PROLOGUE

9 0 0
                                    

"Good Evening Maam, Sir . Life insurance po." Inabot ko ang isang Leaflet kung saan ay nag lalaman ng mahahalagang ditalye ng insurance na inaalok ko.

Laking inis ko nang nakikita ko silang itinatapon lamang ang mga binibigay kong leaflet ,kung hindi itapon ay nilalamukos at sinasalpak sa bulsa.

"Pwede namang hindi kunin kesa itapon." bulong ko sa inis.

Mag aalas otsyo na nang gabi ngunit heto nandito parin kami ng ate ko sa Fort Santiago sa loob ng walled city intramuros.Hindi nanamin iniinda ang gutom na lumalamon sa buong katawan namin bagkus ay gusto namin mag ka kliyente at umuwing panatag ang loob na may kita kami sa araw na ito.

"Sabi ko naman sayo wag mo na ako tulungan, Sana namamasyal kanalang"wika ni Ate Maxine. Trabaho ni ate maxine ito, tumutulong lang ako. May isang anak na siya ngunit hiwalay sa asawa. Lamang siya ng apat na taon sa edad ko, 27 na siya samantalang nag karoon ng anak sa edad na 26.

"Okay lang naman ako Ate. Mas mapapadali ang trabaho mo kung tutulungan kita." tugon ko na may kasamang ngiti. Naalala ko ng siya naman ang tumutulong sa akin para makapag tapos ako ng kolehiyo at Nais ko iyon ibalik sa kanya. Nag aaply rin naman ako ng trabaho sa mga kumpanya ngunit laging "tatawagan nalang kita" ang mga sagot nila saakin. Hanggat nag iintay ako ninanais ko munang tulungan siya.

"Ate, lalayo layo muna ako. Mas maganda kung hindi tayo mag kasama sa isang pwesto." wika ko sa kanya. Kumuha ako ng maraming leaflet sa table niya. Naka pwesto kami sa gate ng wall city intramuros.Lalayo layo muna ako para rin makapamasyal, ngayon lang kase ako naka punta dito at nung nalaman kong dito pwepwesto si ate nag pumulit na akong sumama .

"Osige basta bumalik ka dito bago mag 9:00, Uuwi na tayo" saad niya.

"Alis na ako" huling saad ko sa kaniya.

Bumungad saakin ang Malawak na Plaza Moriones. Ito ay may Maluwag na lalakaran na may lawn grass sa gilid kung saan may mga naka upong mga mag ka karelasyon. Sa gilid naman ay may mga shop souvenir o kainan. Kahit madaming bench sa paligid nito ay sa damuhan nalamang sila umuupo. Sino banaman ang hindi nanaisin na umupo ritot damhin ang haplos ng malamig na hangin at makipag kwentuhan.Dumagdag pa sa ganda ng lugar ang mga ilaw sa paligid. Hindi alintana ang oras para mag liwaliw sa lugar na ito. Maraming tao ang nag lalakad lakad kahit nga mismo ibang lahi dinarayo ang forth Santiago. Magandang oras ito para mag alok ng insurance.

Lumapit ako sa matandang babaeng Pinipicturan ang fountain na nag iiba iba ng kulay.

"Ma'am, Life Insurance po." ngumiti ako sabay abot ng leaflet sa matandang babae na kung gumalaw ay parang teen ager. Suot niya ang makukulay niyang damit at madaming abubot sa katawan.

"Nako hija. Lahat ng insurance mayroon na ako. Mamatay nalang kulang." Kinagulat ko ang winika niya, Mukang malakas lakas panaman siya para mag salita ng ganoon.Siguro nasa edad 50 siya. Lumapit sa kaniya ang lalaking may edad sigurong 26 pataas.

"Ay kuya life insurance po." Iniabot ko ito sa kaniya ngunit hindi siya nag abalang kunin. Inakbayan niya ang matandang babae at hinimas himas ang balikat nito.

"Hindi kona kaylangan niyan.Diba babe." ikinaluwa ng mata ko ang sinabi ng lalaking iyon. Mag syota pala sila hindi mag nanay.

"Oo naman. Lahat ng makukuha sa insurance ko sayo yun." nahulog na ang mga tenga ko sa winika ng matandang babae. Wagas naman mag mahal ni lola, Planado na yung future nung jowa nya kapag namatay sya.

Nag lakad lakad na ako palayo sa kanila,ngiti nalamang ang ibinigay ko sa kanilang dalawa.
Nag libot libot pa ako hanggang sa mapunta ako sa Moat. Its not just a water canal ito aya malalim na broadditch . Ginamit siguro ito para pang protektanarin sa Main gate ng fort Sanatiago. Pumasok ako doon kung saan nakita ko ang malawak na lawn grass. Mas lalong madami ang tao ritong naka upo kaysa sa kanina.

Make it through the LiesWhere stories live. Discover now