Chapter 2

1.2K 63 17
                                    


Chapter 2

" miss, nagbabasa kaba?" Tumingin ako sa harapan ng may nagsalita,

Nakita kong lahat sila busy sa pakikinig at yung iba patingin tingin sa upuan ko, d ko alam kung sino yung nagsalita at d ko rin alam kung bakit panay sila tingin sakin, kaya ang ginawa ko nagpatuloy nalang sa pagkunwaring pagbabasa.

Muli akong tumingin sa harapan ng may tumikhim, kaya lang lahat sila nakatuon na sa harapan at nakikinig na sa binibigkas na tungkol sa project ni mam.

Maliban sa kabilang row na grupo ng mga mahaharot na babae na kinabibilangan nila Janice lahat sila pasimpleng tumitingin sakin, dko alam kung bakit sila tumitingin sakin.

Tumingin ako sa likod sa pag aakalang nandoon yung tinitingnan nila kaso walang tao dun, dahil ako lang naman ang last row saka wala akong kata-----

Akala ko lang pala ako lang ang last row mali pala ako kasi katabi ko na ngayun ang lalaking kanina nasa harapan ko lang, ngayun katabi ko na at nakatingin sakin ng diretso.

Halos matulala ako nang magtama ang mga mata namin,gusto kong magsalita kung bakit sa dinami daming bakanteng upuan dito pa talaga sya umupo sakin.ang kaso walang lumabas na alinmang salita sa bibig ko, nanatiling nakatikom habang titig na titig sa kanya.

Natauhan ako ng bigla syang magsalita.

"Okay kalang ba,miss?" Tanong nya na nakapag pigil hininga sakin,

Ang bango ng hininga nya!

Agad akong tumango at tumalikod para alamin kung mabaho ba hininga ko,

Nang napagtanto kong d pa panis ang laway ko, agad akong humarap sa kanya upang magsalita...sana

"Trans----" sabi ko sa kanya na agad naputol dahil nakita kong nakikinig na sya kay mam mia.

habang busy sya sa pakikinig inabala ko ang sarili kong tingnan sya, grabe ang gwapo parin nya kahit nakaside view halatang matangos ang ilong.

Nagulantang ako ng may naramdaman akong may kumalabit sakin,kaya hinarap ko kung sino yung kumalabit sakin.

Nang makita ko si anne na nakatingin nakita ko kung pano sya ngumuso paharap Kay mam, kaya dahan dahan akong lumingon paharap.

Ramdam kong uminit ang pisngi ko dahil pagharap ko, lahat sila nakatingin na sakin kung d pako kinalabit ni Anne malamang kanina pako napahiya ng d ko alam dahil sa kakatitig sa katabi ko.

Kasi nmn bat ang gwapo nitong katabi ko,nawawala tuloy ako sa sarili !

Pilit na ngiti na lamang ang ginawa ko sa kanilang lahat at agad na yumuko dahil sa kahihiyan ko.

Maghapon akong nakinig kay mam mia para d naku pag initan pero minsan pasimple akong sumusulyap kay Xyren tuwing nakatalikod na si mam, kaya abot langit ang ngiti ko hanggang sa nagpaalam na si mam.

Agad na lumapit si Anne sakin paglabas ng room ni mam mia,

"Anong ngiti yan Mimi?" Tanong nya na nakangisi ng nakakaloko.

"A-ah...w-wala wala" sabi ko na may halong pag kautal kaya ang gaga umabot hanggang tenga ang ngisi .

CAMPUS CRUSH 1 [Completed]√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon