CHAPTER 1

7 0 0
                                    

"Ate,Yun nga katangahan ko doon hindi ko manlang nakuha yung pangalan niya." wika ko kay Ate Maxine habang inaayos niya ang pag kakainan namin sa lamesa. Ikinuwento ko sa kanya lahat ng nangyare sa fort Santiago. Kung paano ako muntik ng magahasa hanggang sa makakilala ko ng lalaking pinag tanggol ako.

"Aba! at pag kerengkeng pa ang uunahin mo. Baka nakakalimutan mo Lilliana muntik ka ng magahasa." Saad niya saakin.

"Muntik lang naman ate." nangalumbaba ako  at tinititigan ang ginagawa niya.

"Hindi nalang siguro ako lalayo sayo pag mamimigay ng leaflet. " dugtong ko.

"Asa kapa lilliana" dumating si mama na hawak ang anak ni ate maxine na si Theo.

"Wag na wag ka nang sasama sa ate mo, Hindi kana nadala. Pasalamat ka nga may magandang loob na tumulong sayo.E kung wala? pinag lalamayan kananamin ngayon o kaya naman ilang linggo lang mag ngangangawa kang buntis ka." wika ni mama. Hindi talaga mabubuo ang araw ko kapag hindi ko naririnig si mama na nag rarap. Yung tipong dalawang sentence lang ang isasagot pero nakagawa na sya ng 1000 sentence without period,Kaya tuloy tuloy at parang isang sentence lang.

"Ma!" Humarap ako sa kanya at ipinakita ang suot suot ko pang denim jacket. "Pano itong jacket?.Mukang mamahalin 'to." tanong ko.

"Tyaka mo nalang ibigay." tugon ni ate.

"Gusto kong sumama bukas !" Sumimangot ako sa kanila. "Wala panaman tumatawag sakin,Gusto ko munang tumulong kay ate." dugtong ko.

"O sya, Sige. Tumulong ka. Pero wag na muna bukas." ngumiti ako ng bahagya sa sinabi ni mama "Mag papacheck up kami bukas ng papa mo. Walang mag babantay kay theo, Ikaw namuna bahala." saad niya.

"Tama na yang usapan  na'yan kumain na tayo." Dumating si papa na mabagal ang pag lakad. Matanda na kase si papa at marami pang sakit na nararamdaman. Isa rin ang sakit niya sa dahilan kung bakit kaylangan talaga naming kumayod ni ate, Para mapagaling si papa.

Kina umagahan, Nagising ako sa iyak ni theo.
Mukang wala na si mama at papa maging si Ate Maxine. Iniwanan naman nila ako ng note na naka dikit sa ref. May naka handa naring almusal para saakin.

"owww, bakit umiiyak ang baby theo ko? Tara nga dito." Isinubo ko sa kanya ang timplang gatas at kinarga siya.

Kumain narin ako at sinubuan ng kaonti si theo. Tahimik naman siya kapag may nakasalpak sa bibig niya.

"Siiiiiiiiis!." naibaba ko ang paa kong nakapatong sa upuan habang kumakain, Narinig ko ang boses ni Killa ang kaybigan ko.

"Andito ko sa kusina!" sigaw ko nalamang sa kanya kahit na mumungalan pa ako. Tiyak na may narinig nanaman itong balita o chismis.
Kaybigan ko na siya sumula pag kabata kaya naman kilalang kilala kona siya. Kapit bahay lang rin kami.

"Ano nanaman yan te?" tanong ko. Umupo siya sa tapat ng lamesa at nilaro muna si theo bago ako pansinin.

"man lalait ba tayo o may chismis ka?" tanong ko ulit sa kanya.

"Nukaba" inirapan nya ako at ngumiti. " Eto na nga ateh. Naalala mo yung kumpanyang pinapasukan ko? Diba nag interview ka doon, Ano may tumawag na ba sayo?" tanong niya sa akin ngunit ngumuso lang ako.

"Ni isa nga sa inaplayan ko, Walang tumatawag  eh." tugon ko.

"Mag intay kalang sis, may tatawag din sayo. Ngapala. Bakit ikaw nag babantay kay theo?.Nasan sila tita?" tanong niya ulit.

"Nag pa check up lang saglit,maya maya nandito na sila." isinubo ko ang huling kanin na nasa pinggan ko. "Nga pala muntik na akong magahasa kahapon" dugtong kong nanlaki ang mga mata niya.

Make it through the LiesWhere stories live. Discover now