CHAPTER 4

0 0 0
                                    

Lilianaaaaa............ bumaba kana rito tanghali na.

Ma, hindi ako sasama kay ate. Tinakpan ko ng unan ang mag kabilaang tenga ko dahil sa ingay ni mama.

Naramdaman kong naupo si mama sa gilid ng kama ko at ininililigpit ang mga document na prinint ko kagabi.
Kanina pa umalis ate mo, gumising kana at mag almusal sa baba bago pa lumamig yun. Ganitong linyahan ni mama ang bumubuo sa maganda kong umaga. Umupo akot ngumiti sa kanya, pinag sama sama ko ang mga document ko na kakaylanganin ko mamaya.

Ngapala kanina pa nasa baba si jonathan, mag aapply raw kayo.? Nataranta ako sa sinabi ni mama kaya naman nag madali akong bumaba, hindi kona inaksya ang oras ko na tumingin sa salamin dahil 7 am ang usapan namin at ngayon ay mag aalas otso na.

Jonathan. Pag tawag ko na agad naman syang lumingon.

Good Morning. Ikli nyang sabi at agad nya namang inalis ang pag kakatingin nya sa akin.

Ah, eh. Kumain kana ba may pandesal dyaan. Yung requirements mo na print mona lahat may printer kami sa taas. Teka lang ah kunin ko. Paakyat na ako ng marinig ko ang boses nya.

Ok na lahat, ikaw nalang kulang. Mahina nyang sabi. Napatitig nalamang ako sa baba at unti unting bumaling sa kanya.

Ang tagal mo, 7 am call time natin pero tulog kapa. Pano tayo makakahanap ng trabaho nyan. Nag katinginan kami saktong pag tunog ng orasan para sa oras ng alas otso. Maligo kana, wag kana mag libag.. tssk. Palit agad nya ng mood. Daig pa nito babae na bawat sigundo nag iiba iba ng mood. Pasalamat ka gwapo ka kung hindi nakooooo jonathan, Makikita mo kalalagyan mo.

He is Jonathan Gutierrez, my one and only childhood crush. Ewan koba dito napaka manhid hindi mahalata na may pagtingin ako sa kanya. Siguro dahil mag kakaybigan kaming tatlo ni Killa simula Elementary kaya kaybigan lang tingin nya sakin. E bakit kay killa sweet sya, sakin kung mag bitaw sya ng salita akala mo kaaway nya ko. Pero ok lang yun kesa naman sa iba na hangang tingin lang sa crush nila.

Ang ikli ikli naman ng suot mo. Sermon nya agad pag ka alis namin sa bahay.

Ang ganda kaya, Fit na Fit sa akin. Umikot ako ng swabe para mainis pa siya. Actually ganito talaga ang sinusuot ko sa mga interiew dahil ganito napapanood ko sa Kdrama. Skirt na fitted and korean offshies.

Formal Attire kaya to no. Irap ko sa kanya. At nauna nang mag lakad.

Formal Attire daw e parang Bar pupuntahan tsskk. Rinig ko na saad nya kaya napahinto ako at lumingon. Sinugod ko sya habang dinuduro.

Hoy jonathan. E ikaw ano yang suot mo ha. Para kang mamakla. Tumawa ako para lalo siyang mainis.

Atleast bakla ang maninilip, kesa sa iba dyaan hindi kase sinisilipan kaya sya ang naninilip . Nauna na syang mag lakad sa akin kaya naman tumakbo ako sa kanya.

HOyyyyy napaka kapal monaman. Hindi ako nanilip diko lang alam talaga na may tao sa cr that time kaya nabuksan ko at wala akong intensyon na silipan ka. Payat payat mokaya. Tinaaasan ko ang boses ko dahil nainis narin ako sa kanya.

Wala naman akong sinabing pangalan ah bakit nag eexplain ka. Tsskk. Nanlaki ang mata ko sa inis sa kanya.

Alam ko namang ako sinasabihan mo no. Tas wag kang Tskk ng tssskk jaan. Dimo kinagwapo yan. Saad ko.

Make it through the LiesWhere stories live. Discover now