~ M E E T 29 ~

42 2 0
                                    

Blue's POV

One week na kaming M.U ni Shana, at sobrang saya ko. Sana lagi nalang ganito. Kung sinasabi nila pag inlove ka, nadidistract ka. Dahil lagi mo iniisip ang mahal mo, pero mali sila dun. Infact naging inspiration ko pa si Shana. Nag-aaral na ko ng mabuti para maturn on sya saken at maging proud sya.

Andito ako ngayon sa rooftop, pinapapunta ako ni Shana dito eh. May sasabihin daw sya. Ano naman kayang sasabihin ng babaeng yun at kelangan pa talaga dito sa rooftop. Pero ok na rin yun, ng masolo ko sya. *hagikhik* pucha, ambakla!

Ang tagal naman ng babaeng yun. Sabagay inagahan ko ng 30 minutes kasi 3 hours akong vacant, may faculty meeting kasi yung prof ko sa physics. Tinext ko si Shana.

To: Shana Sungit

Bulol, nasan kanaba? Ang tagal mo!

-sent

From: Shana Sungit

Papunta na ko dyan payatot, ang aga mo naman may 15 minutes pa oh! Excited much?

To: Shana Sungit

Oo, basta ikaw ;)

Tapos hindi na sya nagreply, after a few minutes. Andito na rin sya.

"Napaghintay ba kita? Sorry nagCR pa ko eh." Paliwanag nya.

"Its ok, anyway ano ba ang sasabihin mo?" Sabi ko, tapos bigla syang namula.

"A-ano kasi. Pano ko ba toh sasabihin?" Bulong nya.

"Ano ba kasi yun? Favor ba yan? Ok sige gagawin ko."

"No, its not a favor. I think its about time."

"Its about time for what?" I asked.

"Sa tingin ko, napuno mo na ang 10% na kailangan ko sa pagmamahal mo." Natahimik ako, that means...

"So it means.."

"Y-yes. Tama ang iniisip mo. Kung papatagalin ko naman ang pangliligaw mo saken, wala namang magagawa yung pakipot ko eh. So now I decide to tell you my true feelinggs." Huminga sya ng malalim then she finally said the magic word that I've waiting for...

"I already love you, payatot"

Naspeechless ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sobrang saya ko pero hindi manlang ako makapagsalita sa gulat. Ganito pala talaga ang feeling.

"Hindi kaba natuwa? Hindi mo na ba ko mahal?" Tumingin ako sa kanya na medyo teary eyed.

"N-no, I-Im just, I-Im just Shocked. Finally natupad na rin yung pinapangarap ko! You know Im so very happy! I love you too," at niyakap ko sya.

"Thank you very much Hunter for loving me." And she kiss me, and I kiss her back. Finally I have my First Love, and I wish she's my Last love too. Hinding hindi ako magsasawa sa pagmamahal sa babaeng toh.

After that kiss.. may panirang dumating.

"Like ewwww! Super PDA!" May batang babaeng biglang sumulpot sa harap namin.

"Heyy little girl, what are you doin' here. Rooftop toh! Gusto mo ba malaglag?" Sabi ni Shana dun sa bata.

"Bakit magpapalaglag ba ko? Hello! I'm just boring in my Mom's office so I went here." Sabi nung bata, boyish yung bata. Pero conyo kung magsalita.

"Aba etong batang toh! Wag mo ko pinipilosopo! Pinagsasabihan lang kita!" Mukang nabadtrip yata, naistorbo kami eh.

"Don't you dare shout at me, Im big enough so I can handle myself." Mataray na sagot nung bata.

Frenemies Love Affair?! (On-Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon