Chapter 5

748 51 1
                                    


Chapter 5

Kinabukasan, maaga akong nagising at nag asikaso saking sarili. nagpaalam ako kay mama pagkatapos kong kumain at lumabas na ng bahay, agad kong pinuntahan ang bahay ni xyren para alamin kung nakaready na sya. Nang akmang kakatok nako sa pintuan nila agad na itong nabuksan at tumambad sakin ang seryosong mukha ni xyren na nakatingin sakin. nakaready na nga sya, tinapunan nya lang ako ng tingin at pumasok muli sa loob ng bahay para kunin ang bag nya, nang makuha nya na matamad nyang isinabit ang bag nya sa kaliwang balikat lang. at nauna nang mag lakad.

tahimik kaming naglalakad sa daan, diko alam kung bakit sobrang tahimik nya kaya ang ginawa ko para hindi boring ang pag lalakad namin ng tahimik binasag ko ang katahimikan at nag salita.

" uhm....xyren may naging g-girlfriend ka na ba?" di ko alam kung bakit ako naiilang sa kanya itatanong ko lang naman kung nag ka girlfriend na ba sya.

Tiningnan nya lang ako saglit at agad na umiling saka pinagpatuloy ang paglalakad,wala ba syang balak mag bukas ng topic? Hays!

" alam mo, hndi bagay sayo maging tahimik. try mo kayang magsalita hndi ka mamamatay promise!" pagbibiro ko sa kanya.

huminto sya sa paglalakad at hinarap ako, patay! mukang nagalit ko yata. nakita ko kung pano nagseryoso ang mukha nya na nakatingin sakin.

" pwede ba, wag ka munang mag ingay bilisan na natin may gagawin pako." sabi nya sabay talikod sakin at naunang maglakad. OMG!!! ang lambing nya talaga magsalita!

Nakita ko kung gano kalayo na ang agwat namin sa isat isa kaya nagmadali ako maglakad pasunod sa kanya. kahit nakukulitan sya sakin panay parin ako tanong sa kanya saka kwento kahit na tango at iling lang ang nakukuha kong sagot sa kanya.

Pagdating namin sa school, kaunti palang ang estudyante at ang iba nakatingin na samin ni xyren. yung mga tingin na parang naiinis sila sakin dahil kasama ko ngayun ang crush nila, lumapit ako kay xyren para bumulong.

" xyren, d mo ba nakikita maraming nagkakagusto sayu."sabi ko sa kanya habang nakangiti, nakita ko nang unti unti nyang nilingon ang mga kababaihan na tumitingin sa kanya.

tiningnan nya ako pagkatapos nyang sulyapan ang mga kababaihan, nang magsalubong ang tingin namin nakita ko kung panong tumaas ang kilay nya sakin. kaya unti unti nawala ang ngiti saking labi.

" wala akong pake alam sa kanila," sabi nya sabay talikod sakin, kaya napahinto ako sa paglalakad.

Wala syang pakealam sa mga nakapaligid sa kanya na nagkakagusto sa kanya, ibig sabihin wala din syang pake kung gusto ko sya?, basta d ako titigil sa kanya kahit makulitan pa sya.

Pagpasok ko sa room, naabutan ko syang nag babasa ng libro. umupo ako sa tabi nya at pasimpleng tinitingnan yung binabasa nya. mabuti at focus sya sa binabasa nya kaya d nya ko nakikitang sumusulyap sa kanya.

CAMPUS CRUSH 1 [Completed]√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon