Chapter 4

781 54 1
                                    

Chapter 4

Hanggang sa mag uwian na, wala akong naintindihan sa mga binigkas ni mam. reyes patay na naman ako kapag nag p.t ( periodical test ) na buong maghapon lutang ako buti nalang hndi napapansin ni mam. Reyes. simula nang makatanggap ng sulat si xyren galing kay janice lutang nako dko alam kung bakit ganun. syempre makakatanggap talaga sya ng sulat kasi nga gwapo sya crush sya ng buong campus ultimo yung mga babae na may boyfriend na, may crush sa kanya hays! bat kasi ang pogi nya!

Pag labas ko ng gate ngayun ko lang naalala na nakalimutan kong hintayin si anne kaya nag hintay ako nang ilang minuto dto sa labas ng gate. habang naghihintay ako nilibot libot ko ang aking mata sa paligid. hanggang sa may nahagip akong isang pamilyar na lalaki na papalapit sakin, si xyren. di ko alam kung bakit papalapit ng papalapit sya sa direksyon ko habang papalapit sya bumibilis din ang tibok ng puso ko pakiramdam ko magwawala ng wala sa oras.

Kalma self! Aatakihin ako nito sa puso?!

Nang makalapit na sakin, huminto sya sa mismong harap ko. kaya halos d ako makahinga.Amoy na amoy ko ang pabango nya na panlalaki. d ko alam kung pano ko nalalabanan ang titig nya sakin nakaka hypnotize yung mga tingin nya. nangangatal na ang tuhod ko sa kakatayo sa harap nya, wala yatang balak magsalita ang isa sa amin. kaya laking pasasalamat ko ng mag salita sya.

" yung bike ko, nasa likod mo." dahan dahan akong lumingon sa likod ng dahil sa sinabi nya. napatakip ako sa aking bibig ng makita ko nga yung bike nyang kulay itim,

Napatingin ako sa kanya matapos kong tingnan yung bike nya, sinalubong ko ang titig nya na walang emosyon.
gumilid ako para makuha nya yung bike nya sa likod ko, nang makuha nya yung bike nya akala ko aalis na sya kaya lalo akong gumilid. napatingin ako sa kanya ng nanatili syang naka upo sa bike nya na hindi pa umaandar, ramdam kong uminit ang pisngi ko ng mag salubong ang tingin naming pareho.

" umalis na si Anne kanina pa, hinanap ka nya sakin sabi ko d ko alam kung nasan ka. kaya akala nya umuwi kana....una nako. " sabi nya na naka panlumo sakin, naghintay ako sa wala yari talaga yang anne nayan sakin. nauna nakong maglakad kahit na nasa likod ko pa sya.

habang naglalakad ako nagtaka ako ng dko pa makita yung bike nya na dumaan sa harap ko kaya lumingon ako sa likuran ko ngunit wala na sya ron, dahil nasa harapan ko na sya ngayun.

" umangkas kana, malapit ng umulan." d ko alam kung anong meron sa salita nya na nakapag pamula sa mukha ko kaya yumuko ako, ayokong makita nya na namumula ako dahil sa kilig.

Sumunod ako sa kanya, umangkas ako sa likod nya bago pa bumuhos ang ulan, nang makaangkas nku nag dalawang isip pako kung hahawak ba sa bewang nya pero sa huli hinayaan kong mag desisyon ang sarili ko at humawak sa bewang nya na walang permiso galing sa kanya.

Nakita ko ng matigilan sya sa pag andar ng dahil sa ginawa ko pero sa huli hinayaan nya nalang ako. habang umaandar kami nalalasap ko ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko naamoy ko rin ang pabango nya na panlalaki na humahalo sa sariwang hangin.

Halos mapunit ang aking mukha sa lapad ng aking ngiti habang umaandar kami. lalong humigpit ang hawak ko sa bewang nya ng may nadaanan kaming hams. idinikit ko ang aking mukha sa likod nya ng tumalbog ang pwetan ko, medyo nakahinga ako ng maluwag ng malagpasan na namin ang hams pero nanatili akong nakakapit sa kanya.

CAMPUS CRUSH 1 [Completed]√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon