Masuwerte si Reika nang umagang iyon nang datnan niyang bakante ang favorite spot niya sa coffee shop na paboritong tambayan kapag gusto niyang magrelax. Maganda ang ambiance sa lugar na iyon bukod sa masasarap ang mga produkto. Kung sa bagay, binawi naman sa presyo ng kape. Katulad nalang sa iniinom niyang Iced Coffee na ang halaga ay isang kilo na yata ng manok sa palengke.
Inabala niya ang sarili sa nakasupalpal na straw sa kanyang bibig.
Dalawang araw na siyang busy sa pag reresearch tungkol sa kanyang assignment. Sinulyapan niya ang mga print outs sa ibabaw ng kanyang mesa. Walang ka gana-ganang dinampot ito at sumimsim ng iced coffee.
" tsk tsk .. napakaboring siguro ng mga buhay n'yo. Mukha pa naman sana kayong mga anghel. But I'm sure na hindi kayo ganoon kalinis kaya sorry nalang kayo, Because your worst nightmare is finally here." Binuntutan pa niya ito ng sunod sunod na pag-iling.
Minsan pa niyang pinagsawa ang paningin sa kabuuan ng coffee shop saka nangalumbaba na animo tamad na tamad.
" Malas iyang ginagawa mo." Napalingon si Reika sa nagsalita. Yssa is standing next to her. Ito ang manager ng naturang coffee shop, at isa sa mga matalik niyang kaibigan back in college. Hindi niya ito pinansin bagkus ay yumukyok lamang sa hangganan ng lamesa.
" Anong drama mo ? Ang aga-aga, sinisira mo ang ganda ng araw." Humila ito ng upuan at tumabi sa kanya. She didn't even bother raising her face. Nanatili lang siya sa ganoong ayos.
" Boring .."
" Ha ? boring ? Saan, dito sa shop namin ? Umaayos ka nga Reika ! Baka may makarinig sa'yo akalain ay totoo ang sinasabi mo !" saka ito luminga-linga sa paligid habang inoobserbahan kung may ibang customer na nakakarinig sa pinag-uusapan nila.
" Boring ba talaga ang coffee shop ngayon ?" maya-maya ay lumapit ito sa kanya at bumulong. Dinutdot niya ito sa sentido.
" Ikaw ang umayos, Yssadora. Hindi pa kasi ako tapos, daldal ka na ng daldal diyan ! Ang ibig kong sabihin na boring ay ito." Ibinalandra niya sa mukha nito ang first page ng print out research tungkol sa kanyang latest assignment. Tila naman nasasapian ito na inagaw ang hawak niyang papel at kinikilig na tinitigan iyon.
" D'Note !" saka ito mahinang nagtitili.
" Hoy ! Para kang tanga diyan !" inagaw niyang muli ang papel dito.
" Saan ang boring diyan ? Ang super hunk kaya nila. Lalo na si Spike Alegre.Yummy !"
Sinulyapan niya ang litrato ng mga ito. May solo profile doon tungkol sa nabanggit nitong Spike Alegre. Well, hindi na masama. Kung sa hitsura lang ang pag-uusapan, Talagang lamang ito sa isang normal na tao.
Bagay na bagay dito ang katamtamang tangos ng ilong at bagsak na buhok. Idagdag pa ang makikipot nitong labi. "May point ang bruha."
" So, back to our topic. Nabalitaan ko kay Liz na nalipat ka ng department. Aba ! Certified paparatzi ka na, hija."
" Kaya nga boring eh."
" Ano naman ang boring doon ? Alam mo ba na mas exciting ang buhay ng showbiz reporter kaysa sa isang field reporter ? Look .." umayos ito ng upo at humarap sa kanya.
" Hindi lang naman mga scandal ang habol mo diyan eh. Opportunity 'te. Opportunity."
" Opportunity ? ng ano ?"
" Ng future papa mo. Boypren, boylet, ka fling, ka landian, Mamahalin at iibigin. Shing-shing !"
" Luka-luka ! Magkaibigan nga kayo ni Liz. Pareho kayo ng tama sa utak. Lovelife ng may love life, pinuprublema niyo."
BINABASA MO ANG
She's d one
RomanceNabaligtad ang mundo ni Reika nang ilipat siya from field reporting to Showbiz report. Pakiramdam niya ay blessing in disguise ito dahil naka-face to face niya ang super crush na lead vocalist ng bandang assignment. Pero may problema.. Ang asungot n...