NAPAKA RAMI kong iniisip dumagdag pa itong anak kong makulit.
Lumalaki na s' ya at nagiging pala tanong na rin. Ngayon palang ay hinahanap niya ang tatay niya.
Natatakot ako pag dumating na 'yong araw na iyon. Natatakot akong malaman n'yang hindi n'ya makukuha ang buong pamilya na hangad n'ya.
Hindi ko alam ang gagawin ko, Hindi ko na rin alam ang i alibi ko sa anak ko pag nagkataon.
Kung darating man ang panahong maiintindihan n'ya ay hindi ko rin alam kung saan makikita ang ama n'ya.
I need to call Vanilla, I'm so doomed. I have no more excuses to Vierre
Her phone keeps ringing, ringing and ringing. Why isn't she picking up?
Is she busy? It's not late naman.
But, all i got myself now. I need to be strong enough for Vierre.
I closed my eyes and I can see the past, I can still remember everything like it's just happened yesterday.
How i wish i can turn back the time. When we're just happy those time that we're just young and free.
Everything for me isn't okay, I'm still hurt. It's still hurt a lot.
"Ma'am, handa napo ang miryenda" Bahagya akong nagulat sa boses ng nagsalita. Nilingon ko iyon at nakitang si Grace lang pala.
"Sige, bumaba na ba si Vierre?" agad itong umiling.
"Tatawagin ko muna, ha. Pakihanda na lang yung miryenda sa porch" agad naman itong kumilos papuntang kusina.
Umakyat naman ako para tignan si Vierre. Alam kong nalulungkot ang anak ko dahil medyo napagtaasan ko s'ya ng boses kanina.
Pagkain lang naman ang katapat ni Vierre, mababaw lang ang kaligayahan n'ya. Kaya aayain ko na itong magmeryenda dahil tiyak kong gutom na siya.
Huminga ako ng malalim nang malapit na ako sa kwarto n'ya.
Dahan-dahan akong naglakad papuntang kwarto n'ya.Sumilip naman ako agad sa kwarto n'ya dahil bahagya itong naka bukas. Nakita ko naman ang anak ko kakalabas lang galing sa banyo at tahimik na kumilos papuntang closet n'ya.
Mas pinili kong tumayo kesa pumasok upang makita ang gagawin niya, kumunot ang nuo ko dahil may inilabas itong isang kahon galing sa closet nya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na nangyari... inihulog n'ya ang 100 pesos bill sa kahon na inilabas n'ya lang.
Nag-iipon ang anak ko!
She's freaking saving a money!I should be proud about it but why I am feeling this way?
Why she's not telling me about her savings?
Bibilhan n'ya ba ako ng regalo? pero napaka layo pa ng Birthday ko.
Mother's day? tapos narin, mas lalo akong nagtataka sa mga ikinikilos nya may kinalaman ba ito sa ama n'ya ?
sh*t, oo nagtatanong siya kanina.
Mas lalo akong kinakabahan. Sa kabilang banda ay hindi n'ya naman kilala ang kan'yang ama.
Alam kong sabik na sabik pa naman ito sa kaniya, kahit hindi n'ya sabihin ay alam ko na nangungulila ito sa ama.
Na kahit masama ay naiingit siya sa bagong kaibigan niya na sinusundong mga daddy nila galing school.
Ayaw kong magsinungaling dahil napatalino at mature nitong kausap, baka nga sooner or later malaman nya ang set up namin.
BINABASA MO ANG
HIDING THE HEIRESS
Romance(Hiding Series 1) Zeinafire Imperial, a smart woman who knows her worth. Happily in love with the the guy she wanna marry and build a family in the future. But one day their almost perfect love story ruined when another girl came at the picture. Wha...