Chapter 1- My Friends

24 4 1
                                    

Amora's Pov

Nag-aaral ako sa Mataas na Paaralan ng Greenfield. Luntian ang buong paligid, maraming matatayog na puno sa paligid at sa bandang gitna nakatayo ang mataas naming flagpole. Consistent honor student ako doon at SPG Officer pa ako.

Pero gaya din ng ibang estudyante ay meron din akong crush. Araw-araw kong palihim na sinusulyapan si Ranz, ang lalaking ninanais ko. Para siyang si Adonis-matangos ang ilong, medyo singkit ang mga mata, pinkish ang labi at medyo maputi ang balat.

But wait syempre may iba pa akong crush pero siya yung main crush ko. Kumbaga sa English siya yung main idea at yung iba supporting details lang HAHAHAHA. Kung sa math naman, siya 90% kong crush at ung iba 10% lang.

So ayon na nga habang tinitingnan ko siya, biglang may bumatok sa akin. Ay jusme! Ang mahadera ko palang kaibigan na si Trina. Maganda siya, matangkad, kayumanggi ang kutis, reddish ang labi at kulot ang buhok.

"Ano ba yan! Makabatok naman wagas parang wala ng bukas!" sigaw ko sa kaniya. "Eh kase naman kanina ka pa nakatingin diyan kay Ranz, maawa ka naman baka matunaw yan" ay grabe ganon na ba ako katagal nakatingin sa kaniya?

Kahit kelan talaga panira ng moment tong kaibigan ko, sama mo pa itong si Carol. Maganda din siya, mala porselana ang kaniyang kutis, wavy ang buhok at medyo chubby siya.

Ganyan sila magsalita sa akin palibhasa gusto sila ng mga crush nila eh. Naawa tuloy ako sa sarili ko, kasi ako lang yung hindi gusto ng crush sa aming magto tropa. Maganda naman ako, matangkad, kayumanggi din ang kulay ng balat at lovable. Taas ng confidence level ko HAHAHAHA.

So eto na nga, dumating na si Carol na nakabusangot na naman. "Oh ano? Di mo na nakakausap si Adi? HAHAHAHA yan kase! Ako pa maharot ah eh nahiya naman ako sa inyo" singhal ko sa kanila.

Sabay hampas nilang dalawa sa aking magkabilang braso, etong nga baklang toh lagi na lang akong binubugbog. Ipapapulis ko na tong nga to eh HAHAHAHA charot.

"Aaaraaaay! Ang sakit, eh totoo naman yung sinasabi ko eh. Yan harot pa HAHAHAHA" ani ko na naman.

"Oo na tara na nga HAHAHAHA" sabi ni Carol. Mga baklang to, kahit ga ganyan ganyan sila mahal ko pa rin yan HAHAHAHA.

(Be happy with the circle of friends that you have even though you only have few but they must be the loyal ones)

Law of AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon