Chapter 2- Goodluck

16 3 0
                                    

Habang nagka klase kami sa Science, biglang nagtanong ang aming napakabait at napakagandang guro na si Bb. Candy. "Sino sa inyo ang gustong mag audition para sa Robotics?"

Aaaayyy sheeteee tamaaa baaa yung nariiiniigg kooo? ROBOTICS DAW!!! Grade 4 pa lang ako ay pangarap ko na ang makasali sa competition ng Robotics. Hilig ko kase ang pagbuo ng mga lego. Naalala ko pa nga noon, bumili ako ng tatlong malalaking box ng Lego. Habang binubuo ko iyon ay kinakausap ko ang sarili ko "Guys kailangan 15 mins pa lang tapos na natin tong robot" kunwari ay nasa competition ako.

Di na ako nagdalawang-isip at agad kong sinulat ang aking pangalan sa isang blankong papel na pinagpapasa-pasahan na ng aking mga kaklase. This is it pancit!

"Aakyat ako ng stage habang pumapalakpak ang mga tao at sasabitan ako ng medal bilang parangal dahil nakapasok kami sa top 20 sa finals" pabulong kong sabi sa sarili ko.

Kinabukasan maaga akong pumasok sa school para sa gaganaping audition. Mahigit bente kaming magkakaklase na nangangatog ang mga tuhod sa sobrang kaba HAHAHAHAHA.

Makalipas ang ilang minuto, natapos na din ang audition. Ang may pinakamalaking nabuo na malapit ang itsura sa image na ibinigay sa amin ang siyang mapipili.

Pabalik na kami sa aming silid at mamayang Science class daw ay ia-announce na kung sino ang napili. Tatlo naman ang mapipili, kaya sana ay makasabit ako don.

May bigla na namang bumatok sa akin at nasisiguro kong si Trina iyon dahil sa tuwing magkikita na lang kami ay lagi niya akong binabatukan kaya alam ko na kung siya iyon o hindi.

Haharap na sana ako para mabatukan din siya ng mapagtanto ko kung sino ang bumatok sa akin "Ay bakla ka!" si Ranz pala. Agad kong ibinaba ang aking kamay at natulala ako sa napakagwapo niyang mukha.

Well this is the reason pala kung bakit feeling close siya sa akin. Nung gr3 kase ako ay napasali ako sa competition ng Math and isa siya sa mga makakasama ko. Kaya medyo close na kami at dun ko din siya unang naging crush HAHAHA alam niya na nga ata yon eh. Ang daldal kasi ng mga kaklase at mga teachers ko, yan tuloy buking ang lola mo.

"Ay sorry nagulat ba kita? HAHAHAHA" sabi niya. Ay hindi! Obvious po ba? Minsan medyo tanga din toh eh charot.

"A-ah ano nga pala ang gi-ginagawa mo di-dito? Di-diba uwian niyo na?" ano ba yan self wag kang mautal please! Nakakahiya!!!

"HAHAHAHA ang cute mo". Omg tama ba yung narinig ko? Cute daw ako! Ang lakas ng tibok ng puso ko sinlakas ng kulog tuwing may bagyo. "Balita ko kase nag-audition ka daw sa Robotics. Goodluck ah! Kasali na ako don at sana makapasok ka din para may kakilala naman ako sa gr5" aniya. "A-ah oo eh, salamat ah. Neke sene nge m-makapasok ako hihihihi"

"Oh siya, sige uuwi na ako. Sinabi ko lang talaga yon HAHAHAHA" hala so hinintaay pa talagaa niyaa akoo!!! Lupaaa lamuniiin moo na akoo now na!!

"U-uh si-sige ingat ka ah!" with matching wave pa ng kamay.

'Paaak' aray may bumatok na naman sa akin (minsan talaga iniisip ko na baka matanggal na lang bigla ang ulo ko dahil sa pagbatok nila). Dito sure na akong si Trina talaga toh, "tama na harot dai! Balik na tayo sa room HAHAHA" panira talaga ng moment kahit kailan.



(It's okay to have crushes or puppy love but always remember to focus on your priorities)

Law of AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon