Chapter 29 Tie

8 2 0
                                    

Happy read my Hoshi's:)

Bigla akong naalimpungatan dahil sa napakaingay kung alarm.

Nakapikit kong kinapa ang phone ko at deritsong inoff ito.

Sobrang nakakapagod gumising lalo na't kulang ang tulog ko.

Kinuha ko ang eyeglass ko sa sidetable at sinuot ito.

Matamlay akong umupo at napatingin sa orasan.

Its 5 pa naman mamaya na ako gigising.

Yung jogging mo po! Bulong ng isip ko dahilan para matauhan ako at biglang mawala ang antok na naramdaman ko. Agad na nabuhay ang aking diwa pati ang mga dugo ko.

Patakbo akong nagpunta sa aking walk in closet para mag bihis.

Wala naman akong ibang damit kaya tanging sinuot ko lang ay isang oversized T-shirt,leggings, at ang aking sapatos.

Kumuha din ako ng towel at bottled water sa fridge.

Kasalukuyan akong nasa sala papalabas ng mansyon ng mag ring ang phone ko.

Nanindig ang balahibo ko ng mapagtantong kay mommy ito.

Agad ko itong sinagot at bumungad saakin ang mukha ni mommy habang may nilalagay na kung ano sa mukha at may tuwalya sa ulo.

Ikis ang kilay siyang nakatingin saakin.

Nako Harleigh anong oras na nandiyan ka pa sa loob ng bahay. In this time dapat pinagpawisan ka na kakatakbo sa loob ng ville. Ayan ka na naman. Use your brain sometimes! Sermon nimo mama sabayan pa ng favorite line sa huli.

Papalabas na po. Walang ganang sagot ko sabay sirado ng gate.

Sasunod talaga huh! Dalawang bagay ngayun ang dapat pagtuonan mo! Ang exercise at ang pag-aaral mo! Last year your grades are very low and I cant accept it. Ewan ko lang kung saan ka magaling! Mukhang sa lahat ng bagay wala kang alam! Patuloy pa nito.

Kasi naman mommy ehh--- akmang magsasalita na ako ng magsermon ulit ito.

I dont care about your reasons! Kahit kailan wala aking nakikitang magandang rason! Sigaw nito at halos parang mabingi naako.

How could I start if you will not stop. Inis na singhal ko sa kaniya.

Ohh! I forgot--bye love you! Agad nitong pinutol ang linya matapos niyang mag paalam with love you. Na kahit kailan di ko man naramdaman ang sinsiridad niya. How many times she said me with that precious words. But when it comes to her, its not appreciatable.

Agad akong napabuntong hininga bago sinimulang tumakbo.

Halos ilang metro pa at ramdam ko na ang hingal at sikip ng dibdib ko.

Pilit ko itong nilabanan at nilagok na lang ang isang botelyang tubig.

Patuloy ang pagtakbo ko sabay din ng tagaktak ng pawis ko.

Patagal ng patagal ay dahan dahang napawi ang sikip nito. Lumuwag ang paghinga ko dahilan para mapangiti ako sa kawalan.

I'm just lack of exercise lang naman pala.  I thought its going to be hard in exercising but I found it interesting!

Umupo ako sa gilid ng kalsada nang maramdaman ko ang manhid ng tuhod ko kaya napag-isipan ko munang magpahinga.

Napatingin ako sa aking wristwatch and its already 6;29 am.

Nagpunas ako ng pawis at napatingin sa paligid. Sobrang maaliwalas ng paligid at ang ganda ng panahon na nagpapadala saakin ng ngiti.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ang saya at ang gaan ng pakiramdam ko ngayun.

Ito ba ang epekto ng jogging saakin? Or there's something special coming.

Bigla kong napaigtad ng maramdaman kung may tumabi saakin.

Gulat ako ng mapansing  si Ali ito.

Anong ginagawa mo sa labas ng bahay ko? Tanong nito pero hindi saakin ang tuon niya.

Taka naman akong napalingon sakaniya. Agad akong tumayo at lumingon sa likod.

Takti! Paano ako napunta dito! Actually di ko naman talaga alam na napunta ako mismo sa bahay niya ehh!

Biglang nagbalik saakin ang alaala kagabi. That time is just a simple bonding but why whenever I remember it--I just found myself smiling.

What makes you smile? Tanong nito dahilan para umiwas ako ng tingin at nag-iba ng reaksyon.

Wala lang. Maiksi kung sagot.

Di ka yata naka get over kagabi. Mayabang na ani nito.

Tsk!*pouted*

Agad siyang tumayo at nag-unat.

Dahan dahan din akong napaatras ng napansin ko ang paglapit nito saakin.

A--ano sa tingin mo ang gi---ginagawa mo--ooo. Di ko mapigilang mautal dahil halo halong emosyon ngayun ang bumabagabag saakin. Tarantang taranta ako dahil kakaibang titig nito saakin.

A--adik ka no! Rapists! Teka--kaka singot mo lang ng drugs! Hoii! Huwag ka ngang lumapit! Inis na sigaw ko ng di ko mapigilan ang aking kaba.

Hindi naman siya sumagot at pinanliitan lang ako ng mata.

Ano bang nangyayari sakaniya? Bat nakakatakot siya makatingin? Adik ba siya?

Te--teka! Halos isigaw ko na.

Huminto ito dahilan para mapatigil ako sa pag-atras. Pinanlakihan ko siya ng mata at tinaasan ng kilay.

Ang kyut mo palang kabahan.

Nagbibiro ka ba?! Galit na singhal ko. Sobrang kabado ako kanina tas ganon lang sasabihin niya.

You reacted too much, wala ka parin palang tiwala saakin. Nakapamewang na talak nito.

Kahit kailan di ako magtitiwala sayo. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

I'm not commanding you to trust me its up to you. Napatitig naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

Hindi ko pa talaga alam kung pagkakatiwalan ko ang isang to. But about last night. Bonding with him, joining him it means I trusted him. Nakikita ko sa pagkatao ni Ali na hindi ito masama. Oo bolero siya at nakakapikon din minsan pero alam ko na di rin masama itong kaibiganin.

I wont trust you till the end of my life. Pagsisinungaling ko pa. Dahil lalaki din ang ulo ng arabong to.

Well then lets see. He said full of confident like he can see the future.

Wala naman talaga akong intensyon na saktan ka---

Dahil takot kang malintikan kita. Dugtong ko sa talak niya.

You're shoelace. Wika nito sabay turo ng sapatos ko.

Napadungaw naman ako sa talampakan ko and I saw my untie shoelace.

I was about to kneel pero---pero pinangunahan niya ako.

Gusto kung magreklamo pero parang ayaw gumalaw ng paa ko. Halo halong emosyon ang nanaig sa katawan ko na para bang nakakabaliw damdamin ito. Takot!Kaba!Gulat!Taka! Lahat lahat. Pero isa lang ang nangunguna sa isip ko. Am I attracted? Cause I remember this feeling whenever Mr. Brant is near. No! Siguro...nagulat lang ako--Oo! Gulat lang. But I think I'll begin counting this day.

Nanatili akong nakadungaw sakaniya habang abala naman siya sa pagtirintas ng shoelace ko.

1st day of crush. Paglumagpas ng apat na buwan I am falling in loved.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang nakangiti niyang mukhang nakatingala saakin.

*Lunok*

_________________________

!Thank You Hoshi for Reading!

God Bless

Love IncompatibilityWhere stories live. Discover now