ALPHA - 02.

155 7 5
                                        


w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

ALPHA - 02.

Nasa kanilang dorm na ang pito kasama si Oppa Ojay. Nang tuluyang makaalis ay kaagad na pumasok si Max sa loob at dumiretso sa kaniyang kwarto. Sumunod na rin sina Jayson, J at Gift. Sina Alpha, Ace at Joker ay dumiretso sa kanilang living area, nagsi-upo sa mahabang sofa at binuksan ang flatscreen TV.

"Ibaba mo nga 'yang paa mo, Joker," sabi ni Alpha na nasa kaliwa niya. Sa paanan ni Joker nakaharap ang stand fan, at umaalingasaw ang baho ng kaniyang paa.

"Hindi ka yata naglagay ng foot powder," nakangiwing sabi ni Ace. "Diyan muna kayo, maghahanda na ako ng makakain."

"Okay!" sabi ni Joker sabay baba ng mga paa. "Anyare sa'yo, Alpha? Aren't you happy---" Natigilan siya at natawa sabay takip sa bibig. "Wow! I'm English speakening!"

"Ingay mo," walang-ganang sabi ni Alpha na hindi man lang nilingon si Joker. "Masaya naman ako. May iniisip lang ako."

"Sino?"

"Anong sino?"

"Sinong iniisip mo?"

"Wow, por que may iniisip lang e sino na agad?"

"Haha! Ewan ko ba kung isa na sa ating For.One ang iniisip mo---" Doon na siya nilingon ni Alpha sabay bigay ng isang masamang tingin. "Oo na, mananahimik na."

"Hayyy, bahala ka sa kung anong iisipin mo. Sabagay diyan ka naman magaling."

"Wow! You're so harsh naman." Napahawak sa kaniyang dibdib si Joker at umastang umiiyak.

Sa kabilang banda..

"Hoy, Jayson! Nasa'yo pala ang underwears ko!" sabi ni Gift habang inis na lumingon.

"Gift, lower down your voice," sabi ni Ace.

Mayamaya. . .

"Huh! Sa'yo lahat ng underwear na 'yan!?" Gano'n na lamang ang kaniyang reaksyon nang makita ang natuklasan ni Gift.

"Oo! Ikaw Jayson, ah? Pati ba naman underwear ko pinapakialaman mo?"

"Hahaha!" pagtawa ni J. "Anong nangyayari------Walangya! Kay rami namang brief na 'yan!"

"Aba, teka! Teka!" sigaw ni Jayson. "Hindi naman ako ang nangialam niyan e!"

"Weh???" tanong nina Ace, Gfit at J.

"Ang kulit, hindi nga ako," nakasimangot na aniya. "Hindi ko naman alam na nasa damitan ko 'yan. And worst, naghalo pa sa underwears ko!"

"Oh e di pa'no na 'yan?" tanong ni Ace. "Anong mga palatandaan niyo?"

"Basta puro itim sa 'kin." Mas sumimangot si Jayson. "Si Gift naman e mahilig sa makukulay na ganiyan."

"Oh siya siya, Gift, kunin mo na 'yung sa'yo. At ikaw, Jayson, secure your things. At baka may nang-ti-trip na sa'yo------Max???"

"Si Max!" si Gift. "Max, ikaw pala---"

Biglang bumulaga si Max na nakangiwi.

"Ano ka ngayon? Hahaha!" Lalo siyang natawa dahil sa reaksyon ni Gift.

"Ya, ikaw ba ang kumuha ng underwears ni Gift?" kaagad na tanong ni Ace.

"Hoy, umamin ka na," sabi pa ni J.

"Oo ako nga. Si Gift naman kasi e, kinuha niya 'yung letter na sana ay ibibigay ko kay Marina," aniya. "Tapos, binasa pa niya."

"Sus, kaya ginantihan mo?" si Ace sabay lapit kay Max. "Say sorry."

"'Uy Gift, sorry na. Hindi ko naman sinasadya," seryosong aniya sabay lingon kay Jayson. "Maknae, sorry na. Napag-trip-an pa kita. Dahil sa mahilig kang mangialam ng gamit ni Gift, so kaya nagawa ko 'yon. Sorry sa inyo."

"Apology accepted, Jayson? Gift?"

Lumapit si Ace kina Jayson at Gift sabay senyas kay Max na lumapit rin. At para maganda ang moment, umalis sa eksena si J at nakipag-usap kay Joker.

Si Alpha naman ay dumiretso sa kwarto para mag-impake. Maaga pa siya bukas.

"Apology accepted," sabi ni Gift. "Sorry rin, Max. Pangako, hindi ko na papakialaman ang lahat ng bagay na may kaugnayan kay Marina."

"Apology accepted," sabi ni Jayson sabay tawa. "Kay Marina ka ba makikipagkita?"

Napangiti si Max pero agad niya ring itinago ang saya. Natawa sila at sabay-sabay na nagtungo sa kusina.

"Gusto niyo ng adobo?" tanong ni Ace sa lahat.

"Oo, 'yung may kasamang chili, ah?" Lumingon sa kaniya si Gift.

"Hindi ba't ayaw mo sa maanghang?" tanong ni J.

"Sa adobo, okay lang."

"Okay," sabi ni Ace. "Nasa'n si Alpha?"

"Nag-iimpake daw," sagot ni Joker sabay ngiwi. "May babae siyang iniisip, sure ako!"

"Weh???" tanong ng lima maliban sa kaniya.

"Aba't----E di h'wag kayong maniwala," aniya sabay higa sa mahabang sofa.

"Baka ikaw ang may iniisip na babae," panunukso sa kaniya ni Jayson.

"Ikaw maknae, ah? Lakas mo nang mang-asar!"

"Luh, sorry na. Hehe, peace!"

"By the way, bakit ang ingay-ingay niyo kanina? At anong underwears??"

Nagkatinginan ang lima at naghalpakan ng tawa.

'Ay sige, magtawanan kayo.' - Joker.

w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

"Argh!" sigaw ni Alpha sabay unat ng mga braso't kamay. Napalingon siya sa wall clock na nasa gawing kanan ng kaniyang kama. "06:38 am. Ay, hindi pala ako nakakain.."

Kaagad siyang naglakad palabas ng kwarto. At mula sa hagdanan sa may di-kalayuan pababa, patungong kusina. . .

🎶'IT'S A LOVE SHOT..'🎶

Nang tuluyang makababa ay nakita niya sina Ace, Gift at Joker na sumasayaw ng Love Shot ng EXO, at si Jayson ang taga-video. Sina Max at J ay nasa kusina, abala sa paggawa ng almusal.

"Good morning," pagbati niya sa kanila.

"Oh Alpha," sabi ni Ace. "Hindi ka kumain kagabi."

"Hindi ko napansing nakatulog na ako e," aniya.

w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

Nagsama-sama sila sa hapag.

Pagkatapos manalangin ay masaya silang kumain.

"Pft!" ani Max. Muntikan na niyang maibuga ang fried rice na nasa kaniyang bibig sa pagmumuka ni Alpha na ayon, walang pakialam sa kung anong nangyayari. Tahimik lang siya habang kumakain.

"Magkita-kita nalang tayo after one week." Natahimik ang lahat nang magsalita si Ace. "Nag-book ako ng flight papuntang Seoul. After an hour ay kailangan ko nang umalis."

"Susunod ako sa kaniya," sabi ni Jayson. "Makikita ko na sina kuya sa wakas at sana pati rin si papa."

"Makikita mo rin siya," sabi ni Alpha.

"Sasabay ako kay PDnim sa Laguna," sabi ni Gift.

"Pupunta na lang kami ni J sa HongKong para mag-Disneyland!" sabi ni Joker.

"Pupunta rin kami do'n ni Marina," si Max. "Ikaw, Alpha?"

"Pupuntahan ko si Yhena."

w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w


1st.One Series: The Dream Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon