Chapter 2

10 3 0
                                    

Bumalik sila sa pagiging maingay ngunit natigil lamang 'yon ng dumating ang isang medyo may katandaang babae. Nasisiguro kong siya ang aming teacher.

"Good morning, everyone!!" masiglang sabi ni ma'am.

"Good morning, ma'am!!" sabay sabay naming bati.

"Hmm, ilang taon na din kayo dito nag-aaral at kilala niyo na din ang isa't isa. Pero may bago kayong kaklase..." nakangiting sabi ni ma'am sabay tingin sa akin.

"Okay, introduce yourselves!!" sabi ni ma'am

Hmm..mukhang masiyahin si ma'am ah.

"Little girl, sa'yo magsisimula." medyo natatawang sabi ni ma'am at tinuro ang babaeng nasa harapan. Kaya pala little girl kasi medyo maliit siya.

"I'm Alexis B. Montano." seryosong sabi niya.

Hmm, mukhang masungit ang isang to.

"Hello guys, my name is Kenjie Lloyd C. Hernandez." nakangiting sabi niya.

Palangiti ang isang to.

"Hey, I'm Sharelane M. Lopez." masiglang pagpapakilala niya.

Masayahin siya.

"My name is Zachary  S. Martinez." natatawang sabi niya.

Sa tingin ko ay palabiro siya.

Nagpatuloy sila sa pagpapakilala. Ako naman ay sinubukang kabisaduhin ang kanilang mga pangalan ngunit iilan lamang ang natatandaan ko.

Hanggang sa tumayo ang babaeng nasa may bandang kaliwa.

"Hey, classmates. Syempre kilala niyo na ako maliban sa bago nating kaklase." nakangiting sabi niya sabay tingin sa'kin.

Nagsalubong ang aming mga mata. Napaka-bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin dahil ngayon ko lamang naranasan ang ganitong pakiramdam.

"Hi, ahm.. 'Di ko alam kung anong pangalan mo e, ahm.." sabi nya na nakatingin pa rin sa'kin.

"Hoy sis, ano bang nangyayari sa'yo?" natatawang sabi nung babaeng nagngangalang Sharelane.

Bumuntong hininga siya at nagpatuloy sa pagsasalita. "Sa'yo lang ako magpapakilala dahil halos lahat ng nandito ay kilala ako, my name is Hailey Aliyah C. Hernandez." nakangiting sabi niya at bumalik sa upuan. Nararamdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang ganda ng  ngiti niya...

Napailing nalang ako sa naisip ko at ngumiti sa kanya. 'Di ko namalayan na ako na pala ang susunod sa kaniya.

Kinakabahan ako habang naglalakad papunta sa harapan ngunit hindi ko iyon pinahalata sa halip ay nilakasan ko ang loob ko. Bumuntong hininga kasabay ng pagngiti at nag umpisa ng magpakilala.

"Hello everyone, my name is Ethan Clark V. Dela Verde." nakangiting sabi ko. Napadpad ang paningin ko kay Hailey Aliyah... napaka gandang pangalan...

'Di ko alam kung saan nanggagaling ang mga naiisip ko. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"I'm a new student here at Hernandez University. Pero 'di lang dito sa school ako bago, pati na rin sa lugar na 'to. To make it short, bagong salta kami dito. Hindi naman sa pagiging makapal ang mukha pero inaasahan ko na maging maayos ang pakikitungo niyo sa'kin at asahan niyo na ganoon din ako." nakangiting sabi ko. Pinipilit kong ngumiti dahil may side ako na pala seryoso. Hindi ko 'yon pwedeng gawin ngayon dahil baka isipin nila na masungit ako, gusto ko lang magkaroon ng kaibigan lalo na't bago pa lamang ako dito.

I'm afraid of you, my love.Where stories live. Discover now