Chapter 10

1K 119 29
                                    

Chapter 10

Lumipas ang ilang linggo at patuloy sa panliligaw sakin si xyren,talagang tinutupad nya ang kanyang pangako para sakin.may mga araw na palagi kaming nag dadate ng kaming dalawa lang o di kaya mag ma-mall kasama sya walang araw na di ko sya nakikita at nakakausap dahil hanggat nandito sya sa tabi ko palagi akong kinikilig.

Boto ang lahat sa kanya pati mga kaibigan ko gustong gusto sya para sakin.idamay muna sila mama at papa na palagi akong tinatanong kung kailan ko ba daw sasagutin si xyren kaya ngiti lang ako ng ngiti sa kanila,hanga ako kay xyren dahil kahit palagi kaming magkasama di sya nagtatanong kung kailan ko ba sya sasagutin.palagi nyang sinasabi na kaya nya daw maghintay hanggang sa dumating ang araw na maging kami.

Nakausap ko rin sila tita Cindy sa cellphone pati ang daddy nya dahil pinapakilala nya nako,palagi nyang sinasabi soon to be my girlfriend and future wife raw kaya natatawa nalang ako.tawa na may kasamang kilig kagaya nila mama tanggap rin ako ng mga magulang ni xyren.wala na siguro akong hihilingin pang iba dahil tinupad na ni lord ang lahat.

Ngayong araw napag desisyon namin na pumunta sa lugar kung saan ko unang nakita ang isang lalaki na gwapo,sa lugar na kung saan naging crush ng buong campus ang lalaking nililigawan ako ngayun. sa lugar na kung saan nahulog ako sa lalaking transferri at kakakilala ko lamang.at sa lugar na kung saan sasagutin ko na ang lalaking matagal ko ng gustong mapasakin.sa lugar na pinapasukan ng mga estudyante ang NHS.

" ang laki ng pinagbago nang school nato" saad nya habang palinga linga sa mga bagong building na itinatayo.

Weekend ngayon kaya walang mga estudyante.pinapasok kami ni manong guard dahil dati narin naman daw kaming estudyante dito.

Ngumiti ako at tumango," kahit malaki ang ipinagbago nito nandito parin ang mga ala ala ko sayo." Ani ko kaya napatitig sya sakin.

" mga ala ala na naging crush kita kahit kakakilala ko palang sayo,yung naging baliw na baliw ako sayo nun,tapos nung nalaman kong kapit bahay ka namin,yung mga pagpapapansin ko sayo kahit na masyado kang snobber nun." Nakangiting dugtong ko.

Napatingin ako sa kamay ko nang bigla nya itong hawakan ng mahigpit,nag angat ako ng tingin sa kanya at sinalubong ang kanyang tingin.

" talaga ngang baliw na baliw ka sakin nun,kasi sa tuwing titingnan kita palagi kang nagba-blush oh di kaya iiwas ng tingin.alam mo nung una kitang makita sa upuan tinitigan kita,gusto kong tumawa dahil nagbabasa ka baligtad yung hawak mong libro pero pinigilan ko dahil di pa kita masyadong kilala para tawanan." Binawi ko ang kamay ko sa kanya at nauna nang maglakad dahil hiyang hiya ako sa nakaraan ko!

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nasa labas na pala ko ng school,lumingon ako saking likuran para alamin kung nakasunod ba sya,pero hindi pala.

Lumingon lingon ako sa paligid saka sumigaw," xyren!, nasan kana! wag mo ko taguan alam kong di mo ko iiwan dito!"

Patuloy ako sa pagsigaw habang naglalakad,hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko na naglalakad na sa playground,huminto ako sa paglalakad at nilibot ko ng tingin ang paligid.

Walang tao tanging mga slide at iba pang rides ng mga bata ang nandito.napatingin ako sa lupa ng makita ko ang nagkalat na mga petals na rosas sa paligid.meron ding mga kandila na nakahilera naparang daanan kaya dinaanan ko ito,nanatili akong nakayuko habang sinusundan ang hilera ng mga kandila.hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong nakatayo sa gitna ng hugis puso na inukit sa lupa.

Unti unti kong inangat ang aking ulo upang alamin kung ano ang nasaharapan ko.nang makita unti unti bumalik ang mga ala ala ko,nandito ako ngayun sa harap ng puno na syang kinauupuan ko dati,dito ko rin inamin ang nararamdaman ko sa kanya nung panahong inakala ko na may gf na sya at manhid sya.

Natuon ang aking paningin ng makitang may tao sa likod ng puno,gusto kong lamunin nako ng lupa ngayon sa kinatatayuan ko,nang matukoy kung sino ang lalaking nakatago sa likod ng puno biglang bumilis ang tibok ng aking puso,pakiramdam ko ano mang oras magwawala na yung puso ko!

Naglakad sya palapit sakin hanggang sa pareho na kaming nasa gitna ng hugis puso.hinawakan nya ang aking kamay.

" ito yung araw na inamin mo yung nararamdaman mo sakin tama ba?" Tanong nya kaya tumango ako." Ito rin sana yung araw na aamin ako sayo kaso di moko kinakausap nun kaya umalis ako pero bago pako makalayo narinig kong sumigaw ka kaya napangiti ako kaya sinundan kita."

Nang dahil sa sinabi nya bigla ko syang niyakap.di ko alam na yun pala ang sasabihin nya sakin edi sana matagal ko ng alam na gusto rin pala nya ko,ang tanga ko shitt!

" sorry di ko alam" ani ko habang nakayakap parin ako.

" OK lang matagal nayun saka may bago sana akong sasabihin sayo eh," kumalas sya sa yakap ko at lumuhod na syang kinagulat ko.

" a-anong k-kalokohan na naman yan! Tumayo ka nga dyan," sigaw ko pero di natinag si gwapo nakuha pang ngumiti.

" easy,di pako magpo-propose saka nayun kapag nasagot mo na yung tanong ko,payag kabang maging girlfriend na kita?" Tanong nya na syang nakapag paluha saking mata.

" hey! Why are you crying? Tinatanong lang kita kung papayag kang maging girlfriend na kita umiyak kana,pano pa kaya kapag tinanong na kita ng will you marry me humagulgol kana" saad nya sabay tawa kaya napangiti na lamang ako.

" baliw! Tears of joy lang toh" sabay palo ko sa kanyang balikat.

" so anong sagot mo?"

" tinatanong paba yan syempre yes!" Sagot ko na syang ikinangiti nya.

Tumayo sya at pinagpagan ang kanyang tuhod saka muling humarap sakin. Hinawakan nya ang aking baba gamit ang kanyang kanang kamay at ang isa naman ay inaalis ang buhok na naka kalat sa mukha ko saka inilagay sa likod ng aking tainga.

" I promise that you'll be the last girl in my life...baby" aniyo saka unti unti inilapit ang kanyang mukha sakin.

Hanggang sa naglapat ang aming mga labi. sa araw na ito walang higit na mas sasaya pa sakin dahil ang dating pinapangarap ko lang at hinahangaan ngayun boyfriend ko na at hihilingin ko rin na sana sya na ang huling mamahalin ko...





. THE END


I hope na magustuhan nyo po to tinry ko lang magsulat ey! So sana magustuhan nyo sa mga susunod na week isusunod ko narin po yung next story ko so plss pavote saka pafollow narin po thanks😊

CAMPUS CRUSH 1 [Completed]√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon