Chapter 4

16 6 0
                                    

Bakit?

Bakit ganito sila?

"Lumapit saakin ang lalaki and grab my dress at ang top pa, nagpahila ako kahit na nakikita ang panloob ko. Nawalan ako ng lakas, inihagis niya ako sa gilid at sakto naman tumama ang ulo ko sa kabilang mesa, sapat na makita ako ng mga tao. The people were shocked, may nag bubulungan narin.

"Kung wala kang balak sa kayamanan ng tito mo, ibigay mo na saamin total mapagbigay ka naman diba?" hindi ako umimik, nakayuko lng ako sa sahig at lumalabo na ang paningin ko. Wala akong masabi, yung' ipon nga namin ni Zai, hindi namin nakuha. We have nothing left, ang paninda namin na nasa Capital wala na pati narin ang kita namin don'. Hindi ko na alam gagawin namin.

"Hindi ba anak siya ng dati niyong pinuno ginoong Alejandro, kung nirerespeto niyo ang pinuno niyo dapat rin' ang kamag-anak niya" narinig kong sabi ni Pinunong Leroy, humarap ito sa mga tao. "Diba ang sabi ni Pinunong Glenroy ay ang pamangkin niyang Xaviera Smith ang susunod na pinuno kapag wala na siya" paalala nito, tumahimik ang mga tao. Oo nga yoon ang sinabe ni tito, ako ang susunod na pinuno kapag nawala siya. Pero hindi ko kaya iyon tito.

"Ang sabi ni Pinunong Glenroy bago siya pumanaw, 'Ikaw na bahala Leroy' yun' ang sinabe niya. Ibig ba sabihin maliban sa ako na bahala sa mga pamangkin niya, ako rin ang bahala sa mamamayan niya?" pagtatanong nito sa mga tao, at walang nagsalita sa kanila. "Dahil nandito kayo sa lupang pagmamayari ko, may responsibilidad akong magpalayas sa mga bastos na gumagawa ng eksena sa harap ko. Gusto mo ba iyon Alejandro." pananakot ni Pinunong Leroy.

Umalis ang lalaki at lumapit naman sina Zai at Homero sakin para ibangon, nang ibinangon na ako umikot ang paningin ko. Masyado malakas ang pagkauntog ko. Binalutan ako ng kumot ni Homero at binuhat, bago ako nawalan ng malay nakita ko si Captain Maceo nakatingin saakin, kasama niya si Keneil Salazar at isang babae na hindi ko kilala.

"Viera tulungan mo ako!!" sigaw saakin ni tito, habang papalayo na ako sa kanya. Hawak hawak siya ng isang higante. "Pakiusap Viera tulungan mo ako!"

"Tito!!!!" pabangon kong sigaw, I was catching my breath ng bumangon ako.

"Ayos ka lang Viera?" tanong ni Zai na mukhang nagising ko siya sa sigaw ko.

"Oo, nabangungot ulit ako" ani ko. "Si tito sa panaginip ko nangangailangan ng tulong noong kinuha siya ng higante" pagpapaliwanag ko. Napansin kong hindi nag sasalita si Zai at naka upo lang sa harapan ko. Tinignan ko siya at napakunot ako ng noo dahil ang sama ng tingin niya saakin. Anong problema nito?

"Kasalanan mo kasi Viera!!" sigaw niya saakin. Ano?

"Kasalanan mo kung bakit namatay si tito! kasalanan mo! hindi mo siya iniligtas! mamamatay tao ka Viera!" sigaw niya at nag-iba rin ng boses niya parang may sumasabay na iba sa kanyang pagsigaw.

"Kasalanan mo! dapat ka mamatay!" sigaw ulit nito at itinulak ako, nangibabaw ito and she wrap her hands around my neck, nakakatakot narin ang mukha niya hindi na siya si Zai, isa siyang titan.

"San--Sandali Z--Zai" pagpigil ko. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkasakal saakin. Nararamdaman ko na mawawalan na ako ng malay.

"Viera!"

"Viera gising! Viera!" naririnig kong sigaw ni Homero at Zai.

Bumangon ako at hinihingal na parang mawawalan na ako ng hininga. Dobleng bangungot? ano yun'?

"Heto tubig uminom ka Viera" ani ni Homero. Tinitigan ko lang ang baso na may lamang tubig at iniangat ang tingin sa kanya. Hindi masama ang tingin niya sa akin, ganon' rin kay Zai. Hindi na ba ako nananaginip?

"Hoy! uminom ka" sigaw sa akin ni Homero. Pinatapos nila akong uminom at nag tanong.

"Nabangungot ka nanaman?" tanong ni Zai saakin, naalala ko ang panaginip ko sinisisi ako ni Zai sa pagkamatay ni tito.

ISLADOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon