Parte Tres

126 31 3
                                    

The Field Trip

Reina's POV

It's already 5 pm at naglalakad na kaming apat papunta sa labas.
"Ano ba kasi yang plano nyo. Kanina ko pa kayo tinatanong" Naiinis na ako kasi naman. Kanina ko pa sila tinatanong kung ano ang plano na naisip nila. Ang napili naming destinasyon sa filed trip ay sa Farm. Which is ang boring. Dzuuh!

"Ok, Fine. Ganito kasi yan.  Bibigyan ng suhol ni Marky ang driver para dalhin niya tayo sa Mansion." Ano kaya ang hitsura ng mansion na pinagsasabi nila. Bakit ba gustong gusto nila doon.

"Excited na akong makita si Ericson na sumisigaw dahil sa takot" pangungutya ni Marky. Hindi kumibo si Ericson at nagpatuloy lang sa paglalakad. Malalim ang iniisip niya simula pa kanina. Hindi parin maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Bakit ang bilis naman ata ni Ericson. Nakita ko siya sa puno tapos mayamaya ay nasa harapan ko na siya.

Hindi ko napansin na malapit na pala kami sa gate. Napukaw ang atensyon ko sa umiiyak na babae habang kausap ang teacher namin.

"Ma'am! Nawawala po ang anak ko! Gawan nyo naman ng paraan!" Patuloy parin siya sa pag iyak. Pinapatahan naman siya ng lalaki na kasama niya. Sino kayang anak ang tinutukoy niya.

"Don't worrt misis, we will find Jessica as soon as possible" Sabi ng isang lalaki. Siya si Mr. Guzzman, isang detective at kasamahan ni tatay. Pansin ko nga kanina na wala si Jessica.

"Hoy Rein! Ang chismosa mo naman!" Sigaw ni Klein sabay hila sa akin. Panira naman tong si Klein. Nagpatuloy kami sa pag uusap tungkol sa plano namin. Nagplano kami kung anong damit ang isusuot at mga pagkain. Magdadala din daw sila ng cam para makunan nila ang kababalaghan sa bahay. Nauna ng maglakad si Ericson at sumakay ng taxi.

Naghiwalay na kami ng daan..si Marky ay kinuha ng kanyang buttler habang si Klein naman ay kinuha ng kanyang nanay. Ako naman, maghihintay ng Taxi. Pinara ko ang isang taxi at sumakay na. Mga pasado alas sais na.

Napansin ko na lumuliko kami ng ibang daan. Maraming talahib at puno sa daanan na ito. Sa may itaas ng bundok ay napansin ko ang isang malaki na bahay. Kahit na malayo ito ay makikita ko parin dahil sa laki nito. Tinignan ko ang driver. isa siyang lalaki na nasa mid 40s. Makapal ang kilay at mahaba ang buhok. 
"Kuya, bakit dito tayo dumaan?" Ngumisi lamang siya at hindi nagsalita. Kulay dilaw ang ngisi niya. Uod ba yung nasa gitna ng ngipin niya?! Ang weird naman. Hindi ko na natiis ang baho kaya nagpasya akong lumabas. Binuksan ko ang pinto. Wala akong paki kahit na tumatakbo pa ang sadakyan. Ngunit hindi mabuksan. Kainis!

"Gusto ko ng bumaba!" Hindi pa rin siya kumikibo. Palaki ng palaki ang kanyang ngisi. Kitang kita ko ang mga uod sa gita ng mga ngipin niya. Napaiyak nalang ako.
"Manong! Gusto ko na bumaba! Sige na!"

"Hehe! Matatapos na ang sumpa!"nakakatakot ang boses niya. Husky na malalim ang boses niya. Anong sumpa ang pinagsasabi niya! Malapit na kami sa isang intersection. Kung saan, ang isang daan ay papunta sa bundok. Papunta siguro ito sa mansion. Sinipa ko ang pinto ng sasakyan ngunit ayaw parin magbukas.

Mayamaya ay biglang huminto ang saskayan.
"Aray!" Nabagok ako dahil sa biglaang paghinto ng sasakyan. Pagtingin ko sa driver's seat ay wala na ang lalaki! Hinarangan kami ng itim na sasakyan na naging dahilan ng aming paghinto. Hays salamat! Mayamaya ay lumabas si Mr.Guzzman. dalaldala ang kanyang baril.

"Reina? Anong ginagawa mo dito?! Nasaan na yung driver!?" Hindi ako kumibo at lumabas nalang ng sasakyan. Nagpasya si Mr. Guzzman na ihatid ako sa amin. Bakit kaya siya biglang sumulpot? Hindi naman dito ang main road. Hmmm

Slendrina's Dark SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon