Chapter 2

22 9 0
                                    


Nagising ako  ng madaling araw dahil naramdaman kong parang may tao sa labas. Bumangon nalang ako at nag hilamos lang. Nakatulog palang si Zai, at mukhang ang himbing ng tulog kaya hindi ko na siya ginising. Bumaba na ako at pagbukas ko na ng pinto, bumungad sakin ang armadong lalaki. 'At sino naman toh' tanong ko sa sarili ko.

"Sino ka?" walang modo kong tanong.

"Where's chief Glenroy?" tanong nito, iniwasan ang tanong ko.

"Hindi ko alam, sino ka ba?" tanong ko ulit. Tinignan ko ang lalaki ulo hanggang paa. He's wearing grey poet shirt, ankle laced pants, black na kapa na may pagka kulay pula, asul, at puti, and his leather black boots. Naka suot rin sakanya ang kanyang Aesino Blade. Miyembro siguro siya ng mga Solcia.

Napansin kong nakatingin siya sakin kaya umangat ako ng tingin para matignan ko ang kanyang mukha. His eyes were cold as ice, wala kang makitang bakas na emosyon, his lips were thin and looking soft and edible, his slender and rounded nose, a prominent jaw curved gracefully around and the strength of his neck, hi-- what the?!, stop it Viera this is not the time for that!

Napansin niya yata ang pagtitig ko sa kanya, at tinignan naman niya ako pati narin ang suot ko. Ang suot ko? I gasp. Oo nga pala naka pantulog palang ako! I'm still wearing my linen off shoulder dress nightwear. And usually it's womens undergarments!
Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya pinakrus ko ang aking kamay sa dibdib ko na para bang prinoprotektaran. Ano ba to Viera. Nag iwas nalang siya ng tingin, napansin rin niya yata ang kanyang ginawa. At ikinamula ng mukha ko.

"Where's chief Glenroy Smith" pag-ulit na tanong niya.

"Hindi ko nga alam" sagot ko.

"Your his relative, at hindi mo alam. Nasaan siya?" tanong niya ulit.

"Pano ko malalaman kung nasan si tito, basta ang alam ko may pagtitipon sila kahapon ng mga pinuno" sagot ko at naaasar na.

"Chief Glenroy" ani niya at tumayo ng tuwid.

"Ano ba? Wala nga siya, pwede ka nang uma--" naputol ang sasabihin ko dahil nag salita si tito sa likod. what? meron na siya?

"Captain Maceo" lumingon ako, at tama nga ako. Kailan pa siya umuwi? At sinong captain?

"Chief Glenroy, I need to talk to you"

"Oh Viera? Gising ka na, magpainit ka ng tubig para sa bisita, tsaka yang damit mo pumasok ka na" utos sa akin ni tito, at napansin rin ang suot ko.

"No, thank you. Hindi rin ako mag tatagal" ani ng lalaki.

Sinenyalan ako ni tito na umalis, pumasok nalang ako at hindi pa ako nakalayo ay narinig kong magsalita ang lalaki.

"Your still doing that huh, binalaan na kita Chief Glenroy. Namimigay ka parin ng pangangailangan dito sa GW"

Lumingon ako, at hinintay ang sasabihin ni tito. At biglang tumingin sakin ang lalaki, kaya napatingin rin si tito.

"Maybe we should talk outside" tito said while gesturing the man to go outside, at sinamaan ako ng tingin si tito bago nakalabas. Napasimangot nalang ako at pumunta sa kusina para magsimulang mag luto. Nagising narin si Zai.

"Oh, anong nginungusuan mo diyan?" tanong niya habang nagtitimpla ng kape.

"Wala, hindi ko lang narinig ang usapan nila tito. Ingles kasi ng ingles pa yung lalaki" sagot ko.

"Sinong lalaki?"

"Maceo daw, Captain Maceo. Teka lang parang pamilyar ang pangalan diba?" tanong ko habang hinuhugasan ang bigas.

ISLADOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon