ACE - 05.

36 4 1
                                        


w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

ACE - 05.

"What? Wow, congratulations!" nakangiting sabi ni Ace kay Alpha. Kasalukuyan silang may video call.

"Liligawan ko siyang muli, Ace," nakangiting sabi pa ni Alpha. "At tutulungan naman daw ako ni Aya. Kilala ko rin naman siya since classmates sila ni Yhena and close friends pa sila. Alam niyang naging kami ni Yhena gaya mo."

"Ah. Oh e di ano nang balak mo ngayon?"

"Nasa school kami ngayon, mamaya na lang tayo mag-usap at may nakakahalata na dito." Kumaway si Alpha sa camera.

"Sige mamaya na lang, Alpha."

Yes, masaya si Ace dahil okay na sina Alpha at Yhena. At mukhang good mood si Alpha.

"Ace?"

Napalingon siya, at kaagad na napangiti nang makita si Jia.

"Good morning, Jia." Lumapit siya sabay halik sa pisngi ng dalaga.

"Anong ginagawa mo dito? Saka sinong kausap mo kani-kanina lang?"

Naupo sila sa batong upuan na naroon.

"Si Alpha 'yon, may good news lang na sinabi." Ngumiti ang binata. "Kilala mo ba siya?"

"Oo naman. Pero matagal na since huli kaming nagkausap. Nga pala, pwedeng malaman kung ano 'yung sinabi niya sa'yo?"

"Nagkabalikan sila ni Yhena, at liligawan siya ulit ni Alpha. And sure akong sasabihin niya rin iyon kila Jayson."

"Ah.."

"At ako naman ang may sasabihin na good news sa kanila." Inakbayan niya si Jia. Ang kaniyang ulo ay nakahilig sa dibdib ng binata, at masasabi nating ang sweet nilang tingnan.

"Hmm? Ano naman ang sasabihin mo sa kanila?"

"Na may nahanap akong babae na siyang forever ko."

"Ang cheesy mo."

"Kilig ka naman?"

"Tumahimik ka nga, Val John."

"Aba aba." Natawa si Ace sabay kurot nang bahagya sa pisngi ni Jia.

"Aww, sweet."

"Minje-oppa?" Nag-angat ng tingin ang dalaga.

"Ah, just wanna inform Ace that the CEO needs to talk to him," naiilang na sabi pa ni Minje.

"Okay. Where's he?" tanong ni Ace.

"In the Entertainment building."

"Let's go there, then."

w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

Dumaan ang kinatanghalian. Kasalukuyan silang nasa restaurant malapit sa FirstOne Entertainment.

"Ang sarap talaga ng pagkain dito."

"Dahan-dahan lang sa pagkain at baka mabulunan ka," paalala ni Jia kay Ace.

"Willing ka bang alagaan ako?"

"Gusto mo ba 'yung panghabang-buhay na alaga?"

"Aba, Jia, you got me there."

"Sus, kung babanat ka siguraduhin mong 'aprub' sa akin! Hahaha, biro lang." Tumawa ang dalaga at uminom ng tubig.

"Ah okay."

"Punta tayo sa N Seoul Tower."

"Do'n sa may love locks?"

"Punta tayo do'n."

"Sige. Maglagay tayo ng love locks, Jia. Tapos balikan natin sa oras na pumunta tayong muli doon."

"Sure, tapusin muna natin ang pagkain."

"Sige."

w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

Nagtatatakbong parang bata si Jia nang tuluyan nilang marating ni Ace ang tower matapos akyatin ang maraming baitang ng hagdan.

"Here we are!" masayang sabi ng dalaga.

Nagpaikot-ikot siya habang tumatalon, at napapangiti na lamang sa kaniya si Ace.

Ngunit nang ma-out balance siya ay muntikan na siyang matapilok, mabuti na lamang ay mabilis siyang nasalo ng binata.

Sila'y nagkatinginan, at naging mabilis ang tibok ng kanilang mga puso.

"Hey, okay ka lang? Masyado ka nang nasosobrahan sa pagiging hyper mo."

"Hehe, sorry na," nahihiyang sabi ng dalaga. "Ayun ang love locks!"

Nagtungo sila doon habang magkahawak-kamay.

Mayamaya pa. . .

"Red heart for me and a black one for you." Ngumiti si Ace sabay abot kay Jia ng black heart pendant na may susi at kandado. May kasama iyong puting sticky note.

"Anong ilalagay natin?"

"Write my name, I'll write yours. Then ikaw na ang bahalang magdagdag," aniya. "Tara, gawin na natin."

"Sige."

w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

'JIA LEE ♥️ VAL JOHN LIBREA
I promise to be with Jia together, no matter what happens. I'll make her happy and won't make her in tears. 지아, 사랑해. Isang taon, okay?
-Ace, 20/09/18'

w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

'~VAL JOHN LIBREA~
Unexpected ang nangyari sa atin. Love at first sight I guess. Pero wala naman akong pinagsisisihan ei. I love you. ♥️
-지아 ^^'

w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w

*KRING!!! KRING!!!*

"Hello Jayson?"

"Nasa NAIA na ako, Ace. Mag-la-landing ang eroplano sa Busan Airport, pakisundo naman ako."

"Sa Busan pa? Bakit hindi pa dito sa Seoul?"

"Wala nang available sa Seoul kasi sa pagkakataong 'to. Pakisundo naman ako, hmm?"

"Sure, magpapasama ako kay Minje."

"Sige, see you."

"Sige."

w⁠(⁠°⁠o⁠°⁠)⁠w


1st.One Series: The Dream Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon