~ M E E T 30 ~

50 1 0
                                    

Blue's POV

Haaayy na ko, nakakaOP dito. Yung date namin ng GIRLFRIEND KO! Eh tignan mo naman ang saya saya nila. Samantalang ako dito, nagiging alalay na nga naging utusan pa.

"Waaaaaaaahhh Kuya Blue! Bili mo ko nun! Bilis! Yayo naman kita! Ampanget mo kasi! Hahahahahaha!" Bwiset toh.

"Hahahahaha! Apir! Sige na Payatot ibili mo na! Ipagluluto kita mamaya sa inyo ng Afritada promise!" Nakakainis weakness ko talaga yung pagpapacute nya.

"Tss. Oo na!" Tapos yung dalawa todo ngiti naman! Close na sila noh? Eh magaling manguto ng bata yang si Shana.

After an Hour, natapos din yung DATE nilang dalawa! At eto namang bata, tulog na tulog! Aba 6 na noh! Sana forever na syang tulog! De joke XD!  At yung isa naman tulog din. Ginawa pa kong driver eh. Dumaan muna ako ng school para ibalik tong bata. Kinarga ko, at pumunta akong Dean's Office, iniwan ko lang saglet si Shana, nakalock naman yun, wag kayong mag-alala.

"Tita, eto na po yung anak nyo. Sobrang nag-enjoy, ayun pagod." Sabi ko.

"Hayyy! Salamat talaga ha! Nasan yung girlfriend mo?"

"Andun po sa kotse ko, mahimbing din ang tulog, sige po balik na ko. Bye tita!" Paalam ko at umalis na ko.

Umunta muna akong backseat para tignan ang babaeng pinakamamahal mo ko. Tinignan ko ang perfect na muka nya. Yung mata nyang mahaba ang pilikmata, matangos na ilong, maliit na mapupulang labi. Totoo nga yung sinabi nila, napakaswerte ko. Hinalikan ko sya, baka sakaling magising pero hindi talaga eh.

"Thanks for making me happy, kahit may istorbo sa first day natin, still masaya ako." At hinalikan ko nanaman sya. Eh sa nakakaadick eh, siguro kung kayo ang magkaroon ng gantong girlfriend baka narape nyo na. Joke. Bumalik na ko sa driver's seat para makauwi na.

*kring kring*

Tito JM calling..

Papa ni Shana natawag.

"Hello po Tito, napatawag po kayo? Tungkol po ba kay Shana? Don't worry po, iuuwi ko na sya."

( Oo tungkol kay Ash. Pede bang sa bahay ka muna kahit mga 1 week lang?, may Business trip kasi kami, sinama ko si Dustin, kasi kelangan din sya. At wala yung mga katulong, pinagbakasyon ko. May tiwala naman ako sayo Hijo eh.)

"Oh sige po tito, ngayon na po ba?"

( Oo, nakaalis na kasi kami, ngayon ngayon lang. Alam ko namang magkasama kayo eh. Tandaan mo! Wala kang gagawin sa anak ko. Malaman ko lang na may ginawa kayo, pananagutan mo ang anak ko!)

"Masyado ka namang advance mag-isip tito, hindi ako ganun noh!"

(Siguraduhin mo lang! Oh sige pupunta na kaming departure area, bye. Ingatan mo ang prinsesa ko!)

"Yes Tito, ingat din po." At binababa ko na. Wooohhh! Marami kaming oras para sa isa't isa! Dumaan muna ako sa bahay para magimpake, at dumiretso sa bahay nila. Tinignan ko yung bag nya kung may susi, meron naman dun sa I.D nya. Ang gaan naman ng babaeng toh, ang takaw naman. Dumiretso nako sa kwarto nya at nilapag sya dun. Tiningnan ko lang sya, tapos bigla syang nagising.

"Nasan si Cassy? Ba't andito na ko sa kwarto?"

"Si Cassy inuwi ko na sa Nanay nya. At ikaw inuwi ko na dito."

"Eh bakit andito ka?" At inexplain ko na sa kanya lahat, ok lang naman sa kanya. Bumababa na sya, sumama na ko. Magluluto kasi sya ng hapunan namin.

"Bulol, nasan yung susi ng Visitor's room nyo? Dun ako matutulog. Atsaka aayusin ko yung gamit ko eh."

"Wait hahanapin ko." Tapos umakyat lang sya saglit tapos bumababa sya.

Frenemies Love Affair?! (On-Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon