Prologue

30 4 0
                                    

Dahan-dahan akong naglalakad sa gitna ng aisle na punong-puno ng rosas habang mataman na pinagmamasdan ang lalaking ipinagkasundo sa akin ng aking mga magulang. Balot ng kaba ang aking dibdib at hindi ko mawari kung tama ba ang desisyon kong ito. Gusto kong tumakbo papalayo ng altar ngunit ang mga palakpakan at hiyawan ng mga tao sa aking paligid ang pumipigil sa akin na gumalaw.

Ako nga ba ang pinaka-masuwerteng babae sa buong mundo sapagkat ako'y ikakasal sa isang napakayamang lalaki sa aming lugar o tila ako'y isang ibong ikinulong sa hawla at tinanggalan ng kalayaang mag-desisyon sa sarili niyang buhay?

Nagsimula na nga ang matrimonial ceremony, dumating na ang pari at nagwika ng "Kung sino man ang tumututol sa kasalang ito ay maaari nang magsalita o pang-habambuhay na-"

"Itigil ang kasal, ako ang dapat na pakasalan ng lalaking iyan! Ako ang mahal niya at hindi ang babaeng nasa harap ninyong lahat" ani ng isang babaeng nagdadalang-tao. Pagalit na naglakad ang babae patungo sa aming kinaroroonan at habang papalapit siya ay patindi nang patindi ang tensyon na aking nararamdaman.

"Dapat na ba akong umalis? Tumakbo? Ano bang dapat kong gawin?" Bulong ko sa aking sarili ngunit bigla akong nawala sa aking pagmumuni-muni dahil mabilis na dumampi ang kamay ng babae sa aking mukha.

"Aray, ang bigat naman ng kamay mo" sigaw ko sa kaniya habang hawak-hawak ko ang aking pisngi. Ngunit tila wala siyang pakialam dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ng lalaking dapat ay aking pakakasalan at dali-daling tumakbo papalabas ng simbahan.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil sa kahihiyan na sinapit ko ngayon.

At dahil sa pangyayaring iyon, ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako maniniwala pa sa pag-ibig.

Law of AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon