Chapter 6

692 46 1
                                    


Chapter 6

Lumipas ang ilang linggo, tinupad ko ang mga sinabi ko saking sarili iniwasan ko ang lalaking hinahangaan ko. tuwing papasok sa room wala akong ibang tinitingnan kundi ang mga kaklase ko na masayang nagtatawanan pati si Anne na lagi akong dinadaldal saking upuan sinabi ko sa kanya na iiwasan ko nalang si xyren kaya ang ginawa nya tinulungan nya kong kalimutan ko sya. iniwasan ko rin ang sarili kong tingnan sya kahit katabi ko sya, ayokong mahulog sa mga mata nya na nakaka hypnotized. may pagkakataon na kinakausap nya ko tungkol sa mga nagiging project namin kaya kinakausap ko din sya kahit na sa iba ang aking atensyon.

Unti unti nawawala ang paghanga ko sa kanya at napalitan ng pagiging normal na kaklase nalang ang tingin ko sa kanya, weekend ngayun kaya nag desisyon akong gumalang mag isa.nag paalam ako kay mama na aalis ako kaya pinayagan nya naman ako, d ko alam kung saan ako pupunta ngayung mag isa lamang ako balak ko sanang yayain si Anne na gumala ang kaso aalis sila ng magulang nya kaya ako nalang tuloy mag isang gumala, hinayaan ko ang sarili kong maglakad lakad sa kung saan saan hanggang sa napunta ako sa play ground ng mga bata.

May mga ilang batang naglalaro dito sa play ground kasama ang kanilang gabay na magulang. umupo ako sa ilalim ng puno para tanawin ang mga batang masayang naglalaro, habang nililibang ko ang aking sarili may narinig akong tunog ng bell kaya lumingon lingon ako sa paligid. nang makita ko ang isang mamang lalaki na nagtitinda ng cotton candy agad akong tumayo at bumili. matagal tagal narin akong hindi nakaka kain ng cotton candy kaya sobrang saya ko na sa wakas makakatikim na uli ako. Simula bata ako paborito ko na toh matamis kasi sya saka kapag kinain mo kusang malulusaw sa loob ng bibig mo at magiging asukal, naalala ko na iniyakan ko pa sila mama na ibili ako nang ganito dahil naiinggit ako sa mga bata na kumakain ng ganito. Ang kaso di parin ako binili sumakit kasi ang ngipin ko dahil dito kaya namaga,simula nun d na nila ako binili ng cotton candy.

" pabili nga po! "

" oh, ito oh iha"

Pag kabigay sakin bumalik ako saking pwesto at umupo. habang kumakain ng cotton candy, may nakita akong dalawang pares ng sapatos sa harapan ko unti unti kong inangat ang aking mukha para malaman kung sino ang nag mamay ari ng sapatos. nang magsalubong ang tingin namin ilang beses akong kumurap kurap para alamin kung nananaginip bako oh hindi. Anong ginagawa nya dto!

" pwede ba kong maki upo." Tanong nya sakin nang nakangisi, nag iwas ako ng tingin sa kanya at umusod ng kunti para bigyan sya ng mauupuan.

kailan ba syang natutong ngumisi eh dati ang tahi tahimik nya lang tas seryoso pa ang mukha ngayun ngumingisi na sya ang weird nya, pero atlis gwapo sya habang nakangisi siguro kung crush ko parin sya kikiligin ako, pero ngayung wala nakong crush sa kanya parang wala nalang sakin yun. napatingin ako sa kanya ng bigla syang magsalita.

" hinanap kita sa bahay nyo kanina, sabi ni tita gumala ka daw kaya hinanap kita." napatanga ako sa sinabi nya, di ko alam kung bakit nya ko hinahanap eh tapos na namin lahat yung mga group project namin.

Nagpatuloy sya sa pagsasalita ng di ko sya kausapin.

" may tanong lang sana ako.....Mina," napatingin ako sa kanya ng binanggit nya ang pangalan ko.

Nagsalubong ang aming tingin ng dahil sa sinabi nya, may naramdaman akong kuryente saking katawan habang nakatitig kami sa isat isa at unti unting bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa titig nya. agad akong nag iwas ng tingin sa kanya dahil sa nanginginig kong katawan, hindi naman malamig pero bakit ako nangangatog ng ganito.

CAMPUS CRUSH 1 [Completed]√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon