kabanata 3 p.2

20 0 0
                                    

Pabalabag na umupo siya sa swivel chair nang makarating siya sa opisina. Being there, with them is totally frustrating. Para bang pumunta ka sa isang mundo na hindi ka belong. Ganoon ang pakiramdam niya. Sa bawat empleyado na nakakasalubong niya at bumabati sa kanya ng welcome, pakiramdam niya ay may kabuntot itong tawa. Malamang na pinagtatawanan siya ng mga ito dahil ang usap-usapan doon ay ipinatapon siya dahil sa neglegence sa work. And take note .. kabit pa ng kanyang ex-boss ang tingin sa kanya. Siya na NBSB as in no boyfriend since birth ay pararatangan na home wrecker ? oh my betcha by golly wow ! Siya na nag-uumapaw sa confidence ? Siya na workaholic ? Siya na devoted sa kanyang sarili, mga kaibigan at sa career ? Siya na ... No ! Hindi tama ito. Humanda sa akin ang nagkalat ng tsismis na 'yon. Sisiguruhin ko na kakainin niya ang bawat letrang ikinalat niyang mali. Humanda siya ! She banged her desk causing  her officemates to stare at her. Huli na nang mapansin ni Reika na lahat ng atensyon ng mga naroon ay sa kanya nakatuon. Even her friend Liz who just enter the door. Tila ba  tumigil ang oras ng mga sandaling iyon. She won't allow them to make fun of her again. Being alaughing stock once, is enough.

Reika automatically change her expression from Xeena,the warrior princess and smiled sweetly. Well, from the buttom of her heart alam niya na fake ang ngiting iyon.

" May lamok." Nakangiting aniya.

" Kailangan ko sigurong magbuga ng insect killer, maraming lamok eh. Kayo rin, magspray kayo ah ?" saka niya kinanatan ng tayo.

" Hoy ! saan ka pupunta ? First day mo ngayon, lalayas ka na agad ?" sinalubong siya ni Liz.

" Hay naku, I need some action. Baka maparalize ang katawan ko kung uupo ako maghapon. Isa pa, kailangan kong magcharge."

" ng cellphone ?"

" hindi. Ng utak. Sige na, mauna na ko sa'yo. I need to see my precious babies."

" may sumpong ka na naman. Sinong babies mo ?"

" the one and only. My d'note ! Xiao." She kissed her cheeks and walked away.

" Uminom ka ng gamot mo, baka matuluyan ka na !" pahabol pa nito. Kinawayan nya lamang ito kahit nakatalikod. Her friend knows her than anybody else. Kapag masama ang kanyang timpla, mapa trabaho o sa sarili, all she need is to meet some action para maconvert ang isip niya.

She's d oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon