Chapter 5- Training

7 3 0
                                    

Pagpasok namin ni Marianne sa Science Laboratory, nalaglag agad ang panga ko sa ganda nito. May mga statue ng tao na nagre represent sa iba't ibang system sa katawan; digestive, reproductive at kung ano ano pa. May mga globo din at mga robot sa gilid. Sa kisame naman matatagpuan ang mga nakasabit na stars at moon.

First time ko kasing makapasok dito, dati ay sinisilip ko lang toh sa bintana. Tumutungtong pa nga ako sa upuan.

Naalala ko pa noon habang nakatungtong ako ay biglang lumabas ang isang babaeng guro at pinagalitan pa ako. HAHAHAHA sobrang sabik kase akong makita ang loob nito at ngayon eto na nasa loob na nga ako ng Science Laboratory.

"Uy mga iha nandyan na pala kayo" ika ni ma'am. Haaay kahit kailan talaga walang kupas ang kaniyang ganda. "Lika na kayo dito para makapagsimula na tayo" at dali dali naman kaming lumapit doon.

"Wooow" sambit ko pagkakita ng mga parts ng robot. Ang daming boxes sa harap at bawat box ay may hati para sa parts: eighteen, fifteen, eleven, nine, six, three ang sizes ng lego, mayroon ding mga locks na tinatawag. Medyo nakakalito siya lalo pa't first time ko makakita ng ganito. Kakaiba kase siya sa mga karaniwalng lego na binubuo ko.

Nagsimula na nga ang training, medyo nahirapan ako sa umpisa ngunit habang tumatagal ay nasasanay na din ako. Halos isang oras mahigit din kaming bumuo ng robot.

Nakakatuwa kung iisipin na dati ay pinapangarap ko lang ito at ngayon eto na, nandito na ako sa training kung saan mapapasama ako sa competition ng Robotics.

RANZ' POV

Hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin kay Amora. Nakakatuwang pagmasdan ang kaniyang mga mata na manghang-mangha sa Science Lab. Kumikislap pa ang mga ito na parang mga bituin sa langit tuwing gabi.

Inaamin kong nagagandahan ako sa kaniya ngunit hanggang nakababatang kapatid lang talaga ang turing ko sa kaniya. Oo parang kapatid lang dahil mas matanda ako ng dalawang taon kaysa sa kaniya. 

Alam ko din na may gusto siya sa akin. Sino ba naman ang hindi makakahalata, eh sa tuwing magkikita kami ay palagi siyang nauutal. Napapansin ko din ang palagian niyang pagtitig sa akin na para bang matutunaw na ako.

Mabait siyang bata kaya sana sa mga susunod na taon ay makahanap na siya ng lalaking nararapat para sa kaniya. Hindi ko naman sinasabing magjojowa na siya. Ang gusto ko lang ay ibaling niya ang atensyon niya sa ibang tao na may nararamdaman din para sa kaniya.

Deserve niya ng taong magmamahal sa kaniya ng totoo at hindi ako yon.



(Learn to appreciate little things)



Law of AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon