13

186 81 32
                                    


"Fire? Ano't may naririnig akong ingay kanina?"

Napatuwid ako sa pagkaka-upo, "Wala lang 'yon, Na. Stress lang" pag ra-rason ko. Sana maniwala siya

"Wala kang dapat itago sa akin, Fire. Halos ako na ang nagpalaki sa'yo, alam ko kung pagod ka, kung galit ka, kung may ayaw ka ba..." Hinawakan niya ang baba ko at ini-angat iyon upang magkapantay ang mata namin

"At alam na alam ko kung kailan nagsisinungaling ka"

Napatitig na lang ako sa kan'ya, pinipigilan ang ang mga nagbabadyang luha. Gustohin ko mang ikwento at mag rants sakaniya ay pinigilan ko.

Matanda narin siya at hindi na ako batang iiyak dahil hindi pinayagan ng magulang na mag sleep over.

"Thank you, Nana" sabay yakap sa kan'ya

Tinapik-tapik n'ya ang aking likod na waring pinapakalma ako sa mga nangyayari.

"Kaya mo 'yan. Kinaya mo noon alam kong mas kakayanin mo ngayon" pagpapalakas n'ya sa loob ko

Nanatili kami sa ganoong posisyon, "Nasaan si Sankyo? Naririnig ko man ang boses n'ya kanina"

Kumawala na ako sa yakap at pinunasan ang mamasa-masang mata, "Nalasing na, pumasok na ng kwarto" halakhak ko

Dahil sa sinabi ko ay napakamot ng ulo si Nana, na ikina tawa ko.

"Sige na at titignan ko muna kung napano na, baka sinukahan na ang higaan dun"

"Sige po" pagsang-ayon ko

Tumayo na siya at inayos ang kanyang damit, "Ah nga pala, uuwi daw si loize"

"Loize? Loize Lexie, yung pinsan ko sa mother side? Hindi ba't nasa New York 'yon?" pagtaas ko ng kilay

"Ah oo nga, yung batang 'yon. Mag dito daw kukuha ng master's degree nga ba ang tawag 'don? naguguluhang sabi rin ng aking Nana Selya

Napatango ako. "Bakit hindi n'ya nasabi sa akin, kelan daw ang dating n'ya?"

"Sa makalawa, baka tatawag naman mamaya, si Zandra ang tumawag dito para ipaalam"

"May mali ba sa klima doon? Parang nabaliktad na ang utak ni loize, dapat nga ay doon siya kumuha ng masters n'ya" Napailing pa ako

"Aba't hindi ko alam, basta dito raw siya tutuloy. Kausapin mo na lang Mama mo, sasaglitan ko lang si Sankyo"

Ngumiti ako, kahit medyo madilim ay naaninag kong nagulat siya sa pagngiti ko

"Dapat lagi kang nakangiti, mas maganda kapag nakangiti ka"

Maging ako ay nagulat kung bakit ako na ngiti, dahil ba sa pag-uwi ni loize?

Excited na akong makita n'ya ng personal si Vierre. Madalang lang kasi kaming magkausap, dahil busy sa pag-aaral n'ya

"Sige po, tignan n'yo na si Ayo, baka kung napano na"

Wala talagang tatalo sa pagmamahal ng isang ina, gagawin n'ya talaga ang lahat—kahit isangla n'ya pa ang kaluluwa para sa anak n'ya

Kung may sakit ang bata ay kung pwedeng ilipat sa'yo ang sakit ay gagawin.

Naalala ko tuloy noong isinugod sa hospital si Pierre. Dahil sa layo ng agwat namin ay hindi na marunong sa bata ang magulang ko.

    "Where's Mama and papa? I asked nervously

"Hospital, you can't go. Maraming virus" sagot naman sa kabilang linya ni Jero

HIDING THE HEIRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon