~ M E E T 17 ~

50 2 0
                                    

Blue's POV

Napagisip isipan namin na magrent nalang ng isang resort dito sa boracay. Pag sa beach kasi kami andaming mga nakatingin , at sabi naman ng 3 babae ay andami daw manyak. Ok lang yun para hindi na rin sila mabastos.

Nakakabuwiset pa nga sila. Sabi nila ako magbayad kasi ako ang pinakamayaman. Aba porke napakayaman ko ako na. Ano sila chix? Si Shana lang lol. Anyway naglalakad lakad ako dito sa resort ang ganda nya ha. Ayoko nalang idescribe nakakatamad.

Nakita ko si Ash nagmumuni muni. Tapos pasway sway pa ang buhok nya. Ang ganda nya, yan lang ang masasabi ko. Lumapit ako sa kanya at ginulat. Pero hindi ko inaasahan yung paggulat ko sa kanya nun, nadisgrasya pa kami.

"Hoyy panget!"

"Ayy butiki!" Napatayo sya at nalaglag kami sa swimming pool. Niyakap ko sya para hindi sya dumiretso dun sa ilalim.

"Ang shungengot mo! Nalaglag tuloy tayo." Sermon nya saken.

"Sorry naman. Over ka kasi magulat." Sabay tawa ko.

"Heh! Ang sama talaga ng ugali mo!" Sabay pout nya.

"Wag ka nga magpout!" Saway ko. Pagnagpapout kasi sya naaattempt akong ikiss sya eh. Hoyy Blue umayos ka!

"Bakit naman! Inggit ka lang eh kasi I have a soft and red lips. Ikaw amputla putla!" Oo nga may soft and red lips ka, kaya tigil tigilan mo yung pagpout mo.

"Ako putla! Baka gusto mong ipatikim ko sayo ang pinapangarap ng mga babae?" Nilapit ko sa kanya yung lips ko.

"A-ahh h-hehe hindi joke lang yun. Oo red lips ka din." Utal nyang sabi. Dapat di kana nagreact para natuloy na dapat.

"Hahaha takot mahalikan!" Asar ko. Dapat nga ako ang inaasar kasi wala pa akong first kiss. Kahit marami akong flings di ako pumapayag na halikan nila ako. Ano sila chix? Sineswerte naman yata sila.

"Syempre! Boyfriend ko lang dapat ang makahalik saken." Edi tayo nalang.

"Well, well, well. Iniwan lang naman pala kami para makipaglandian sa isang mayabang na lalake. Pero infairness bagay kayo" sabay lingon namin ni Shana sa nagsalita, si Alexa sino pa ba ang pinakamadaldal sa barkada sila lang namang magkambal.

"Kaganina pa kaya kami nakatingin sa inyo. Umamin kayo, kayo naba?" Ales

"Hindi noh!" Sabay naming sabi.

"Kung hindi, bakit kayo magkayakap dyan sa swimming pool?" Ayy puta hindi ko papala sya nabibitawan. Kaya binitawan ko sya. Tapos namula sya. Ang kyoot.

"Inalalayan ko lang sya!" Sabi ko naman

"Deny pa,." Sabi naman ni Keisler sabay akbay kay Ales. Ang landi .andyan na rin pala ang mga lalaki. Tumingin akk kay Chad, ang sama ng tingin nya.

Habang tinutukso nila kami, hinila ko yung paa ni Keisler, eh magkahawak sila ng kamay ni Ales, kaya napasama sya. Bwahahahahahaha!

"Sira ulo ka talaga Blue! Pero ok na rin yun, nagkauntugan lips namin ni Bebemalabs ko eh.hihi" ambakla naman neto. Kaya pala namumula si Ales. Tapos tinulak ni Alexa si Chad at Alex, tapos tumalon din sya.

"Hoyy Alexa, ang daya ikaw lang ang hindi nalaglag sa pool?" React ni Shana.

"Paraparaan lang yan mga girls." Alexa.

"Ang sasama talaga ng mga ugali nyo. Parang hindi ako kasali sa trip na toh ha." Napalingon kami sa nagsasaita. Oo nga nalimutan na namin toh. Haha. Umahon ako tapos sinama ko si Shana. Plano kasi namin itulak yung si Dustin.

"Hoyy Blue! San mo dadahin ang kapatid k--" hndi nya na natuloy yung sasabihin nya dahil natulak nanamin sya.

"Deputa! Kayong dalawa mamaya kayo sake--" Hindi nya na natuloy yung sinabi nya kasi nagpiggyback ride sa kanya si Alexa. Namula pa.

"Ayyiiiiieeeeehhhh"  Tukso namin.

"Namumula na si kuya! Uyyyy!" Asar ni Shana.

"Mamaya ka saken Ashana Dariana Lopez!" Dustin

"Kyaaaaahhh! Kinikilig ako!" Tili ni ales tapos bigla syang niyakap ni Keisler.

"Pabayaan mo na sila bebe malabs, sakin ka dapat kinikilig eh." Tapos hinalikan nya sa pisngi. Parang dati lang parang aso't pusa tong dalawang toh. Atsaka makachansing toh wagas.

"Tigil tigilan mo ko Keisler ha. Hindi talaga kita sasagutin" arte netong babaeng toh.

Nagulat ako ng bigla akong itulak ni Ash. Tulakan ba ito?

"Hahahahahaha!" Tawa nila.

"Wait lang! Mamaya bonfire tayo? Gusto nyo?" Si Chad tas nag oo kami.

"Tapos spin the bottle tayo ha!" Sabi namin Alex at tumango kami. Ang saya talaga ng araw nato. Dati kaming apat lng ang nagbabonding, ngayon kasama na sila Shana. At sa tingin ko Gusto ko na talaga sya. Ngayon lang tumibok ng mabilis tong puso ko.

Swimming lang kami ng swimming, pagkatapos namin magswimming, nagplano na kami magbonfire. Medyo lumamig lamig na kaya binigyan ni Chad ng Jacket si Shana. Si Dustin naman binigyan si Alexa ng jacket, ganun rin si Keisler kay Ales. Tumingin ako kay Alex.

"Oh!" Bigay namin sa isat isa ng jacket ni Keisler.

"BWAHAHAHAHAHAHA! Bromance dre!" Asar ni Keisler. Kaya binatukan ko ganun din si Chad.

"Heh! Tumigil nga kayo! Simulan na naten yung spin the bottle!" Sabi ko, makapangasar kase eh.

"Hahaha ok, ganto yun ha! Pag napatapat sau ang ulo ng bottle ikaw ang tatanungin tapos kung sino ang natapat ng pwet ng bote sya ang magtatanong." Instruction ni Alex.

Nagsimula na nga. Naunang naturo ay si Dustin at ang magtatanong siShana. Kala ko ako. Magkatabi kasi kami eh.

"Ahhmm sino ang crush mo dito? Walang magsisinungaling!" Sabi naman ni Ash. Sino naman kaya?

"A-ahhm a-ano s-si A-a-alexa." Sus, kaya naman pala.

"Ayyyiiieeeehhh.." Tukso namin. Si Alexa tawa lang ng tawa.

Sumunod naman na naturo si Ales. Ang magtatanong ay ako. Bwahahahaha.

"May gusto ka na ba kay Keisler?

To be continued...

Frenemies Love Affair?! (On-Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon