w(°o°)w
ALPHA - 05.
Sa pagmamaneho ni Alpha ay narating niya ang apartment building kung saan nakatira si Yhena. Sa may di-kalayuan ay may daan doon papunta sa open field area. Doon siya dumiretso.
"Manong, pakihinto," sabi ni Yhena nang makita ang kotse'ng sinakyan ni Alpha.
Nang makapagbayad ay kaagad na umalis ang taxi. Ang malawak na daanang iyon ay naging tahimik at malamig. Sa may kalayuan ay naroon si Alpha, naglalakad patungo sa open field area.
May nakita siyang duyan, naupo siya sa isa na naroon. Napapikit siya.
"Alpha!" sigaw ni Yhena.
Napamulat siya, at nagulat dahil nasa harapan niya ito.
"Hmm, bakit?" tanong niya.
Walang kasingganda ang kaniyang boses, ika nga ni Yhena.
Umupo siya sa katabing duyan. "Uhm, 'yung mga sinabi ni Aya.."
"Hmm?"
"H-Hindi 'yon totoo. Ginu-good time ka lang no'n." Hindi man lang lumingon si Yhena kay Alpha nang sabihin iyon. Nasa malayo ang kaniyang paningin.
"Ah, gano'n? Muntik na nga akong maniwala e." Natawa si Alpha sabay lingon kay Yhena na nakatingin pa rin sa malayo. "'Yung totoo?"
"Wala talaga akong bago simula noong maghiwalay tayo," pahina nang pahinang aniya at tuluyang nagbaba ng tingin.
Bumuntong-hininga si Alpha. "Hindi pa pala ako nakakapag-sorry. 'Yung maayos at sinserong sorry," mapait na aniya. "How stupid am I.."
Hindi nagsalita si Yhena, kaya muling nagsalita si Alpha. "Yhena, I can say naman na kahit naghiwalay tayo ay mukhang okay na okay ka.."
"Hindi rin. Isang buwan ko ring iniyakan 'yung time na nakipaghiwalay ka sa'kin. Ano pa bang magagawa ko? Mahal kita, at mahal mo ako. Pero mas mahal at importante sa iyo ang iyong pangarap," aniya sabay angat ng tingin. "Nagparaya ako para sa atin. At tingnan mo nga naman, mukhang nagbunga ang lahat ng pagsisikap mo. Nagbunga ang pagsisikap ninyo bilang isang grupo. Masaya ako, lalo na't nagkita tayong muli."
"I-I'm really, really, really sorry, Yhena. Kung pwede ko lang ibalik 'yung panahong tayo pa," mahinang ani Alpha, ang boses ay may bahid ng kalungkutan at panghihinayang. "Kaso.."
"Kaso?"
"Kaso hindi ko na alam kung may nararamdaman ka pa sa akin."
"Alpha," aniya sabay hawak sa kaniyang kamay. "Paano kung sabihin ko sa'yo na hindi kailanman nagbago ang aking nararamdaman para sa'yo?"
Nagugulat man ay naglakas-loob si Alpha na muling hawakan ang kamay ni Yhena. Muling nagkahawak ang kanilang kamay.
"Bakit ang lamig ng kamay mo?" Nagtatakang pinakiramdaman ni Alpha si Yhena. "Teka, nilalamig ka na ba?"
"Medyo, hehe."
"Siya tara sa kotse." Tumayo si Alpha sabay alalay kay Yhena na makapasok sa loob ng kotse.
"Salamat."
Nang makapasok na si Alpha sa loob ay binuksan niya ang heater.
"Sigurado ka ba sa sinabi mo Yhena?" tanong niya, ang mga mata'y nagsisimulang magningning dahil sa tuwa.
"Alin?"
"'Yung kailanman ay hindi nagbago ang nararamdaman mo para sa akin.." nangingiting aniya. "Totoo ba 'yon?"
"Gusto pa rin kita. Mahal pa rin kita. At kahit sa ikalawang pagkakataon, ay handa akong maging tayo muli." Tiningnan ni Yhena si Alpha at pareho silang naging seryoso. "Gusto mong patunayan ko?"
"Hmm? Paano?"
"Kailangan ba talagang ako ang mauna?" Natawa siya at biglang nakarandam ng hiya.
"Ang alin?" Natawa na rin si Alpha.
"Uhm, ano..."
"Ano?"
"Bahala na." Yhena scooted near Alpha as she wrapped her arms around his neck.
While looking up to his handsome face, natulala sandali si Yhena. Nagsimulang gumalaw ang mga kamay ni Alpha mula sa balikat niya, hanggang sa mapunta iyon sa kaniyang bewang, at doon iyon nanatili. Mas inilapit pa ni Alpha si Yhena sa kaniya.
"What will you do now?" nakangisi na niyang tanong. "Is it something that we both miss doing with each other?"
Inilapit ni Yhena ang sarili sa mukha ni Alpha, and within seconds ay naglapat ang kanilang mga labi. Napaupo si Yhena sa mga hita ni Alpha, at mas lumalim ang kanilang paghahalikan.
Pareho nilang hindi inaasahan na doon sila aabot.
Marahang ihiniga ni Alpha si Yhena, ang mga braso't binti ay nakapulupot sa kaniya. Pareho silang sabik sa isa't isa.
Pareho nilang na-miss ang isa't isa.
Pareho silang hindi makapaniwala, na muli iyong mangyayari sa pagitan nilang dalawa.
Bahagyang inilayo ni Alpha ang kaniyang sarili mula kay Yhena, at namula siya. Kagat-labi niyang muling inilapit ang sarili, at muling hinalikan ang babaeng pinakamamahal. This time, mas malalim at mas mainit sa pakiramdam.
Speaking of mainit, nagulat siya nang dahan-dahang tanggalin isa-isa ni Yhena ang mga butones ng kaniyang suot ng polo.
"A-Anong ginagawa mo?" Hinawakan ni Alpha ang kamay ni Yhena na nasa kaniyang polo.
"Ayaw mo?"
"Hindi naman. Nagugulat lang ako."
"Bakit? Ngayon na lang ba ulit ito nangyari sa'yo?"
"What do you mean? Ikaw lang naman ang una at huli ko."
"Gano'n?" Nang tuluyang matanggal mula sa pagkakabutones ang polo ay si Alpha na mismo ang nagtanggal niyon mula sa kaniyang katawan.
Namangha si Yhena dahil sa magandang pangangatawan nito.
"Aba, kasama ba sa training ninyo ang pagkakaroon ng abs?" nakangiwing tanong niya kay Alpha.
"Hindi naman. Sadyang nagsipag lang na magkaroon," aniya sabay tingin sa mga mata ni Yhena. "Sure ka sa gagawin natin?"
"Oo naman. Kailan pa ba ako hindi sure pagdating sa'yo?" kagat-labing tanong niya.
At iyon na nga, may mas malalim na nangyari sa pagitan nila. Hindi basta-basta.
At masasabi nating pareho nilang ginusto iyon.
w(°o°)w
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay pareho silang natahimik. Sabihin na nating nagkahiyaan pa sila.
E nang mangyari nga iyong kanina ay wala silang kahinto-hinto.
"I can't believe this, Jonas.." mahinang usal ni Yhena habang tinutulungan si Alpha na maisuot ang polo.
Siya naman ang nag-ayos sa magulong hitsura ni Yhena. "It's a great moment for me, really."
"Alam ko. And I admit, na-miss ko na gawin 'to kasama ka." Napatungo siya at napangiti.
"Tara, dumiretso na tayo sa unit mo. May klase ka pa bukas," aniya sabay labas mula sa kotse. Pinagbuksan niya si Yhena ng pinto sabay lahad ng kamay.
Naglakad sila papasok ng apartment building, at siniguro nilang walang makakapansin sa kanila.
w(°o°)w
BINABASA MO ANG
1st.One Series: The Dream
Fanfiction[completed] 1st.One Series: The Dream 1st.One Ace, Max, Alpha, J, Joker, Jayson and (forever) special member Gift. [Book 1 of 1st.One Series] Sa tingin ninyo, ano ang mas maganda, unahin ang pangarap o ang pag-ibig? E why not love the dream, 'di b...
