat ay suot niya ang dress ko, at naka heels pa.

Kitang-kita ko ang inis sa muka ni kuya pero nawala din 'yon ng makita niyang masaya kami, lalo na si Hanna.

"Apo, sino ang gumawa sa'yo niyan?" natatawang tanong ni Lolo.

Bahagyang natawa si kuya. "The one and only, our little princess." nakangiting sabi nya at binuhat si Hanna.

Ngumuso naman si Hanna at ang buong mansyon at napuno ng tawanan.

Kumirot ang puso ko dahil sa ala-ala na 'yon. Sana maulet ang pangyayaring 'yon at kasama namin si Hanna. Tinuyo ko ang luha ko at huminga ng malalim.

Tumayo ako at pumunta sa may veranda. Habang tinutuyo ko ang aking luha na kanina pa tumutulo ay bigla kong naalala si Ethan.

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko sa kaisipang may gusto sa'kin si Ethan. Natatakot ako, natatakot akong pumasok sa ganoong sitwasyon dahil minsan na rin akong nasaktan. Inaamin ko na pareho kami ng nararamdaman pero natatakot akong umamin.

Bumalik ako sa kama at nagpatuloy sa pag-iisip ng mga nangyari kanina. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng may kumatok sa pinto.

Tumayo ako at binuksan 'yon, nabigla ako ng makita ko si kuya. Minsan lang siya pumunta dito sa kwarto ko at kung pupunta man siya ay may problema siya at may gustong pag-usapan tungkol sa pamilya namin.

I'm afraid of you, my love.Where stories live. Discover now