~ M E E T 22 ~ ( Part 2 )

45 3 0
                                    

( Sheh's Note: Ales picture on the side. Cute noh! ⇨⇨⇨⇨⇨⇨⇨⇨)

Blue's POV

Ang weird nya. Para syang naglilihi eh. Naglilihi? Don't tell me..

"Bakit ka ganyan kumain? Bbb-buntis kk-kaba?" Hindi maaari!

"Shunga! ( sabay batok saken ) Nasasarapan lang ako! Kaya ganto! Sapaken kaya kita dyan." Aray ang sakit ha!

"Ang saket nun Shana! Nakakainis ka!"

"Kasalanan mo yan! Eh virgin pa nga ko tapos sasabihin mo na buntis ako? Ayy bakit ko sinabe sayo? Ok lang yan bakla ka naman."

"Ako bakla? Geh tignan naten." Nilapit ko sa kanya yung muka ko at hiningahan ko sya. Mabango ang hininga ko noh, kahit kakakain ko lang. Inggit kayo noh.

"Aa-aah oo lll-lala-kk-ke ka." Hahahahaha! Ang cute nya talaga pagnamumula!

"Hahahahaha! Takot ka talaga mahalikan eh! Oh ano bakla pa ba ko?" I tease her.

"Tss. Oo na hindi na!" Asar na sabi nya. Pagkatapos namin kumain, pumunta kaming arcade. Pumayag na ko, aba ang tagal ko na ring hindi nakakalaro sa arcade noh.

Una naming pinuntahan ay yung basketball. Paramihan kami ng mashushoot. Nakakainis lang kasi panalo sya. Kaya ang parusa, ililibre ko sya ng Dairy queen. Takaw sa ice cream eh.

"Ang sarap talaga netong cookies and cream! Hahahahaha talo! Captain ka nga ng basketball team eh mas magaling naman ako magshoot sayo! Weaaaaak" asar nya sabay subo subo dun sa ice cream nya. Hindi na ko bumili. Ayoko nga ng ice cream. Hindi naman sa ayoko, mapili lang ako.

"Tss, pinagbigyan lang kita noh. Mukang hirap na hirap ka na kasi. Eh ako mabait na tao. Nagparaya nalang." Pero ang totoo nyan, mas magaling talaga sya saken. Nakakainis eh.

"Sus! Palusot mo Hunter. Hindi ka lang talaga magaling magshoot!" Aba hinahamon ako ng babaeng toh ah. *smirk*

"Hinahamon mo ko ah. Ge pagbalik daw natin sa pasukan may laban kami ng iba pang university. Remember Im the team captain. At mapapanalo ko yun. Basta pumunta ka para makita mo ang galing ko." Ang totoo nyan, hindi ko naman talaga sya pinapapapunta dahil nagmamayabang ako na magaling ako sa basketball, pinapapapunta ko sya kasi gusto ko sya maging lucky charm.

"Sige ba! Pag hindi ka nanalo, gagawin kitang slave at pag nanalo ka, gagawin mo kong slave. I think talo ka eh. Ganyan nga lang na laro, talo ka na eh, pano pa kaya kung mismong laro na? Hahahaha!" Putakte talaga ting babaeng toh. Pag ako talaga nanalo! Hahalik-- este papahirapan ko talaga sya ng over.

"*smirk* tignan lang naten." Sabi ko naman.

"Hahahahaha! Magready ka na! Papahirapan talaga kita ng over!" Sabi nya saken.

"Tara punta tayo dun sa may terrace, pahangin tayo." Sabi ko.

"Tsk, pede bang bukas na lang. Baka masira na yung manok na binili ko noh. Tara na!" Sabay hila nya saken papuntang parking lot. Tuwing tumitingin ako sa kanya, bumibilis ang tibok ng puso ko. Tulad ngayon tinitignan ko sya, parang nagiislow motion na naman ang paligid. Ganto ba talaga magmahal?

"Hoyy! Tulala ka nanaman dyan? Andito na po tayo sa sasakyan mo." Sabi nya saken.

"Ahh oo nga."

"Ano bang nangyayari sayo? Bakit parang tumahimik ka? Hindi ako sanay." Tumahimik ako? Well napapansin ko nga.

"Ahhh wala toh. May iniisip lang ako." Kung pano ka ligawan. Takte natotorpe ako.

"Hahaha, ok!" Pumasok na kami sa kotse at nagsimula na ko magdrive. Nagpatugtog ako. At sumasabay naman sya. Natatawa pa nga ko eh.

Frenemies Love Affair?! (On-Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon