Chapter 6- Unexpected

7 4 0
                                    

AMORA'S POV

Sa wakas natapos na din ang unang araw ng aming training. Dali-dali akong naglakad palabas upang pag-isipan kung paano ko kakausapin si Ranz. Napagpasyahan ko kasi na pormal ko nang aaminin sa kaniya ang aking tunay na nararamdaman.

Nang makalabas na siya ay hinila ko siya papunta sa gilid. "U-uhm Ranz, pwe-pwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang?" tanong ko sa kaniya.

"Sure! Ano bang pag-uusapan natin?" tanong niya naman. "Uhm Ranz ganito kasi yon..." sa wakas di na ako nautal HAHAHAHA. "Gu-gusto ka-kase ki-kita" kasabay niyon ang pagmula ng aking pisngi na maihahambing mo sa hinog na kamatis.

Tulala lang siya at hindi alam kung anong sasabihin kaya nagsalita ulit ako. "Di bale kalimutan mo na lang yung sinabi ko, salamat sa oras mo" sabay ngiti nang mapait.

Pagtalikod ko bigla niya akong hinila ulit paharap. 'Omg gusto niya din kaya ako?' tanong ko sa utak ko.

"Amora gusto kita" waaaiiit taaamaaa baa yuung nariiniig koo?? Gusstooo niyaa diin akooo?? Halaaaa magpapaleechoon akoo bukaass naa bukaaas diin sa amiing kasaaaal!!!

"Pero bilang nakababatang kapatid lang, pasensya na." biglang bagsak ng balikat ko. Sabi ko na di dapat ako naga assume eh. Lupa lamunin mo na ako!! Now naa!!!

"Ah kala ko HAHAHA sige na mauna na ako" tanging nasabi ko. Nakakahiya ka self, bat ka ba kase umamin? Ano ba naman yan! Nakakahiya ka talaga!!

RANZ'S POV

Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Amora sa gilid. May sasabihin kaya siya? Kung meron man ano kaya yon? Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko pero hayaan ko muna siyang magsalita.

"U-uhm Ranz, pwe-pwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang?" tanong niya bigla. "Sure! Ano bang pag-uusapan natin?" kinakabahan ako sa mga ganitong sitwasyon.

"Uhm Ranz ganito kasi yon..." panandalian siyang tumigil. "Gu-gusto ka-kase ki-kita" wait tama ba yung narinig ko? Umamin na siya sa akin ng harapan.

Di ko alam ang sasabihin ko. Natulala na lang ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Bago pa ako makapagsalita ay may sinabi ulit siya. "Di bale kalimutan mo na lang yung sinabi ko, salamat sa oras mo" hala nasaktan ko ata siya. Kita sa mga ngiti niya ang pait na nararamdaman.

Hinila ko siya pabalik upang masabi ko din ang aking nararamdaman. "Amora gusto kita" napatigil siya bigla. Hala mali ang nasabi ko, baka mag expect siya.

"Pero bilang nakababatang kapatid lang, pasensya na." hala tama ba yon? Kitang-kita ko sa mga mata niya na nasaktan ko siya. Babawiin ko ba? Kaso pag binawi ko mas lalo ko siyang masasaktan. Bat ba kase ako pa? Eh andami namang lalaki sa mundo. Haaaayyyyy naaaakoooo!

"Ah kala ko HAHAHA sige na mauna na ako" sagot niya. Hala so nag expect nga siya. Halos maluha na ang mga mata niya pagkatapos niyang sabihin yon.

"Amora are u okay?" habol ko ngunit di na niyan. Pinagmasdan ko na lang ang dahan-dahan niyang pag-alis. Ang mga yapak niya na parang malaking tao sa sobrang bigat ng paglakad sa sahig. 'Amora pasensya na kung nasaktan kita, sana ay mapatawad mo ako' ang tanging naibulong ko sa sarili.


(Respect the feelings of other people)

Law of AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon