kabanata 3

4 0 0
                                    

" Narinig mo na ba ang usap-usapan sa opisina ?"

Mula sa loob ng isang cubicle na cr ay dinig na dinig ni Reika ang usapan ng dalawang ka-opisina. First day niyang magrereport sa bagong department. Actually, kagagaling lang niya sa office ng kanilang head chief.

Hindi yata siya natunawan sa kinaing breakfast kaya't pagkalabas sa opisina nito ay sa bathroom siya agad na dumeretso.

" A, oo. 'yung tungkol ba sa bagong transfer ?" Bago pa man niya maikot ang seradura ng pinto ay narinig niyang sagot ng isa, kaya't sa halip na lumabas ay nanatili siya sa loob at matamang nakinig. Curiosity lang. Interesd\ado siyang malaman kung ano ang tsismis tungkol sa kanya.

" Ipinatapon daw dito sa atin yon dahil sobrang pasaway. Mabuti nga at hindi tinanggal sa trabaho. Alam mo ba na muntik nang mamatay ang camera man nun dahil sa katigasan ng ulo ?"

" Talaga ? nakakaloka naman. Dito pa sa atin ipinatapon ang isang iyon. Baka dito pa magkalat ng lagim." Sa tinuran ng isa ay napataas ang kilay niya. ABa't - langyang 'to ! anong tingin nya sa'kin may balat sa pwet at malas ?

" At heto pa ha ? kaya daw hindi napatalsik 'yan dito sa station dahil malakas ang kapit."

" Ows ? sino naman daw ?"

" e 'di 'yung boss nilang si Sir Ricky. Yuck .. pumapatol sa amoy lupa ano ?"

" Kadiri naman 'yun. I won't stoop that low para lang sumikat sa pagiging reporter."

Nag-init na pati bumbunan ni Reika kaya't hindi na siya nakatiis. Tinadyakan niya ang nakapinid na pintuan para bumukas. Kapwa nagulat ang dalawa na bahagyang namutla nang makilala siya.

" She greeted them with her face smiling. Saka siya patay malisyang naghugas ng kamay sa sink.

" Don't you think it's bad to talk about someone behind their backs ?" she said with a very calm voice without looking at them. Nakatuon ang mata niya sa mga kamay.

" Mas maganda 'pag kaharap ang pinag-uusapan, para naman makapagcomment din. At least you don't have to guess. Let them answer your question. Don't you think so ?" ipinagpag niya ang basang kamay na tumalsik sa mga kaharap. They still didn't give any response. Halata sa mga mukha nito ang gulat at nerbyos. Mukha ba siyang killer para katakutan ng ganoon ? Siguro dala lamang iyon ng reputasyon niya na walang takot sumuong sa laban at walang inuurungan. May maganda rin naman palang epekto ang pagiging journalist.

" A,e .. pasensya ka na. Narinig lang naman namin iyon. Tsimis will always be tsismis.Diba Sabel ?"

" Ha ?! o-oo. Don't worry. Hindi na namin pag-uusapan ang tungkol dun. 'wag mo lang kami ipapasalvage sa mga friends mong rebelde." Napapalatak siya. Mga siraulo talaga, pati ba naman ang mga rebelde ay naging dabarkads na niya ayon sa tsismis ? Kaya pala ganito nalang ka-alert ang dalawang ito.

" Sure !" natatawang sagot niya. Nakakatuwang paglaruan ang dalawang tsismosang ito. Baka maihi pa sa salawal kapag nasobrahan sa nerbiyos.

" 'wag kayo mag-alala. Harmless naman ang mga BFF ko eh. Ayaw lang nila ng nagugulat kasi baka biglang .. PUNG ! she point her finger at them imitating a gun. Lalong nagulat ang dalawa at bahagyang napaatras.

" Just be careful. Sige, bye." She wave her hand before walking towards the door. Bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto ay sinenyasan pa niya ang dalawa, pointing her two fingers on her eyes and afterwards pointing her two fingers at them to tell them that she's watching. Saka siya walang lingon likod na nagmartsa palayo sa banyo.

" What a wonderful day to start. Nakakasira ng mood, nakakasira ng umaga.asaar .." she mouthed to herself.

She's d oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon