Chapter 3- Announcement

17 4 0
                                    

Eto na nga pumasok na si Binibining Candy. Teka teka parang naiihi ata ako, di ko kaya toh!

"Ma'am may I go out?" paalam ko sa kaniya. "Oh bakit? Di mo man lang ba hihintayin ung announcement ko?" sagot niya.
"I'm sorry ma'am, but I really have to go to the restroom" sagot ko ulit. "Okay fine you may go, basta bilisan mo lang para maabutan mo yung announcement ko"

Haaaay salaaaamaaat poooo! Akaaalaaa koo talagaa di na akoo papayagaaan. Jusmeyooo marimaaar kinakabahaaan talagaa ako nang bonggaaa!!!

Habang naglalakad ako ay makakasalubong ko sana si Ranz, kaso lalo lang ata akong kakabahan kapag nagkausap pa kaming dalawa. Kaya tumakbo na lang ako pabalik sa room, umurong ihi ko my gooshhh!!

Nang papalapit na ako sa kulay brown na pinto ng aming silid ay binagalan ko ang aking paglakad dahil talaga namang kinakabahan ako. Eto na malapit na talaga HAHAHAHA.

Nang matapat na nga ako sa aming silid ay laking gulat ko ng makitang tatlo na silang nasa harap. OH EM GI so di ako nakapasok? Naluluha ako wait HAHAHAHA.

Sabay lakad papalapit sa akin si Avi- isa sa mga kaklase kong nasa harap. "Congrats ah" bati ko sa kaniya nang magkalapit na kami. "Huh? Anong Congrats? Tangeks iihi lang ako HAHAHAHA hinintay lang kitang makabalik kase sabi ni ma'am ay isa-isa lang daw ang pwedeng lumabas" aniya.

Aaayy bastooos! So kungg hindii siyaaa aat dalaawaa pa laang aang naasaa haraap!!! DOES IT MEAN NA AKO YON? NA AKO YUNG ISANG NAPILI? ay wait ayoko munang mag assume, baka masaktan lang ako HAHAHAHA.

Paupo na ako sa upuan ko nang biglang "Okay lets give Amora a round of applause for passing the audition" ani ni ma'am. OH EM GI so ako nga talaga? Well sabi ko na eh, na-attract ko na naman ito.

Lumipas ang ilang oras na puro lecture at sulat lang ang ginawa namin sa iba't ibang subjects.

Uwian na at excited na akong ibalita kina mama na natanggap ako sa audition. Labis ang tuwa nila mama at laking pasasalamat namin kay Lord sa pagkakataong ibinigay niya sa akin.

Dali dali akong nagbihis at kumain. Binilisan ko talaga dahil manonood na ako ng vlog ng aking paboritong vlogger. Sa kanila ko natutunan yung Law of Attraction.

Halos lahat ata ng kabataan ay kilala na sila dahil talaga namang magaling silang magpatawa. Makikita mo din sa kanila ang pag-iibigan ng magkakaibigan dahil sobrang solid nila.

Tuwing may free time lang naman ako nanonood non dahil marami din kaming ginagawa sa school plus ung mga extra cor na sinasalihan ko.

"Nak" bungad ni mama habang papalapit sa akin. "Bakit po?" tanong ko. "Congratulations!!! Sobrang saya namin para sayo. You never failed to make us proud! I love you anak" aww nakakatouch naman yung sinabi ni mama. "I love you too po" niyakap ko siya at biglang sumulpot si papa, chacha at nanay. Nakiyakap din sila HAHAHAHAHAH.

Sobrang swerte ko at sila ang naging pamilya ko. Kung sakali mang mabuhay ulit ako sa mga susunod na henerasyon, piliin at piliin ko pa rin sila bilang pamilya ko.



(Always make time for your family coz that would be the best time of your life.)

Law of AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon