09

198 98 22
                                    


Ano ng gagawin ko? Paano kung ma kidnap ang anak ko ?

Baka saktan s'ya ng lalaking tumawag sa akin.

"Bwiset, bakit ba kasi ako nangako na susunduin ko?" Hinampas ko ang manibela na naging dahilan ng pagbusina nito

Halos lumipad ang aking kotse at nagiging single motor ang asta nito sa pag over take ko sa mga nauuna sa akin

Mag mga umaagal at galit na sinesenyasan ako, pero ano namang pake ko sa kanila. Mas mahalaga ang kaligtasan ng anak ko

Bahala na kung ma-ticketan pwede namang bayaran, pero sana h'wag naman akong mahuli ng authorities

Nag-ingay muli ang aking telepono, nakikita ko ang pag patay sindi ng screen at paglitaw ng isang unknown number

Akmang kukuhanin ko ito ng may naramdaman ako sa aking pagmamaneho...

Nawala ang paningin ko sa daan!

May napatay ba ako?

"Shit!" wala sa sariling sigaw ko ng may parang naramdaman akong pumailalim sa kotse

Kaagad kong inihinto ang mina-maheyong sasakyan at mabilis na bumaba para tignan kung ano at kung may nasagasaan ba ako

"Kamalasan"

Sinuri ko ang buong lugar at tumambad sa akin ang mga nagkalasog-lasog na itlog

Sa bandang tabi ng kalye ay isang matandang lalaki ang naka upo at tila siya ang nasagi ko

"Manong a-ayos lang po kayo? Naku pasensya na po kayo, kailangan n'yo pong pumunta ng hospital? Are you alright? May masakit po ba?" kabadong tanong ko

Nag-angat naman ng tingin sa akin ang matanda, " Yung mga paninda ko, hindi ko pa nakakalahati 'yon ngayon sira ng lahat" lumuluhang saad ng matanda

Tila napukaw ang damdamin ko. Napaka tanda na nito para mag hanap buhay pa, pero heto ako sinagasaan ang mga paninda n'ya

"Pasensya na po, magkano po ba lahat ng mga nasira? Babayaran ko na lang po"

"Ha? Talaga ba? 2,500 lahat ng natira na dapat ko pang ibenta. Kasawiang palad nabasag ang mga balot sa puti na ititinda ko pa sana mamaya"

"Bakit kayo po ang nagtitinda, wala po ba kayong pamilya o anak man lang? Napaka tanda n'yo na po para sa ganitong trabaho. Tignan n'yo po at muntik ko na kayong masagasaan" paliwanag ko

Hinawakan n'ya ang kamay ko, nang maglapat ang mga kamay namin ay naramdaman ko agad ang matigas at magaspang n'yang kamay.

Alam ko na ang mga kamay na iyon ang patunay kung gaano ito ka sipag magtrabaho

"Bata ka palang, mukhang mayaman. Hindi tayo parehas ng mundong ginagalawan iha, kung kayo sa edad namin ay retiro na sa trabaho at nag re-relax na lang ay kami hindi. Kailangan naming kumayod umaga't gabi para may maipakain sa mga anak at apo namin. Napakaraming nagugutom sa mundo, ngunit heto kayo napaka eleganteng tignan ngunit heto lang kami. Normal na tao minsan hindi pa makakain ng tama kumpara sainyo" salaysay ng mamang magbabalot

Tila kumirot ang puso ko sa sinabi n'ya, oo nga at hindi patas ang mundo para sa kanila. Hindi man lang maranasang makapag pahinga.

"Pasensya na kung ganyan po ang tingin n'yo po sa amin" Inalalayan ko siya na tumayo at pulutin ang bayong na pumailalim sa kotse

Lahat ng mata ay nasa amin, ang paghinto ng kotse ko sa gitna ng daan ay naging sanhi ng mahabang traffic. Ang remedyo nila ay lampasan na muna ang kotse ko

HIDING THE HEIRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon