Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Halos mabibingi na ako sa lakas ng tibok ng aking puso, nanatili parin akong naka upo sa may kalsada dahil sa panlalambot ng aking mga paa sa kaba."Ma'am tayo ka na po diyan" sambit ng guard.
Inalalayan niya akong maka tayo dahil nanginginig pa ako.
"Balik na lang po kayo sa building para kunin ang mahahalagang gamit na naiwan n'yo" payo niya.
"Oo nga pala, p-pero ang anak ko... hindi ko pa nakikita. Please help me, I need to find my daughter" pagsusumamo ko sa guwardya
Tumawag pa siya ng isang guwardiya upang umalalay sa akin. Hindi ako makapagsalita ni hindi ako makapag pasalamat dito.
"Help me to find my baby, please. I'm begging you... You see i'm willing to pay just to find her" sabi ko sa kanila habang inaalalayan nila ako sa paglalakad
Dalawang lalaking may katangkaran ang umalalay sa akin papasok muli sa gusali.
Hindi pa rin maalis sa akin ang kaba at takot ng makita ko kanina.Mas gumapang ang pag-aalala sa aking sistema dahil sa eksenang nakita. Para bang naulit ang nakaraan, tila si Pierre ang nakikita kong naka handusay sa kalsada kanina.
Natatatakot ako para sa anak ko mas ibayong siguridad ay gagawin makita ko lang s'ya.
Nakapasok kaming muli sa fast food restaurant at hinanap kung saan ako naghandusay kanina. Nakita ko ang bag ko sa tulong ng crew din nila dahil itinago pala nila ito.
"T-thank you, please pakihanap ang anak ko. Pupunta na ako ng police station"
"Okay po ma'am"
Tahimik ko itong kinuha at bumalik sa lamesa namin kanina at kinapa ang phone ko. Nanghihina man ay pilit kong pinagsa sama ang sarili ko para tumawag ako sa parents ko.
Tatawag na lang siguro muna ako sa magulang ko bago sa ninong ko ma may connection sa pulis.
Titipahin ko na sana ang numero ni mama ng...
"Mommy! " ang matining na boses na iyon ang bumuhay muli sa akin.
Tumatakbo ito papalapit at papalapit sa akin. Tumayo na rin ako para salubungin s'ya at bigyan ng mahigpit na yakap.
Sa higpit nito ay hindi kuna hahayaang mawala pa sa aking paningin. Sisiguraduhin kong hindi na s'ya mawawala man sa paningin ko.
Pinupog ko s'ya ng halik at yakap na kay higpit.
"Thank God you're safe" bulong ko sa tenga niya.
Mas lalo kupang hinigpitan ang yakap dahilan ng pagrereklamo niya..
"Ah...mom..—can't..too tight " putol-putol na sabi niya.
Agad ko naman siyang pinakawalan. At simulang usisain ang anak sa biglaang pagkawala nito.
"Where have you been?" masuyo kong tanong para hindi matakot si Vierre sa akin
"Didn't I told you to say at our table, hmm?" sabi ko habang inaayos ang ilang hibla ng buhok niya na humaharang sa kan'yang mukha.
"I was worried, I thought something bad happened to you" seryosong sabi ko sa kan'ya.
"Mom, you mad?" nahihiyang tanong niya.
"No, but i was worried about you" sagot ko sa kan'ya.
Nag-angat siya ng tingin at nagkasalubong ang aming mga paningin.
"Sorry mom, I just went to the mini playground" Nanlaki ang mata ko sa sagot niya.
may mini playground dito?
BINABASA MO ANG
HIDING THE HEIRESS
Romance(Hiding Series 1) Zeinafire Imperial, a smart woman who knows her worth. Happily in love with the the guy she wanna marry and build a family in the future. But one day their almost perfect love story ruined when another girl came at the picture. Wha...