Parte Uno

431 42 5
                                    

༒El Diary༒

3rd PERSON POINT OF VIEW

Madilim ang gabi sa gitna ng gubat. Ngunit ang matapang na si Semon ay nakikipaglaro sa kanyang anino. Malaki ant maliwanag ang buwan. Singlaki ng buwan ang ngiti ni Semon habang paikot ikot aa isang malaki nanpuno. Malalaki na puno, maitim na anino ng puno at buwan ang tanging kalaro ng batang si Semon.
"Hehehe. Bakit mo ako sinusundan aking anino?" Wala siyang sagot na narinig mula sa anino na sunod ng sunod sa kanya. Bata pa si Semon at hindi pa niya naiintindihan ang lahat.

"Semon! Semon! Kakain na tayo!" Isang sigaw ang umalingawngaw sa buong gubat. Natigilan si Semon dahil sa sigaw. Dali dali itong tumakbo papunta sa sigaw. Tanging buwan lamang ang nagbibigay ilaw sa kanyang daan. Masayahin at matapang na bata si Semon.

Masaya niyang ikinwento sa kayang pamilya ang laro na Ginawa nila ng kanyang Anino. Tumawa naman ang kanyang ama at ina. Puno ng masiglang tawanan ang isang simpling kubo sa gitna ng madilim at maitim na gubat. Natulog na ang batang si Semon. Nakangiti siya habang natutulog.

Kinabukasan, pagsapit ng takip silim ay naglakad si Semon papunta sa pinakagitna ng gubat. Pumipito pa siya habang daladala ang isang patpat.
"Ako si haring Semon! Ako ay matapang!" Sigaw niya habang nagmamartsa sa gitna ng madilim na gubat. Pagdating niya sa gitna ng gubat ay may narinig siyang kahol. Itinutok niya ang patpat sa tunog at dahan-dahang naglakad. Nagmamatyag sa paligid ang batang si Semon. Ang magiting na si Semon.

"Arf! Arf!" Isang aso na na kumakaway ang buntot at nakalabas ang dila. Mahaba ang tainga at makapal na balahibo.Hindi nagpatinag si Semon sa ngiti ng aso at itinutok parin niya ang patpat sa aso.

"Dyan ka lang! Sundin mo ang utos ng hari!" Hindi nakinig ang aso at sumugod sa kanya. Napaatras si Semon at natumba sa makapal na dahon. Pumatong naman ang aso sa dibdib niya at dinilaan ang kanyang mukha. Tumawa naman si Semon at hinimas himas nito ang aso. Tinawag niya itong Puche .Isang oras silang naglaro hanggang sa nawala bigla si puche.

Nalungkot si Semon at nagpasyang umalis ng gubat at umuwi sa kanilang munting kubo. Patakbo siyang umuwi nang may makita siyang usok. Nang makalapit siya ay napaluhod si Semon sa harapan ng nasusunog nilang kubo. Nagsimulang pumatak ang kanyang luha. Makikita sa mukha niya ang labis na lungkot.

"Inaaaaaaay! Itaaaaaay!" Umalingawngaw sa buong gubat ang sigaw niya. Hindi kinaya ni Semon ang kanyang nakikit kaya tumakbo siya palayo sa kubo nila. Ang batang walang kinakatakutan ay ngayon takot na takot. Patakbo nitong tinahak ang madilim na gubat. Ang tanging nasa isip ng batang si Semon ay makalayo sa lugar na yun.

Habang lumalayo siya ay mas lalong dumidilim ang gubat. Mas lalong kumakapal ang mga dahon na tumatakip sa buwan. Pero hindi ito hadlang. Patuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa bumagsak siya dahil sa sobrang pagod.

"Arf! Arf! Arf!" Isang pamilyar na tunog ang kanyang narinig bago dumilim ang kanyang paningin.Kinabukasan ay nagising si Semon sa isang lumang mansion. Nasa harapan niya ang isang matanda at batang babae.

"Maayos naba ang pakiramdam mo iho" kahit na nakakakilabot ang boses ng matanda ay ngumiti si Semon. Umalis ang matanda at naiwan si Semon kasama ang batang babae. Nakatitig lang ito sa kanya at namumutla.

"A-Anong problema mo?" Hindi sumagot ang bata. Tumalikod si Semon at humarap sa pinto. Nasa likod niya ang batang babae.

"Arf! Arf!" Biglang bumukas ang pinto at tumalon ang aso sa Kama. Kasunod nito ay ang batang babae ngunit hindi ito maputla. Nagtaka si Semon dahil kanina lang ay nasa likoran pa niya ang babae. Tumayo ang balahibo ni Semon ngunit hindi siya natakot. Alam niya na may kababalaghan sa bahay na ito. Ngumiti lang siya habang hinihimas ang aso ngunit hindi niya parin maitago ang sakit. Sa kanyang pagngiti ay may luha na pumatak. Hindi siya takot sa multo, takot siya na maalala na wala na siyang pamilya.

Slendrina's Dark SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon