~ M E E T 19 ~

106 3 2
                                    

Blue's POV

Nagkwentuhan nalang kami. Pinakuwentuhan namin yung mga kinaiinisan naming mga teacher, mga kontrabida sa buhay, mga magulang etc. Umabot nanga kami ng 12am eh. Yung mga babae knockout na, I mean tulog na. Si Ales natutulog sa lap ni Keisler tapos hinahawi ni Keisler yung buhok nya.

Si Alexa naman tulog sa likod ni Chad, parehas silang tulog, magkalikod nga sila  eh. Astig. Si Shana naman ay tulog sa balikat ko. Buti nalang naghanda kami ng malaking malaking tent, nirent din namin. Ano kayang silbi ng hotel eh noh? Ok lang yun, nakachansing naman ako hahahahahaha. Pero inaamin ko na talaga, may gusto na talaga ako sa kanya. Hindi ko lang talaga masabi. Inaasar ko sya para mapansin nya ko. Luh! Drama ko nanaman.

Maya maya nakatulog na rin ako. -_-zzzzzzzzzzzz.

Kinabukasan..

Hayyy ang sarap talaga matulog, teka bakit may nakayakap saken? Ang galing naman nangyayakap na ang unan. Niyakap ko din pabalik ang unan na yun at inamoy amoy, ambango naman. Hinigpitan pa ng unan na yun ang yakap saken at tumanday. Hinigpitan ko din yakap ko sa kanya at may naramdaman akong buhok,. Buhok?

Dumilat ako at nakita ko ang muka ni Shana. Pucha! Bakit kami magkayakap? Habang tinititigan ko muka ni Shana, nagulat ako biglang may nagflash. Pagkatingin ko...

"Ang sweet naman! Inggit ako! Ales yakapin mo din ako bili!" What the pagkatingin ko sa paligid ng tent kami nalang pala ang tulog at nakita kaming nagyayakapan ni Shana ng mga ugok na yun.

Kumalas ako sa yakap ni Ash pero... "Ano ba! Dito ka lang teddy bear ko! Akin kalang! Hmmm bango bango!" Sabay amoy nya sa ken. Hala pagkamalan ba naman ako teddy bear.

Tumingin ako sa mga kabarkada namin, humahagikgik sila, pati kuya ni Dustin natatawa na. Except Chad, ang sama ng tingin saken. Kase nga may gusto yan kay Shana!

"Ang lamig naman! Yakapin mo naman ako teddy bear ko." Tapos hinila nya yung kamay ko at niyakap nya sa bewang. "Ang bango bango no talaga, pakiss nga!" Tapos hinalikan nya ko sa pisngi. Feeling ko tuloy nagbablush ako.

"Hoy Asul! Chinachansingan mo ang kapatid ko ah! Atsaka nananaginip yan lage ng teddy bear. Yung magkatabi kami, ganyan din ang ginawa nya saken. Lumayo ka nga!" Saway nya saken. Ibang klase tong si Shana eh. Natatawa tuloy ako.

Mga one hour ako nakahiga dito yakap yakap ng tulog na si Shana, at take note yakap ko rin sya. Kase pagkumakalas ako kinakagat nya ko. Sana lagi ka nalang tulog Shana, joke hahahahahaha.

Hayyyy nagugutom na talaga ako, ayaw pa kasi magiaing ni Shana eh, tulog mantika. At sarap na sarap pa rin sya sa pagyakap saken. Ganun na ba talaga ako kabango? Hayyy na ko. Pumikit nalang ako, kakainip eh, magteten na hindi poo a rin sya gising.

"WAAAAAAHH!" Napatayo ako sa sigaw ni Shana.

"Ano nangyari? Binangungungot kanaba?" Tanong ko.

Binatukan nya ko."Hindi ako binabangungot! Bakit kita kayakap? Anong gonawa mosaken? Ha? Ha?! Sumagot ka!" Sigaw nya saken.

"Anong ginawako sayo? Ang sabihin mo anong ginawa mo saken!" Sabi ko sakanya.

"Ako? May gagawin sayo? Wag mo nga baliktarin Hunter!" Saad nya, haaayy nako.

"May ginawa ka saken, pinagaamoy amoy mo ko, pinaghahalik halikan tapos pagkumakalas ako sa yakap mo, hinihila mo ko. Hindi ko alam Shana na ganyan ka pala makatsansing saken." Asar ko sa kanya.

"Hoyy lalake! Gawa gawa ka ng kw--" hindi nya natuloy yung sasabihin nya kasi sumingit si Alexa.

"He's right Ash, you raped him. I can prove it to you. And as far as you know, Im the president of ShanTer loveteam." Anong ShanTer nalalaman nito? "Look i took a video of it."

Frenemies Love Affair?! (On-Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon