~ M E E T 40 ~

45 0 0
                                    

Sheh's note: Exciting to' kaya basahin nyo! At magvote kayo! Pleaaaaassse naman oh! Atsaka magcomment kayo! Positive man o negative! Ready ako dyan!

-Ash's Point of View-

Ball na, at maraming excited. Ang saya kaya ng may mga ganto! Masquerade ang Theme pa! I'm so excited! Ang ganda kaya ng gown na isusuot ko.

Kasalukuyang minemake-upan ako ng make up artist na kinuha ni Papa. Sabi ko ako nalang mag make-up sa sarili ko pero sabi ni Dad, mas maganda pa rin kung iba ang magmemake up saken.

6pm pa ang start ng Ball, 4pm na ngayon kaya inaayusan na ko. Ang daming ek ek na ginawa sa muka ko, pati buhok ko pinakilaman kinulot nila yung dulo. Mga 5pm na yun natapos at nagbihis na ko. Tumingin ako sa salamin. Napanganga ako sa itsura ko. Ang ganda ko!

Busying busy ako sa pagseselfie nang tinawag ako ni Manang.

"Ash! Andito na ang iyong nobyo!" Sigaw ni Manang galing baba.

"Paakyatin nyo nalang po dito sa kwarto ko!" Sigaw ko. Selfie pa rin ako ng selfie ng biglang may nagphoto bomb.

"Ang ganda naman ng Shana ko." Sabi nya sabay yakap. Tinignan ko sya, ang pogi nya sa Tuxedo nya. Tapos nagpagupit sya. Ganun pa rin naman pero umiksi, tapos tinaas nya yung buhok nya. My boyfriend is really handsome.

"Tulala ka dyan? Ang gwapo ko talaga no'? Ok lang pagnasahan ang muka ko, girlfriend naman kita eh. Yiieeh kilig kilig." Pang-aasar ng bwiset. Sinikmurahan ko nalang.

"Ilang aircon ba ang nandyan sa katawan mo ha?! Ako kaya itong maganda! Anyway selfie tayo!" Sabi ko sa kanya at sumang-ayon naman. Nakailang shots kami. Adick nga eh, puro kiss sa pisngi ko ang ginawa nya. Pero masaya naman kaya inupload ko.

Caption: Selfie with my boyfriend, Blue Hunter Mendoza. Papuntang ball. —with Blue Hunter Mendoza

Umalis na rin kami, magsisix na eh. Baka malate pa kami. Pagkapasok ko sa kotse nagfb ulit ako. Meron namang wifi dito sa kotse ni Hunts eh. Chineck ko ang dami agad likes. Tapos marami ding nagcomment.

Comments:

"Sayang! May boyfriend na!"

"Kyaaaahhh you look good together!"

"Mas lalo ka pong gumanda sa itsura nyo! You're a Goddess!"

"Ampogi talaga ni Papa Blue! Swerte mo Gurl!"

"Mas swerte si Papa Blue! Danda ng girlfriend nya! Wala tayong panama!"

Etc, etc, etc......

"Busying busy ka dyan?" Tanong ni Hunts habang nagdadrive.

"Eh kasi ang daming naglike at nagcomment sa pic natin eh. Puro positives pa! Swerte mo daw sakin!" Pang-asar ko.

"Mas swerte ka saken! Heartthrob yata to'" sabi nya, yabang talaga eh.

"Edi wow! Hangin eh!" Sabi ko pero tumawa lang sya. Cute!

-Blue's Point of View-

Nakakatulala talaga ang ganda ng girlfriend ko ngayon. Totoo ang sabi nila, she's a Goddess.

Andito kami ngayon sa Ball, Hotel. at parang gusto ko manapak ng mga lalaki ngayon eh. May mga sarili silang date ha? Pero nakatingin sila sa girlfriend ko! Tss nakakabwiset!

"Huy! Nakabusangot si Hunts ko?" Tapos kumapit sya sa braso ko.

"Kiss mo ko para mawala?" Sabi ko ng mamatay sila sa inggit.

"Ihh, nakakahiya! Ang daming tao." Sabi nya sakin.

"Sige na! Kahit sa cheeks lang oh!" Tapos nagpout pa ko.

Frenemies Love Affair?! (On-Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon