w(°o°)w
1ST.ONE - 04.
06:00 pm, nasa NAIA na sina Alpha at Yhena. Patungo na sila sa Gate 3 nang mapansin ni Alpha ang tatlong lalaki na nakasuot pare-pareho ng black hoodie.
"Wait.'
Natigil si Gift sa paglalakad nang may marinigang boses. "Alpha?"
"Ha?" sabi ni J sabay lingon. Napalingon na rin si Joker.
"Kayo nga.." Lumapit sina Alpha at Yhena sa kanila. "Akalain mo at nagkasabay-sabay pa tayo."
"Malay mo nasa iisang eroplano lang tayo," sabi ni J. "Siya si Yhena?"
"Si Yhena?" ani Joker.
"Hi, ako si Yhena." Nginitian niya ang tatlo. "Nice to finally meeting you all."
"Hmm, so ikaw pala ang babaeng iniisip niya.." Natawa si Joker nang mapansin ang masamang tingin ni Alpha sa kaniya.
"Nakapunta ka ba sa first fan meeting namin last Wednesday?" tanong ni Gift.
"Hindi.." sagot ni Yhena. "Pero si Aya, close friend ko, nakapunta siya."
"Ah.."
"Tara na. At baka maiwan tayo," sabi ni J.
Tuluyan nilang pinasok ang Gate 3 at pumila kasama ng iba pang pasahero.
"Hmm, totoo nga ang sabi ni Aya," sabi ni Alpha. "Naglabas ng public statement si Max."
"Nakita na rin namin 'yon." Lumingon si J kay Alpha.
"E kayo ba?" tanong ni Gift.
"Haha, anong kami?" kabadong tanong ni Yhena.
"Ano nang ganap sa inyo? Hindi ba't mag-ex kayo?" tanong ni Joker.
"Nagkabalikan na ba?" tanong ni J.
"Nagkabalikan na kami, kaso pahuhupain muna namin ang sitwasyon ngayon. Saka, wala pa naman kaming balak na maglantad sa publiko," sabi ni Alpha. "Though iyon din naman talaga ang balak ko. Pero hindi muna ngayon."
"Ayoko muna ng issues. Though may ilan nang nakakaalam.." dagdag pa ni Yhena. "Hayaan na lamang muna natin ang kila Max."
"Ano pa nga ba? Saka, sa tingin ko naman ay okay sa Entertainment ang pag-de-date nina Max at Marina," sabi ni J.
"Total at childhood friends sila.." sabi ni Joker.
"Si Jayson?" tanong ni Alpha.
"Nag-update siya sa Facebook," sagot ni Gift. "Nasundo na siya ni Ace. Nagmula pa daw sya sa Busan Airport. Wala na daw kasing available sa Seoul no'ng nag-book siya."
"Ah.."
Mga ilang minuto ang nagdaan ay palapit na sila sa eroplano.
"Patingin nga ng seat numbers niyo," sabi ni J.
"Okay, sinadya 'to," asik ni Gift.
"Magkasunod ang sa'min," sabi ni Joker. "Ang layo mo mula sa'min."
"Siya siya," sabi ni Alpha. "Akyat na."
Nagsi-akyatan na sila patungo sa loob ng eroplano. At kaagad na hinanap ang seat nila.
w(°o°)w
"Ace," pagtawag ni Jia.
Nasa isang building sila malapit sa Entertainment. Giniya ni Minje si Jayson sa kaniyang tutuluyan. Sina Jia at Ace ay nasa may gilid ng lobby.
"Hmm?" Niyakap patagilid ni Ace si Jia. "Nagtataka na rin si Jayson. Hindi mo halata? I think ngayon pa lamang ay nagsabi ka na. Nasa malayo lang ako, titingnan ko kayo. Oh kaya naman ay sasamahan kitang magsabi sa kaniya."
"Kinakabahan ako.."
"Don't worry.."
"Hmm." Tumikhim si Minje kaya napalingon ang dalawa.
"O-Oh.." Napalingon si Jia. "Where's Jayson?"
"Organizing his belongings. Come on, we'll have dinner together."
"Isn't still early? Why don't we wait for the others?" Sila Alpha ang tinutukoy ni Ace.
"Oh yeah," pagtawa ni Minje. "Let's just get some snacks. I bet we're all hungry."
"Ah, let's go."
Kaagad silang dumiretso sa isang stall sa labas ng building. Naroon ang malaking tent na sinisilungan ang mga lamesa't upuan.
"Any order would be okay, right?"
"Yeah, thanks Minje."
"Sure." Iniwan niya sina Jia at Ace at kaagad na umorder.
Mula sa lobby ng Entertainment ay lumabas si Jayson na nakasuot ng checkered polo at black pants. Nang natanawan si Ace ay dire-diretso siyang naglakad palapit sa kaniya na kasama si Jia.
"Jayson.." Nag-angat ng tingin ang dalaga sa kaniya.
"Hey," si Ace. "Maupo ka. Mag-snacks muna tayo. At hihintayin natin sila Alpha. Sa tingin ko ay nasa flight na sila."
"Ah okay." Umupo siya sa upuang katabi ni Ace. "Kamusta ka, Jia?"
"O-Okay naman.." sagot ni Jia. Mula sa ilalim ng lamesa ay pinisil ni Ace ang kaniyang kamay. "Ikaw? Nakapag-ayos ka na ng gamit mo?"
"Oo naman. Malaki din ang ipinagbago ng tinutuluyan ko ngayon."
"Sinabi mo pa," sabat ni Ace.
"Matanong ko nga, kayo ba?" Tiningnan silang pareho ni Jayson.
"Anong kami?" tanong ni Jia.
"Alam mo na 'yon."
"You mean in a relationship, gano'n?"
"Hmm. So ano nga kayo?"
"Mutual understanding.."
"Uhm, masyadong mabilis ang pangyayari e," sabi ni Ace.
"Ah, so may public statement rin kayo?" Tiningnan lamang sila ni Jayson.
"Wala---------pa." Sabay na sinagot iyon nina Ace at Jia.
"Nabalitaan namin na naglabas ng public statement ang Entertainment about kina Max at Marina. Don't tell me, hindi niyo pa alam?"
"Alam namin," sabi ni Ace. "At magpapahupa muna tayo ng sitwasyon. Alam nating maraming fans ang nabigla at may nasasaktan din. I hope lang na sana matanggap nila. At sana hindi niyon mabawasan ang kanilang pagsuporta at pagmamahal sa atin."
"I'm sure naman na hindi," sabi ni Jia. "Magkakakilala tayo nina Alpha at Ate Yhena pero hindi natin alam ang dahilan ng hiwalayan nila noon. At ito nga, sila na pala ulit."
"Alam ko ang dahilan," sabi ni Ace. "Ang alam ko lang talaga is nagparaya si Yhena para sa kanila, and para sa pangarap namin ni Alpha. Eventually, mukhang nagkaunawaan na sila since sila na ulit."
"Para silang nagkaroon ng cool-off."
"Kayo?" Napalingon muli ang dalawa kay Jayson. "Anong meron na sa inyo ngayon?"
"Hmm, ewan ko," natatawang sagot ni Ace. "Ang masasabi ko lang, unforgettable day ang Thursday."
"Bakit?"
"Kasi nakilala ko na ang babaeng makakasama ko everyday."
"Wow, Thursday at everyday napag-rhyme mo. Ayos ah."
"Ako pa ba?"
"Yabang," bulong ni Jia.
"Ha?"
"Wala!---"
"Yabang mo daw," sabi ni Jayson.
"Ya!"
"Oh bakit? Hindi ba iyon ang sinabi mo?"
"Hay, manahimik ka na lang."
'Magkapatid nga sila, nagbabangayan. Haha!' - Ace.
w(°o°)w
BINABASA MO ANG
1st.One Series: The Dream
Fanfiction[completed] 1st.One Series: The Dream 1st.One Ace, Max, Alpha, J, Joker, Jayson and (forever) special member Gift. [Book 1 of 1st.One Series] Sa tingin ninyo, ano ang mas maganda, unahin ang pangarap o ang pag-ibig? E why not love the dream, 'di b...
