Chapter 4- He stumbled

18 3 2
                                    

Lumipas ang mga linggo at dumating na ang araw na siyang pinakahihintay ko. Training na namiiin! Napakaaga kong nabihis at ang sinuot ko pa ay ang pinakamaayos ko na blouse para sa unang araw ng aming training.

Pagkarating ko sa school, agad kong nakita ang dalawang mahadera kong kaibigan.

"Oy Amora! Himala ang aga mo ata" bungad agad ni Carol. "Aba'y malamang, nais masulyapan ang crush niyang si Ranz HAHAHAHA" dagdag naman ni Trina.

"Oy hindi ah! Sadyang excited lang ako sa training namin. Matagal ko na kasi tong pangarap eh. Diba nga tuwing nagpupunta tayo sa Landmark, sa Lego agad ako naka pwesto. Nakikipag-unahan pa akong bumuo ng bahay sa mga katabi kong batang maliliit HAHAHAHA" paliwanag ko.

"Oo nga pala, kase etong kaibigan natin dalagita na pero isip bata pa den HAHAHAHA" pang-aasar ni Carol.

"Ay wow nahiya naman po ako sa pa-pigtail mong hairstyle araw-araw HAHAHAHA" ani ko at nagtawanan kaming dalawa ni Trina. "Oh siya mauna na ako at baka malate ako sa first training namin, nakakahiya kay ma'am" sabay lakad papalayo sa kanila.

Habang umaakyat ako ng hagdan ay nakasabay ko si Marianne na siyang kasama ko din sa training. "Oy Yan! Arat sabay na tayo pumunta don sa room, kinakabahan ako eh" bati ko sa kaniya.

Tanging ngiti lang ang isinukli niya sa akin at sumabay na lang sa paglalakad ko. Tahimik lang si Marianne lalo na kapag nasa room kami, iimik lang siya tuwing tatanungin mo siya, minsan nga tango o iling lang ang sagot niya. Isa din siyang consistent honor student kagaya ko pero di hamak na mas mailap siyang magsalita kaysa sa akin. Siguro dala yon ng malaki niyang eyeglasses joke HAHAHAHA. Lagi din siyang may bitbit na libro dahil tuwing free time namin ay nagbabasa lang siya.

Nang malapit na kami sa room ay biglang may nadapang lalaki sa harapan namin. Hindi ko maitago ang tawa ko. HAHAHAHA ang sama ko naman jusmeyo. Pag-angat niya ng mukha niya, laking gulat ko ng makitang si Andrei yon (yung isa ko pang crush HAHAHAHA). Gwapo din siya at matangkad. Mas lalo siyang gumagwapo kapag kumakanta dahil sa mala Ed Sheeran niyang boses.

Agad siyang tumayo at tumingin sa akin. Bigla ba naman akong kinindatan bago umalis. 'Ay baklang palaka kinikilig ako HAHAHAHAH'.

Nang lingunin ko si Marianne, iiling-iling lang siya. Lagi naman siyang walang pake sa paligid niya. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad at inisip na para bang walang insidenteng nangyare kanina.



(Learn to respect everyone!)

Law of AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon