CHAPTER 2

7 0 0
                                    

Mag aalas Dyis na kaming pumunta sa Intramuros. Doon ulit ang puwesto namin sa gate. Hindi na ako lalayo kay Ate dahil nadala na ako sa nangyari. Kaonti palang ang mga tao rito ,dahil maaga pa siguro. Kung ako naman kasi ang pupunta dito mas mabuting gabi para masarap mag lakad at exciting. Tamang pasyal lang kasama yung taong nag papasaya sakin araw araw, kaso wala ako non.

"Ate, Pahingi ako ang leaflet" iniabot nya saakin ang kakalabas lang na leaflet.

"Wag ka nang lalayo, dito kanalang." bungad niya agad pag ka abot saakin. Hindi naman na talaga ako lalayo, natakot na ako sa nangyari sa akin.

"Noted po" ikli kong tugon.

Puwesto na ako sa tapat ng gate, mag kabilaan kami ni ate para masigurong lahat mabigyan.
Kitang kita sa pwesto ko ang malaking building ng Eins Estrella winery o yung kumpanyang nireject ako. Sa taas nito kahit siguro nasa loob ako makikita parin. E ano naman kung mataas kung yung mga tao naman doon dapat nasa ibaba ng lupa. Sasama ng ugali. Dinaig ugali ni satanas.

"Good Morning Ma'am, Sir. Life insurance po" saad ko sa mga pumapasok.

"Good day Ma'am. Life insurance po" ngumiti ako ng wagas at iniabot ang leaflet.

Wala paring bago tinatapon lang nila ang ibinibigay ko o kaya naman nilalamukos tas sinasalpak sa bulsa. Gusto kong mag reklamo dahil mahal din naman ang mag print ng ganon pero hindi naman kami ang gumagastos doon. Kumpanya nila ate ang gumagastos doon kaya wala lang.

"Ay ma'am,!" gulat ko sa babaeng papalapit sa akin "Life Insurance po." ngumiti ako ng pilit. at iniabot ang leaflet na hawak ko.

"Nakaka gulat kanaman iha. Mapapatay mona agad yung tao, wala pang insurance na dumadating." tumawa ako ng bahagya ng makita kong napahawak siya sa dibdib niya pero tumawa talaga ako dahil sa sinabi niya.

"Nako Ma'am, maupo po muna kayo" inalalayan kong umupo ito at nag kunyareng alalang alala sa kanya."Isipin nyo po ma'am na yung pag kakagulat ko sa inyo ay isang ten wheeler truck ang bumangga sa inyo." umarte akong parang natatakot." nako ma'am, mawawala po agad kayong hindi napapag planuhan, na bigyan ang mahal nyo sa buhay ng magandang kinabukasan." Bumuntong hininga ako na tamang tama para marinig nya." Maganda pong hanggat nariyan kayo, may plano na kayo para sa kanila. Kayat heto po life insurace ,Sinisiguradong secure ang kinabukasan ng mahal ninyo kapag mawala man kayo." inabot kopa sa kaniya ang isang leaflet. Mukang gumana naman ang pang uuto ko kaya tinanggap nya iyon.

"Tama ka nga iha. Kung sa gulat mo nga kanina muntik na akong mamatay, pano pakaya kung ten wheeler truck nayun." wika niya. "Sige, kukuha ako. salamat sa sinabi mo." dugtong niyang kinangiti ko.

"Mission Complete" bulong ko.

tinawag ko si ate para siya ang mag asikaso sa kliyente namin. Nginitian ako ni ate bilang tugon. Nangangamoy letchon manok ang uulamin namin mamayang gabi.

"Ate sa loob muna ako, doon ako mag aalok" wika ko sa kaniya ngunit hindi naniya siguro narinig dahil alaba sa kliyente niya.

Pumasok ako sa loob. Nag lakad lakad ako dito sa plaza moriones. Madami dami rin pala ang tao dito sa loob. Kadalasan sa nakikita ko ay mga bata. Fieldtrip siguro.

"Ma'am? , Life insurance po." saad ko't iniabot ang leaflet.

Nag bigay ako ng nag bigay sa mga nakikita kong edad trenta pataas. Kadalasan sa nakikita ko ay mga babae kesa sa mga lalaki. Mahilig kasing mag liwaliw ang mga babae kaysa sa kalalakihan.

Sa pag lilibot ko simula sa gate hanggang dito sa plaza moriones. Nakakaramdam ako ng may sumusunod sa akin. Nung una hindi ko iyon pinapansin. Baka lang kako parehas kami ng pupuntahan ngunit kapag huminto ako humihinto rin sila at sinusundan ako. Nangangatog na ako sa kaba ng maisipan kong baka.

Make it through the LiesWhere stories live. Discover now