Chapter 9

5.6K 203 0
                                    

Diana's Pov

Nanghihinang napa-upo ako dahil sa gulat na biglang pagk-confess niya. Damn. Is this real? But I think it's not right. Our parent will marry each other soon. It's not okay!

Tulala akong pumasok sa resthouse nila at umakyat sa kwarto namin sinigurado ko munang wala siya doon at nang makitang wala ay dumiretso ako doon.

"Hay salamat" nakahinga naman ako ng maluwag nang makapasok ako doon ng hindi siya nakakasalubong kaya naman dumiretso ako sa loob ng kwarto ko.

Wala sa sarili akong napahiga sa kama at tsaka tumitig sa ceiling ng kwarto. Haysss. Naalala ko nanaman ulit ang pagc- confess niya sa'kin kanina. Bigla namang kumalabog ang dibdib ko. Shit. Kinakabahan talaga ako tuwing lumalapit 'yon ng gano'n ka seryoso. Tapos. Shit pa'no ko siya titignan ngayon? It's awkward.

"Hija? Gising na. Kakain na tayo" bahagyang tapik ni tita na nagpagising saakin. Nilibot ko naman ang tingin sa buong kwarto para tignan kung nandito ba si Brenz.

"Si Brenz ba? Wala pa 'yong batang 'yon." Sabi niya. Napaahon naman ako at tinignan ang orasan at nakitang 8 na ng gabi. Wala pa? Anong oras na ah?

"Baba na hija kakain na tayo" sabi niya tumango naman ako. Ngumiti siya saakin at naunang tumayo. Nagpaalam naman ako na susunod nalang ako.

"Sige bilisan mo na ah? Paki-tawagan na nga din pala si Brenz ah? It is okay?" Huh? Ako? Bakit ako? Gusto kong sabihin ngunit nahihiya naman ako kaya wala akong nagawa kundi ang tumango sa kaniya.


"O-okay po, tita."


"Sige salamat ah?"

Pagkalabas ni tita ay kaagad kong dinampot ang cellphone at nagpunta sa veranda at tsaka sinubukang tinawagan si Lucifer.

Pagka-tawag ko ay may nag-ring naman sa loob ng kwarto kaya hinanap ko 'yon. Is Lucifer's here? Kaagad kong nakita ang Callphone niya na nakapatong sa isang table lang doon. Only his phone.

Naiwan niya ang cellphone niya? Napabuntong hininga naman ako ng malalim.

Bumaba naman ako habang dala ang cellphone niya. Naabutan ko naman sila daddy doon na magsisimula palang kumain.

"Hija na-contact mo na?" Tanong ni tita sa'kin.

"Hindi po tita eto po 'yong cellphone niya. Naiwan po kaya 'di ko rin ma-contact." Sabi ko at tsaka iniabot ang cellphone sa kaniya. Nailing-iling naman siya.

"Hay nako 'yong batang 'yon talaga. Kung kailan kailangan doon pa iniiwan. Hayaan mo na't kumain na tayo. Uuwi rin 'yon baka naglilibot lang sa tabing dagat or namamangka na hiniram kay Mang Karding" sabi nito. Tumango naman ako sa kaniya kaya kumain na kami.


8:40 tapos na kaming kumain and still no sign of Lucifer.

"Tita anong oras po uuwi si Luc----i mean Brenz?" Muntik ko ng masabi ang Brenz baka kung anong isipin ni Tita na demonyo na demonyo na talaga tingin ko sa anak niya or I'm just overthingking.

"It's okay to call him Lucifer it's his name anyway. At kung anong oras baka maya-maya din nandiyan na 'yon" nakangiting sabi ni tita.


"Sige po. Antayin ko lang po sa labas tsaka papahangin nadin po" nakangiting sabi ko.

"Sige hija. Magdala ka ng pang-doble kasi malamig sa labas. Sige na at ako'y aakyat na sa itaas." Paalam ni tita.


"Sige po tita" nakangiti kong sabi.


"O siya sige na. Mag-ingat ka ah? Kapag masiyado nang malalim ang gabi at wala pa siya eh mauna ka nang umuwi ah? H'wag ka din masiyadong lalayo ah baka magkasakit ka pa or maligaw. Ingat ka hija." Sabi ni tita.

"Opo. Sige na po tita."

"Sige sige. Good night."

"Good night po…" at tsaka siya kiniss sa pisnge.

Pagkatapos sabihin ni tita 'yon ay umakyat ako sa itaas para kumuha ng pang-doble at tsaka bumaba pagkatapos ay lumabas na.

Nasa labas na ako ngayon sa tapat ng resthouse at tama si tita malamig na nga.



Nasaan na kaya ang Gagong 'yon? Gabi na ah? Namamangka pa.


"Aishhh! Ang lamig naman!" At tsaka mas niyakap ang sarili.

Nilingon ko ang langit at nakitang walang bituin. Ang sabi ni Mommy kapag daw walang bituin sa gabi ay uulan ibig-sabihin ba nito uulan?


Nilingon ko naman ang dagat kung saan may t'yansa na nandoon si Lucifer dahil sa sinabi ni tita na baka nag-bangka nga siya. Napansin ko din ang paglakas ng alon. Shit where the fuck are you Brenz Lucifer?

Damn uulan? Ay shiiitttt. Lucifer asan ka na baaaa?

I looked at the sky at naramdaman ang unti-unting pagpatak ng malalakas na ulan na ikinataranta ko at nilingon ulit ang dagat na may malalakas na na alon.

"Shit Lucifer asan ka na? Bumalik ka na naman"


Kanina ay mahihina pa ngayon ay bumuhos na talaga ang ulan na mas ikinataranta ko.


"Lucifer!" Sigaw ko sa bandang dagat.

"Shit asan ka?!" Ngunit para lang akong kumakausap sa hangin.

"Hey! Magpakita ka naman!"

"Asan ka na?!"


Ngunit ala paring sumasagot.



Kalahating oras na mag-aantay at wala parin siya. Randam ko narin ang lamig ng aking mga balat dahil sa ulan na kanina na walang tigil.



Muli kong tinignan ang dagat at bagsak ang balikat at walang magawa na bumalik nalang sa resthouse nila dahil tingin ko ay sisipunin ako.


Pag-balik ko doon ay ang saktong pagdating naman ng hinahanap ko. Funny. Hinahanap ko siya busy pala sa iba.


"Salamat ah?" Nakangiting sabi nito sa babaeng kasama niya sa payong.

"Walang anuman kuya!"

"Pasensya na at 'di kita masamahan pabalik"


"Walang anuman po. Sige na po pasok na po kayo"

"Sige sige. Salamat ulit. Mag-ingat ka ah?"  At tsaka nginitian ng matamis ang babae.

Pagharap sa pinto kung nasaan ako. At para siyang na-estatwa doon at nanlalaking mata habang nakatingin saakin.

Umiling naman ako sa kaniya at tsaka pumasok sa loob ng resthouse at tsaka dumiretso sa loob ng kwarto at pumasok sa banyo. Kapag pasok ko doon ay tumingin ako agad sa salamin at napansin ang luhang tumutulo na pala sa aking mga pisnge. Hinilamusan ko 'yon ngunit hindi 'yon mapigil at tuloy-tuloy sa pag-agos.

Hindi ko malaman kung bakit nagkakaganito ako. Naiiyak ako sa 'di malamang dahilan. Dahil ba doon? No it's not. Napuwing ako. Siguro nga.
------+--------

My Playboy Step-BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon