Chapter 3

26 7 0
                                    

"Anong ibig niyong sabihin?" tanong ko.

"Ang mga higante nasa Georgiana! isara ang porton! bilisan niyo!" ano!?

"Tumahimik ka nga tanda! hindi totoo iyan" sigaw ng isang sunbe. Magtatanong pa sana ako nang biglang kumidlat ulit ng napakalakas, napatakip ako ng tenga.

"Saan ba tumatama ang kidlat?" tanong ko at kinalabit ako ni Zai, at itinuro ang mataas na dingding and behind that wall was Georgiana. Doon? bakit?

"No..." Mabilis kong tinanggal ang pagkatali ni Mendo sa kareleta.

"Anong ginagawa mo?" hindi ko siya sinagot at tinanggal rin ang tali ni Mendees. "What ar--" umawang ang bibig niya ng alam niya ang ginagawa ko. " Don't tell me na--"

"Nandoon si tito, Zai. Totoo man o hindi na may titan sa loob ng Gergiana, bilisan natin ang pagpunta doon" ilang segundo bago siya nakagalaw at tinulungan ako sa pagtatanggal ng tali ng kabayo.

"Mga higante!! parating na ang mga higante!! ibalita niyo sa mga solcia! mamatay na tayo!" sigaw ulit ng matanda.

Sumakay na ako kay Mendo, gayoon rin kay Zai. Pinatakbo namin ang aming kabayo at nag tungo sa porton papasok sa Georgiana.

"Anong ginagawa niyong dalawa, bumalik kayo dito mamatay kayo diyan!!" sigaw saamin ng matanda, hindi nalang namin pinansin ang sinabe ng matanda at nagpatuloy na.
Nakalabas na kami ng porton, makikita ang mga tama ng mga kidlat, may nasusunog na ring' mga kahoy. Kinakabahan ako nang malapit na kami sa Ania, sobrang bilis ng tibok ng puso. Pagpasok namin ng Ania division, nagkakagulo ang mga tao.

"Bilisan natin Zai" sabi ko sakanya at binilisan namin ang pagtakbo ng kabayo. Makikita mo ang mga ibang bahay na nasusunog dahil sa kidlat, may umiiyak, sumisigaw, tumatakbo, natataranta kung ano ang gagawin. Hindi na namin pinalipas ang oras at tumungo sa Reon.
Nang malapit na kami sa porton ng Reon, napahinto kami ni Zai.

"Ti- titan" nauutal na bulong ni Zai. It's a titan, ang laki nito lagpas ang malaking dinging, you can only see muscles as his skin, ito ay umuusok, its was behind the wall, at sa loob non' ay ang Gia. Bakit anlaki nito? bakit lagpas sa dingding?. Hanggang balikat ng higante ang lagpas niya sa dingding.

"HIgante!! may higante!" maririnig ang mga sigaw ng mga tao sa Ania. Kaya magsilayas na sila sa kanilang mga bahay at tumakbo patungo sa porton palabas ng ward.

"Ahh!.."

Nagulat kami ni Zai nang biglang sinipa ng higante ang porton ng Gia! ang porton? nasira? akala ko ba hindi ito magigiba.

"Viera!" sigaw ni Zai na kumuha ng attensiyon ko. Liningon ko siya at tinigtan ang itinuturo niya, mga titan na naglalabasan galing sa Gia! what the? 5-6 meter ang mga katatatas ng mga to, kumpara sa una naming nakita mas malaki iyon. Ano bang nangyayari!

"Shocks! tara na Zai" sigaw ko sa kanya dahil biglaan nalang magsitakbuhan ang mga ibang higante na parang baliw! "Zai!" tawag ko ulit dahil hindi niya matanggal ang tingin niya sa mga higante.

"Zai tara na! para maabutan natin si tito!" nagtagumpay akong nakuha ang attensiyon niya at binilisan namin ang pagkilos. Nang nasa porton na kami ng Reon, naka sara ito! Ano ba naman! Bumaba ako at kinatok ang pintuan ng porton.

"Tao po!!!! buksan niyo ang porton!! tao!!" mas nilakasan ko ang pagkatok dahil walang sumagot, kumatok ulit ako hanggang nasugatan at dumugo na ang aking mga kamay. This is useless, masyadong makapal ang pinto niya!

"Xaviera ito! buksan niyo ang porton! Xaviera Smith ito! paki buksan ang porton!" sigaw ko ulit.

"Vi-- Viera" narinig kong sabi ni Zai. Tinignan ko siya, umiiyak at gulat na gulat. Nakatingin siya sa taas at tinuro.

ISLADOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon