Chapter 5

15 6 0
                                    

"Hindi pwede, delikado ang gusto mo Xaviera" pagbabala ni Piunong Leroy.

"Sasama ako" nagulat ako dahil sa sinabe ni Zai. Huwag.

"Zai--"

"Sasama ako sayo Viera, kahit saan ka pupunta"

"Hindi ako papayag, magtinda nalang kayo ng mga damit na gawa niyo kaysa papasok kayo ng Xyvertio" pagpigil ni Pinunong Leroy.

"Sasama ako sa kanila pa" nagulat kaming lahat dahil sa sinabe naman ni Homero.

"Hindi pwede"

"Mananatili ka ba dito pa? aalis pa tayo ng isla hindi ba? gusto mo pang lumabas ng buhay, sinabe mo saakin noon. Iyon ang pangako mo kay mama diba? ang lumabas ng Islado at ipakita sa akin ang labas ng ikinakukulungan natin" napatitig ang kanyang ama, and sigh.

"Oo na papayagan ko kayo, pero kapag hindi niyo na kaya magtatrabaho kayo saakin" paalala niya.

Natulong narin kami pagkatapos non' buti nalang pinayagan kami.

Nagising ako ng maaga dahil sa bangungot, palagi nalang. May importante rin naman akong gagawin. Sinulyapan ko si Zai ang himbing ng tulog niya, hindi ko nalang siya ginising para hindi na siya sumama saakin.

"Ang aga mong nagising Xaviera, nabangungot ka ba?" tanong ni Pinunong Leroy pagkababa ko ng hagdan, nakita ko siya sa sala nag kakapi.

"Opo" maikling sagot ko at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Hindi nagising si Zai dahil sa akin, napagod siguro siya.

Binilisan kong naligo dahil baka magigising na ang pinsan ko, nakasuot ako ng black na twill skirt at white off-shoulder lace blouse.

Bubuksan ko na sana ang pinto palabas nang nagsalita si Pinunong Leroy.

"Saan ka pupunta Xaviera?" tanong nito. Humarap ako, nakasuot siya ng uniporme ng mga pang pinuno, magtatrabaho siguro.

"Sa Espacio, may hahanapin lang ako" sagot ko.

"Sino?" tanong niya ulit. Ano ba ang daming tanong.

"Si sunbe Brigitte, ibabalita ko lang na ligtas kami baka nag aalala" sagot ko, hindi ko lang alam kung nag-aalala talaga. "Paki sabi nalang kay Zai kapag nagising na, baka hanapin ako" ani ko at lumabas na, hindi ko na pinakinggan ang sasabihin niya.

Iniayos ko ang tali ni Mendo bago sumakay sa kanya, at nagtungo na sa porton palabas ng Ram.

Maaga akong nakarating sa Capital kaya makikita ang mga tao na inaayos pa ang kanilang paninda.

"Kailangan kong mahanap ang matanda" sabi ko sa sarili ko. Ilang libot na ako pero hindi ko mahanap ang matanda. Nang matanaw ko si sunbe Brigitte, bumaba ako kay Mendo. Hindi pwede si Mendo doon, masyadong marami na rin ang mga tao.

"Paumanhin sunbe, pwede niyo po bang paki kita ang kabayo ko, may kakausapin lang ako saglit" ani ko sa lalaking nagbabantay ng mga kabayo.

"May pera ka ba?" tanong nito, shocks wala akong dalang pera.

"Pasensya na po pero wala akong perang dala, tahimik rin po ang kabayo ko, hindi po siya kagaya ng iba" pagpapaliwanag ko. Nakatingin siya saakin at naka kunot noo, para bang hindi niya ako pinaniniwalaan.

"Hindi pwede, wala kang pambayad" aalis na sana siya sa harapan ko pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan. "Ano ba hindi nga pwe--"

"Sige na po sunbe, babalik rin po ako agad. Tsaka tahimik po ang kabayo ko" pagpilit ko.

"Sige, basta bilisan mo ha. Kapag ang tagal mo itatakas ko tong kabayo mo" buti nalang. Binigyan niya ako ng ticket para alam na nasa kanya ang kabayo ko. Ngumiti ako sa kanya.

ISLADOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon