" Reika ?! alam mo na ba ang .." sinalubong siya ng isang co-reporter na may hawak ng hot coffee. Sa halip na sumagot ay pinigil niya ang anumang susunod na sasabihin nito sa pamamagitan ng pagharang ng palad sa mukha nito. Saka siya dire-diretsong nagtungo sa nakabukas na pinto ng opisina ng kanyang Boss.
" What is the meaning of this ?" pabagsak niyang hinagis sa mesa nito ang letter of transfer. Nag-angat ito ng mukha.
" Reika ! " ngumiti ito ng ubod ng tamis ngunit ilang sandali lang ay kumunot na ang noo.
" Yes, it's me. Nobody,nobody, but me. Sagutin mo ang tanong ko, Boss Ricky. What the hell is this letter for ?!" dinutdot pa niya ang sulat na nasa harap nito.
" Hindi mo pa ba binasa? everything is written in that piece of paper. Hindi ka na ba marunong umintindi ng English ngayon o baka naman kinalawang na rin ang utak mo katulad ng mga bala ng armalite na ginagamit ng mga bandido sa Basilan ?"
Napapalatak siya at hinipan ang ilang hibla ng bangs na sumabog sa mukha bago nagsalita.
" Natural binasa ko na, anong palagay mo sakin .. mangmang ? I'm not a reporter for nothing. Ang gusto kong malaman ay kung bakit kailangan akong itransfer sa ibang department. I'm doing just fine. Infact, very fine. Naging isang malaking expose pa nga ang last assignment ko sa isang corrupt na official kelan lang hindi ba ? Hindi ako nakilala bilang isa sa mga palabang reporter ng isang gabi lang. Inani ko 'yon ng dahil sa pagsusumikap ko."
" That's why .." anito saka tumayo sa prenteng pagkakaupo sa swivel chair.
" Anong that's why ?"
" I don't want to lose one of my best staff, Reika. Masaya ako at proud sa mga achievements mo bilang reporter ko sa field. 'Pagdating sa trabaho, wala akong masasabi sa'yo. Pero lately, masyado nang nagiging pangahas ka sa mga assignments mo. Kumikilos ka ng walang approval galing sa mga superiors mo. Okay lang sana eh, ang kaso, nang dahil sa katigasan ng ulo mo, muntik nang mamatay ang camera man mo. Don't you think your too much ? May limitations din ang pagiging palaban bilang reporter. But I don't think na as of now you still know your boundaries."
" Wala akong nakikitang masama sa mga ginagawa ko. Parte ng trabaho ko ang malagay sa peligro ang buhay ko at ng kasama ko, but I made sure na tama at walang bulilyaso ang bawat lakad ko. Bakit bigla -bigla ay ipapatapon mo ko sa isang trabaho na hindi ko naman forte ?"
" Hindi mo ko naiintindihan,Reika. You .. I mean all of you. My staffs. Hindi na iba ang tingin ko sa inyo. You are like family to me. Bago ang scoop na mabibitbit nyo para sa popularity ng station ay mga tauhan ko muna kayo. Mas mahalaga ang kaligtasan nyo kaysa sa anumang expose o footage na dala nyo. Parang anak na ang turing ko sa'yo."
" Whoah .. e mas matindi ka pa pala sa tatay ko 'nung nabubuhay pa siya eh. At least 'yung tatay ko, ini-encourage niya ko sa kung anuman ang gusto kong gawin sa buhay ko. Not unless na magbuburles ako sa gitna ng Edsa. Look, Boss Ricky.. Kahit ikamatay ko pa ang trabaho ko, mamatay akong masaya. Why ? because I love my job. Nagsikap ako na marating ang kinalalagyan ko ngayon dahil gusto ko at nag-eenjoy ako sa ginagawa ko."
" Ano ka sadista ? Gustong gusto mo at enjoy na enjoy ka kapag may nakikita kang nakabulagtang tao sa harap mo dahil tinadtad ng bala ng mga militar o bandido o kaya naman ay masayang masaya ka kapag nakakatanggap ng death threat ? My god, Reika .. You're still a girl. You could be a swan kung aayusin mo lang iyang sarili mo at maglalagay ka ng kahit na konting make up diyan sa tuyot mong mukha. Girls at your age still wears make up and enjoy their lives. Parang ikaw ay pinaglipasan na ng panahon e."
" Kahit ano pa ang hitsura ko, problema ko na yon. Maglalagay ako ng make up kung kailan ko gusto basta't bawiin mo lang ang transfer na ito."
" I'm sorry.. my decision is final. Two days from now ay sa showbiz department ka na magrereport."
" What ?! Boss Ricky naman. Maawa ka naman sakin. Para mo na rin sinabi na huwag na kong huminga ! please ..? "
" No." determinadong sagot nito saka bumalik sa pagkakaupo.
" What ?!"
" Yes. Tanggapin mo na lang ng maluwag diyan sa dibdib mo. Anyway, kahit hindi mo forte ang showbiz report at iritang irita ka sa mga artista, once a good reporter, always a good reporter. Field reporting man o showbiz reporting mag eexcel ka kung talagang magaling ka diba ?"
" Ayoko parin. Nangangati ako kapag may katabi akong mga maaarteng artista na akala mo mga diyos kung ituring ang sarili nila."
" Should I expect your resignation letter then ?"
" What ?!"
" Ayaw mo kamo hindi ba ? Ibig ba'ng sabihin 'nun ay nagbibitaw ka na sa iyong tungkulin ?" sa oras na mawalan siya ng trabaho, paano niya mahuhulugan ang kotse niya ? ang renta sa condo ? ang three meals a day niya ? She can't afford to lose her job. Isa pa, hindi naman siguro forever siyang madedestino sa department na iyon. In time baka naman magbago pa ang isip ng Iking na 'to.
" Sinong may sabi ? Ako ?" itinuro niya ang sarili saka pinandilatan ang matandang Boss.
" You'll regret forcing me to change department. Wala ka nang makikitang kasing galing ko sa field reporting. Sige, pumapayag na ko sa transfer-trasfer na 'yan at patutunayan ko sa'yo na nagkamali ka ng alisin mo ko sa field."
" Marami pang pwedeng pumalit sa puwesto mo, Reika, Ibalato mo na sa kanila ang iiwan mong trabaho. You should take this opportunity to find a partner. Malapit ka nang humanay sa mga matandang dalaga sa opisinang ito. Hindi ka ba worried ?"
" Ewan ko sa'yo, Boss ! makaalis na nga rito !"
" Tignan mo ang batang ito, tinawag pa kong Boss ay tatalikuran din ako. Mag-ingat ka, Manang !" pahabol pa nito bago niya tuluyang maisara ang pinto.
Her Boss is like a father to him. All these years na nagtrabaho siya sa istasyong pinagtatrabahuan ay ito ang umaalalay sa kanya. Nakita nito kung paano siya nagsimula sa ibaba hanggang unti-unting mapabilang sa mga top reporters ng station sa edad na bente singko. Siya lamang ang nakakapagsalita rito nang hindi naiilang. Kunsabagay, sinasagot lamang naman niya ito ng ganoon kung silang dalawa lamang. Respect for superior pa rin kapag may ibang nakaharap. Kabastusan naman kung pagsasalitaan niya ito ng hindi maganda sa harap ng ibang staff.
BINABASA MO ANG
She's d one
RomanceNabaligtad ang mundo ni Reika nang ilipat siya from field reporting to Showbiz report. Pakiramdam niya ay blessing in disguise ito dahil naka-face to face niya ang super crush na lead vocalist ng bandang assignment. Pero may problema.. Ang asungot n...