CHAPTER 3

4 0 0
                                    

Natatanaw ko na ang puwesto namin ni ate sa gate. Kumunot ang noo ko nang makitang nandoon ang body gourd na kinuha ni lennox at ngayon ay tatlo na sila.

"Ohh, bakit tatlo na sila?" itinuro ko ang mga kinuha niyang body gourd di kalayuan sa kinatatayuan ni ate.

"Kinuha ko narin ang ate mo." tugon niya. Paano naman niya kaya nalaman na ate ko yun."Hindi naman pwedeng, ikaw lang ang ingatan ko. Syempre dapat pamilya modin." namula ako sa sinabi niya. Hindi panga niya ako kilala pero ganoon na siya saakin. Siguro na sobrahan ang bira nito sa muka kaya nag kaganito.

"Pano mo naman nalaman na ate ko yan?" tanong ko at nginusuan ang puwesto ni ate.

"Nung araw na niligtas kita, hindi ko talaga alam na may nang yayari doon. Nakakita lang ako ng mga leaflet na naka kalat sa sahig ng raja sulayman theater. Sa isip ko bakit nag kalat sila ng leaflet dito and nung nag pupulot nako ng kalat nayun. Narinig naman kitang sumisigaw pero natatakpan yung bibig mo kaya hindi ko ma klaro. Lumapit ako, Doon kita nakitang hinahalikan. Nakahubad ka nanga non eh nakita ko yung malaki—hinarang ko ang palasingsingan kong daliri sa bibig niya para hindi nya na ituloy ang malaswa niyang kwento tungkol sa akin.

"Pwede ka namang mag kwentong hindi mo banggitin yun." saad ko.

" Yun nanga. Pinaglaban kita, kahit hindi ka sakin." tumawa siya, tiningnan konaman siya ng masama."Nakita ko yung leaflet na pinamimigay mo sa ibinigay sa akin ng ate mo nung pumasok ako ng forth santiago. Siguro kako kapatid mo yun kase mag ka hawig din kayo" saad niya. Naliwanagan naman ako sa kwento niya kaya tumango tango ako hanggang makarating kami kay ate.

<lumingon sa akin si ate. Mukang tatalakan niya ako ngayon ngunit nung natuan ang mata niya kay lennox ay ibinaba nya muna ang kilay niya.

"San kaba galing?" tanong niya saaking may pag kataas parin ng boses.

"Sa loob nag pamigay." tugon ko.

"Kanina pakita hinihintay, Nakakain nakot lahat wala kapa." tiningnan ko ang g-shock kong relo, Magulat gulat pa ako ng mag aala una na pala. masyado akong nalibang sa usapan namin ni lennox kanina sa loob kaya dikona napanansin ang oras.

"Ate. Si lennox." Saad ko. Lumapit naman si lennox para makipag kamay kay ate, ngumiti naman si ate sa kaniya."Sya yung nag tanggol sa akin nung isang araw" dagdag ko.

"Nako, Salamat lennox ah. Yang kapatid ko kase may pag ka dora yan eh, kaya nadidisgrasya" saad ni ate at bumaling sa nga papasok para makapag alok ulit ng insurance. Nakita konaman si lennox na tumatawa ng patago sa sinabi ni ate. Hinampas ko siya ng maraham at tiningnan ng masama. Tumigil naman siya sa pag tawa.

"Ate nasan ngapala yung Jacket?" tanong ko ngunit hindi nag salita si ate. Hinagilap ko nalang sa mga dala namin. Ilang minuto ay nakita ko ito naka paper bag.

"Lennox oh." abot ko ngunit hindi nya kinuha.

"Sayo na nga iyan." iniiwas niya ang kamay niya sa pag abot ko ng paper bag. Inulit ulit kopang iabot sa kanya iyon ngunit mapilit siya.

"Kunin mo nalang  mamaya, kapag nag bago na isip mo." saad ko. Ipinatong ko yung paper bag sa lamesa kung nasaan yung mga leaflet.
Iniiwas naman niya ang tingin saakin  habang naka tayo siya sa tabi ko. Para siyang tatay na bagot na bagot nang mag intay ng anak sa labas ng female comfortroom.

"Kumain kana lilliana" napatingin ako nung sinabi iyon ni ate. Abala parin siyang nag bibigay ng leaflet.

"Sabay na tayo." napatingin naman akong muli kay lennox ng marinig ko ang boses niya.
Wala ba syang trabaho? wagas naman ang lalaking 'to. kanina nya pa ako kasama di manlang siya nag sasawa. Sa bagay masarap naman kase ako — kasama.

Make it through the LiesWhere stories live. Discover now