Chapter 6

15 5 0
                                    

"Ano ba!?" babawiin ko na sana ang kamay ko pero hinila ako ang lalaki.

"Tama na" ani nito. Tumayo narin si Javel at pinipigilan siya ng mga kalalakihan na atakihin ako, samantalang ang lalaki naman sa tabi ko hawak-hawak ang balikat ko, para hindi ko naman atakihin si Javel.

"Bwisit ka Xaviera! aghh" sigaw saakin ni Javel.

"Tumigil ka na Javel" pagpipigil naman ni Novia at lumapit saakin.

"Mas bwisit ka! pakialamero!" pabalik na sigaw ko rin. Tuluyan ng inilayo nila si Javel sa akin.

"Viera, ayos ka lang?" tanong ni Homero ng lumapit saakin, lumapit rin sina Zai, Chevelle. Nagulat nalang ako dahil bigla niya akong hinila palapit sa kanya kaya nauntog ang noo ko sa matigas niyang dibdib. Ano ba Homero, heto ang tinatanong mong ayos lang ako? Hayy.

"Gamutin niyo sugat niya" sabi ng lalaki.

"Alam ko" ani naman ni Homero, at ipinunta na nila ako sa gamutan.

"Viera, pasensya. Kasalan ko kung bakit nagkaganito, hindi nalang sana ako nag tanong sayo" nagulat ako dahil umupo siya sa sahig at yumuko.

"Ayos lang Chevelle, sanay narin ako" sabi ko. "Tumayo ka na diyan" parang wala siyang narinig sa sinabe ko dahil nakayuko parin siya.

"Chevelle tayo na, pabayaan mo na sanay narin ni Viera" paalala ni Zai. Hindi parin siya tumayo kahit na kaladkadin siya ni Zai.

"Pasensya narin kung ganon umasta si Javel kung ano-ano kasi pinapakialaman. Tsaka mabait yun' kapag ayos na kayong dalawa, pero parang imposible" ani ni Novia.

"Ayos lang, lagpas na kasi siya kung makapagsalita" ngumiti naman si Novia.

"Ano ba Chevelle, tumayo ka na wala ka ngang kasalanan" ani naman ni Novia. "Kakain tayo ng karne, tapos hindi ka namin bibigyan kapag hindi ka pa tumayo diyan" pananakot ni Novia. At mas mabilis pa kaysa sa isang segundo ang pagtayo ni Chevelle. Napatawa kami tuloy.

"Talaga!?" nasasabik na tanong niya.

"Oo, kapag nasa Cuerpomacion na tayo. Ahaha" natatawang sagot ni Novia. Napanguso naman si Chevelle, natawa tuloy kami ulit lahat.

Limang buwan ang naka lipas at makakapasok na kami ng Cuerpomacion. Ano kaya ang hitsura ng CW? tanong ko na sarili ko. Siguro nakakasuot sila ng magagandang damit, nakakakain ng marami, lahat nasa kanila na. Ano ba ang nakain ng Hari?

"Mag-ingat kayo, masusungit ang mga tao doon. Huwag kayong makikipag-away, lalo kana Xaviera" sabay sulyap saakin ni Pinunong Leroy. Nakikibuhat siya sa mga bagahe namin para ipasok sa kalesa. Kagaya ng papasok kami ng Xyvertio, madaling araw palang sinundo rin kami ng taga Charlotte.

"Oo na" sabi ko at ipinasok ang huling bagahe.

"Kung may sasabihin silang nakakalito --"

"Hindi namin pansinin" Napatingin si Homero at ang kanyang ama dahil sa pagsabay namin ni Zai, sanay na namin kasing iyon ang palaging payo ni tito.

"Opo, tsaka iyan rin po ang palaging payo ni tito" ani ni Zai. Tumango tango naman si Pinunong Leroy. Bigla tuloy ako nakaramdam ng kaba, dahil naalala ko si tito.

"Basta mag-ingat kayo" pumasok na kami sa loob at isinara na ang lalaki ang pinto

"Huwag mong pansinin ang Hari, Xaviera" habol na sinabe ni Pinunong Leroy. Tumango nalang ako sa pag-sangayon kahit hindi ko siya maintindihan.

Hapon na nang makarating kami sa Oswald Ward, at doon tumuloy.

"Dito kayong tatlo, at sa kabila na ako kasam nina Paz, at Alexander" ani ni Homero, at bago pa siya makalabas napatanong si Zai.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ISLADOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon