Parte Nueve

71 24 0
                                    


The Last Page

Reina's POV

Nasa bahay parin kami at nandito kami sa kwarto ko. Naghanda na kami para sa gagawin namin. Ang plano namin ay pumunta ng maaga sa paaralan pero hindi papayag si mama.
"Anong maganda irason kay mama?"

"Sabihin natin na bibili tayp milktea sa school cafeteria." Natawa ako sa sinabi ni Marky.

"Sa tingin mo, maniniwala siya sa atin? Hahaha!" Nagtawanan kami sa sinabi ni Marky

(5 minutes Later)

"Ma bibili kami milktea sa School Cafeteria"
"Ok sige. Damihan mo ang cheese ah" cheese?hindi naman pizza bibilhin namin. Di bale na

Tumango nalang kami at naglakad palabas ng bahay. Hindi ko inexpect na gagana ang plano. Nahiya tuloy kami kay Marky .

"Tawang-tawa pa kayo kanina pero wala naman pala kayong ibang maisip na rason" nanahimik nalang kami. Mabuti nalang ay pinahiram ni mama ang sasakyan niya. It's 4pm kaya hindi pa kami mumultohin. Si Marky ang nagmaneho sa sasakyan habang kami ni Klein ay nasa likod.
"Anong sandata ang dala niyo?" Tanong ni Marky
"May sandok ako dito. Pokpok ko sa ulo ni Granny" Pagmamalaki ko habang nilalabas ang sandok.

"May kutsilyo ako dito. Bigay ng lola ko to dati. Mabisa daw tong pangpatay ng bampira. P-Pero, patay na siya. Miss ko na siya." sobrang ganda ng kutsilyo niya. Kulay pula ang hawakan at may mga puti na gems na desinyo. Niyakap ko si Klein. Alam ko ang feeling ng mawalan. Miss ko na rin si Ericson.Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa paaralan. Sobrang tahimik ng paaralan.
"Guys, anong araw ngayon?" Tanong ni Klein. Tumingin si Marky sa kanyang Relo.
"Sabado"

Kaya pala walang tao dito. Pagdating sa may gate ay bukas na ito. Wala na rin ang mga guards. Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang isang tarpaulin na nakasabit. At ang mas nakakakilabot pa ay may nakasulat dito.
(WELCOME)nakasulat ito gamit ang dugo. At sa itaas ng tarpaulin ay may nakasabit! Isang kamay! Binalot ng katahimikan ang buong paaralan. Sabi ni Mommy na nasa library nakalagay ang huling pahina. Huminto na kami sa harapan ng Tarpaulin dahil biglang namatay ang sasakyan.

"Let's go?" tumango nalang kami ni Klein at nagsimula ng maglakad sa madilim na hallway. Sa likod kasi ng building na ito ay ang library. Kailangan naming dumaan sa hallway dahil puro puno ang nasa gilid ng building na ito. Habang naglalakad kami sa hallway ay nadadaanan namin ang mga classrooms. May mga classrooms na kulang ang gelosi glass at kitang kita ang nasa loob. Hindi ako lumilingon pero nagsitayuan ang mga balahibo ko. Parang may nakamasid sa dilim. Parang naka itim na nalangisi. Pero alam kong imagination lang yun. Hindi naman ako lumingon sa mga claasrooms.

"Nandito na tayo." Sabi ni Ericson habang nakatitig sa haunted library.

May apat na metrong lawak ang harapan ng library. Papasok na sana kami nang may biglang dumatin. Si mang Erny.
"Saan kayo pupunta?" Tanong niya habang nakayuko.
"Ahhh ehh---" hindi na niya pinatapos si Marky
"Papasok kayo sa library para hanapin ang natitirang pahina? Nang sa ganun ay matapos na ninyo ang angkan ni Granny? Hahaha!" Nagulat kaming lahat at bakit alam niya ang plano namin. Bakit alam niya ang tubgkol sa libro at tungkol kay Granny

"S-Sino ka!"

"Hahahahahaha!" Tumawa siya ng napakalakas. Humarap siya sa amin .
"Ako si Karasu!" Habang sinasabi niya ang kanyang pangalan ay pa iba-iba siya ng anyo. Siya yung driver ng taxi? Siya din yung driver ng bus at siya din yung jessica na kumausap sa amin sa may mansion?!

Slendrina's Dark SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon