" O ano, tapos na ba ang himagsikan ?" Bungad ni Liz sa kabilang linya. Numero agad nito ang idinayal ni Reika nang makarating siya sa cubicle matapos ang diskusyon niya with her Boss. Saglit lang siyang naghanap ng box para sa paglalagyan ng mga gamit niya habang nililinis ang dating pwestong ilang taon din na naging saksi ng lahat ng kanyang paghihirap sa trabahong halos iginugol niya ang pagkadalaga niya. Ni hindi na nga niya naisipang magboyfriend dahil sa lintik na mga assignments niya, outside. Sino ba naman kasing matinong lalaki ang magtityagang maging girlfriend siya samantalang lagi siyang may appointment kay kamatayan? O ngayon, nasaan siya ? hayan ! outside de kulambo na ang beauty niya sa department na 'yon. Ang tanong pa, may beauty pa ba siya ?
Sinulyapan niya ang sariling repleksiyon sa kanyang maliit na round mirror na nakalagay sa gilid ng kanyang computer. Kasing lalim na yata ng Pacific Ocean ang eyebags niya, dry na rin ang mga labi niya at mukhang tinubuan na ng mga maliliit na taghiyawat ang kanyang noo dahil sa alikabok na dala ng mga lugar sa Basilan na hindi pa fully develop ang mga kalsada.
My gosh ! what did she do to herself all those years ? mukha na siyang thirty plus at hindi twenty plus !
" Hey ! are you still there ? Wer n u, d2 na me !" bumalik sa kausap sa phone ang isip niya.Inipit niya ang phone sa pagitan ng tenga at balikat habang isa-isang inilalagay sa box ang lahat ng mga gamit sa ibabaw ng kaniyang working desk.
" Gaga, naririnig kita !"
" Akala ko kasi nagsuicide ka na eh."
" Huh ! asa ka pa ! Tapos na ang himagsikan, bumagsak na ang Bataan."
" Ano ? as in wala ka ng Bataan ? Bagsak na, at sa katulad pa ni Boss Ricky na D.O.M ?"
" Heh ! napakaberde talaga ng utak mo. Mangilabot ka nga ! Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Wala na. As in, gapi ang lola mo. No choice. Two days from now, Showbiz reporter na ko."
" Talaga ? Congrats ! Painom ka na !"
" Hayun .. lumabas din ang tunay na kulay. Isang bote lang pala ng beer ang katapat ng loyalty mo."
" Hindi ah ! bukod sa relief na hindi ka na matsutsugi sa paghahanap mo ng mga news report, I'm happy dahil magkakasama na tayo sa trabaho araw-araw. Ayaw mo ba nun ? at isa pa, bawal ako sa alak."
" Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha ko ? baka naman kapag nanganak ka e ako ang maging kamukha kaysa sa inyo ng asawa mo?"
" No problem, dear. Mas mabuti nga 'yon e para naman maging unique and extraordinary ang beauty ng baby ko, iyon nga lang .. sana mukha mo lang ang makopya at hindi ang ugali mo. Baka tumanda din dalaga, sayang ang genes."
" Hala ! gumaganun ka pa ?!"
" Sandali nga muna, may two days rest day ka diba ? Anong balak mong gawin sa buhay mo, gusto mo bang magcelebrate tayo para sa promotion mo ?"
" Promotion ? Sira ka talaga, transfer 'yon hindi promotion. Praning !"
" Hay naku, para sakin, promotion 'yon dahil finished ka na sa old habit mo. It's time for new environment. Panahon na ng pagbabago ! Mabuhay ang Pilipinas !"
" Praning ka na talaga ! Nakainom ka na naman ng maling gamot noh ?"
" Hindi ah .. Kulang lang ako sa siopao. Di ba, anak ?" narinig pa niyang tila hinimas nito ang umbok sa tiyan. Her friend is six months preggy with her first child. Ilang tao din nitong hinintay na makabuo silang mag-asawa. At sa awa ni Lord, naka-isa rin. Hayun, sure ball. Three points, lumobo sa wakas. He-he-he
" So, ibig sabihin niyan nagpapabili ka ng siopao ?"
" Ninang naman, gusto ko ng siopao na bola-bola. O narinig mo ang inaanak mo ?"
" Nasa tiyan pa 'yan pinapadelihensya mo na , Ang tindi mo talaga !"
" Hoy, for your information. Ang sabi ng mga matatanda, kung ano daw ang iniisip ng nanay, iyon daw ang iniisip ng baby sa tiyan nila. Kaya ibig sabihin nun, itong inaanak mo ang may gusto ng siopao. Ginagawa lang kasangkapan ang bibig ko. Inosente ako."
" Naku, at nangatwiran pa. Oo na, mamaya idadaan ko sa bahay mo. Ibawas mo 'yan sa pakimkim ah ! nakailang siopao ka na ba ? fifteen .. thirty .. forty five .." kunwa'y mahina siyang nagkwenta.
" Hoy, Reika Santianes ! Wala kang patawad. Napakakuripot mo talaga, pati inaanak mo dinadamay mo diyan sa kakuriputan mo. Baka mahawa pa sa iyo ang baby ko. Ikaw talaga." Kinanatan na lamang niya ng tawa. Sandali pa silang nag-usap, maya-maya lang ay nagpaalaman na sila.
Isa lang naman ang balak niyang gawin sa dalawang araw na bakasyon niya. Ang mag research tungkol sa kanyang latest assignment. Isang assignment na nuknukan ng sisiw. Walang effort. Hahanapan lang niya ng scoop at latest scandal ang isang sumisikat o sikat na yatang banda. Ang D'note. Isa sa top selling album hitmaker sa kasalukuyan. Kailangan niyang kumalap ng mga impormasyon tungkol sa naturang banda. Mas mabuti nang may background info siya tungkol sa mga ito bago siya pumasok sa eksena. Kumbaga sa giyera, kailangan niya ang back-up na maraming bala.
" Humanda kayo .. D'note. Isusumpa niyo na si Reika Santianes ang na-assign sa inyo. Ako ang magsisiwalat ng mga sikreto niyo. Patutunayan ko na sa kahit na anong field, walang makakatibag ng determinasyon ko. Sugod !" She even raise her one arm with her palm closed.
BINABASA MO ANG
She's d one
RomanceNabaligtad ang mundo ni Reika nang ilipat siya from field reporting to Showbiz report. Pakiramdam niya ay blessing in disguise ito dahil naka-face to face niya ang super crush na lead vocalist ng bandang assignment. Pero may problema.. Ang asungot n...